Prologue

134 2 1
                                    

Simple lang naman ang gusto ko, ang makatapos, makahanap ng trabaho, at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko.

Sa ngayon, wala pa sa isip ko ang love life na yan dahil wala namang maidududlot yan kundi problema at sakit sa ulo.

Para saakin pang apat lang sa pinaka importante ang pag ibig una ang Diyos pangalawa ang Pamilya pangatlo ang pag aaral.

Sinabi ko sa sarili ko na hangga't di pa ako nakakapasa ng board ay hindi pa ako mag bo boyfriend siguro oo hindi maiiwasan mag ka crush pero for me its not a big deal 2 months lang ang pinakamatagal kong naging crush.

At dahil madalas nila akong asarin kay Nikkie Cruz, ang organist namin na crush ni Coleen, ang best friend ko, ang former crush ko ang lagi kong panakip butas kahit hindi ko naman na siya crush ..

Isang araw nag punta si Coleen sa bahay para mag kwento, tungkol nanaman kay Nikkie -____- .

Habang nag kwe kwento siya may bigla siyang siningit sa usapan.

"Doms!"

Doms ang madalas na tawag saakin ng mga close friends ko

"Oh baket?"

"Para sayo, ano ba talaga ang love?"

"Love? Edi pag-ibig" natatawa kong sabi sakanya

"Psh, ge una na ako"

I thought she wasn't so serious about that question.. Kaya hinayaan ko nalang siya umalis

"Ge"

Inirapan niya nalang ako pagtayo niya, pero nagulat ako nang bigla siyang mag salita..

"Hindi sa lahat ng oras pag aaral ang iisipin mo, balang araw kakainin mo din ang mga salita mo"

Nagulat at natulala nalang ako sa sinabi niya na para bang hindi ko maalis sa isip ko, ano bang ibig niyang sabihin? Pag tapos nun umalis na siya sa bahay nang hindi nag papaalam..

Ang daming tanung na pumapasok sa isip ko na hindi ko makalimutan ang bawat salitang binitawan ni Coleen.. Mag kaka crush nga ba talaga ako? Mai-inlove ba talaga ako?

Mag mamahal din ba ako tulad ni Coleen?

A/N:
Thank you sa mga mag babasa nito.. It'll be my first story and I wish na maging successful to!! Uhm. I'll update once or twice a week. Thank You ulit sainyo!

Love of My Life: UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon