Payment

68 1 1
                                    


Coleen's POV

Pag katapos bumili ng palamig ni Doms ay niyaya niya na ako umuwi sa sobrang pag mamadali niya halos tumatakbo na siya at hindi niya napansin na mayroong tao sa harap na hanggang sa nabangga niya na ito..

Gulat na gulat si Dominique nang makita niya ang nakabangga niya para siyang nakakita ng multo sa sobrang gulat ..

Dominique's POV

Sorry.. Sorry... Sorry, yan lang ang tanging nasabi ko sa nakabangga ko pero kahit anung sorry ko patuloy parin ang pagbubulyaw niya saakin

"WALA KANG KWENTA! DI KA MAN LANG TUMITINGIN SA DINADAANAN MO !! DI KA MAN LANG NAG IINGAT ANUNG KLASENG TAO KA? NAPAKABURARA MO !! ALAM MO BA KUNG MAG KANO ANG DRESS NA ITO? BINIGAY PA SAAKIN TO NG MAMA KO.. ITO NALANG ANG TANGING ALALA KO SAKANYA TAPOS IKAW? IKAW LANG ANG MAKAKASIRA? KULANG PA ANG BUHAY MO BUHAY MO PARA SA DRESS NA ITO !!! "

Si Wendy, Wendy Pineda, ang taong nakabangga ko at natapunan ko nang palamig Tumahimik nalang ako habang nag sasalita siya, galit na galit siya.. At pag katapos niya akong sigawan bigla siyang huminahon at sinabing

"You'll pay for this!"

"Ano po bang magagawa ko para mabayaran ko kayo? Lahat po gagawin ko.."

"Hmmm... Alam ko na ... Kiss that guy on the lips"

Gulat na gulat ako ng makita ko kung sino ang tinuro niya..

"Si.. Si... Si.. Si Nikkie?? "

"Oo! Baket may angal ka? Now na ! As in now na! "

"Pero thats not my rig-"

Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko inunahan niya pa ako

"Hep hep hep! Just kidding.. Hug mo nalang siya .. "

After that she made an evil grin wala na akong nagawa .. Nilapitan ko siya at nung malapit na ako bigla akong nagulat kung sino ang sumulpot sa harap ko.. Si Wendy

"Uto uto ka din pala? Just give me PhP 3000 okay? Utang mo yan sa linggo
mo na bayaran .."

"Thank You.. "

"At bakit ka nag papasalamat saakin? Urgh.. Just please leave ! NOW!"

"Okay.. Sorry again"

"SHUT UP AND LEAVE !!"

Umalis nalang ako at wala ng sinabi pa .. ako at si Coleen ay gulat na gulat sa pangyayari .. Tahimik lang kaming naglakad pauwi..

"Ok ka lang ba Doms? Gusto mo meryenda muna tayo sa 7-11?? My treat!"

Biglang tanung ni Coleen

"Di na kailangan Leen :) ok lang ako"

Coleen's POV

Habang nag lalakad kami kinausap ko siya at tinanung kung gusto niya ba pumunta ng 7-11 ..

Tanging sagot niya lang ay "Hindi na kailangan Leen, okay lang ako"

Leen ang madalas niyang tawag saakin kapag masaya siya o malungkot siya obviously halata naman na malungkot siya ngayon di lang siguro siya nasanay sa ganung pangyayari ...

Hanggang sa nakauwi na kami di siya nag salita talaga ngang na depressed siya .. Sana naman okay lang siya ..

Wendy's POV

Nakakainis talaga ang araw na ito grabe may naka bangga saakin tapos nadumihan yung dress na binigay ni mama! Pasalamat nalang siya noh hindi ko siya binigyan ng parusa pinagbayad ko lang siya at may palugit pa..
Asa naman siya noh ipapakiss ko si Nikkie? Ipapahug? NO! THATS A BIG NO!

Well alam ko mahal pinapabayad ko sakanya eh ipapa laundry ko lang yun.. Gusto ko lang mag karoon ng pera pambili ng bagong damit para sa church.

Nag text siya saakin at sinabing pwede ba daw na 1,000 muna ang ibayad niya then i replied back

"Ganito nalang .. Samahan mo nalang ako pumunta kila Nikkie then 500 nalang ang ibayad mo.. Okay?"

Mejo natagalan bago siya mag reply ... Pero naghintay ako then she
answered Yes.

Of course mapapapayag ko siya as if naman .. -_-

Dominique's POV

Tinawaran ko muna si Wendy sa pagbabayad ng nasira ko pumayag siya sa isang kondisyong sasamahan ko siya pumunta kila Nikkie ..

Ano kayang gagawin nila? Di kaya totoo na crush ni Nikkie si Wendy? Sana naman walang mangyari ayoko hindi ko tanggap .. Masasaktan ako ng sobra. Well wala akong magagawa kailangan kong sumama

Tinanung ko siya kung kelan at anung oras at kung saan kami mag kikita

"Dec.12-2:30 pm- Kung saan mo ako natapunan ng juice"

After kong um-agree tapos na ang agreement namin..

To Be continued....

A/N:
Ganun ba talaga ugali ni Wendy? Well.. Lets see.. January 10 ang update.. Sorry kung matatagalan pero may entrance exam pa kasi ako ee!! Sana maintindihan niyo xD

Love of My Life: UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon