Dominique's POV
Kapag hindi ko siya nakikita, lagi ko siyang iniisip, kapag malapit siya saakin kinakabahan ako kumakabog ang dibdib ko sana naman mali ang hinala ko ayoko ng ganto God please? Crush ko nga ba talaga siya?!
Its Sunday morning at nag prepare na ako ng gagamitin ko para sa choir. Then after preparing, naligo at kumain na ako ng breakfast hinintay ko lang ng konti si Coleen kasi maaga naman siya nag punta sa bahay usually kasi maaga lang ako nag re ready..
Habang nag lalakad kami nag usap din kami about something something then nang makarating na kami, nalaglag ang panga ko sa nakita ko.. Its Nikkie
I don't know what to do, psh! Nakita ko pa naman siya kagabi, at di lang nakita nakasama ko pa sa pagkain -_- .. After thinking some things bigla akong siniko ni Coleen
"Psst! Doms! Siya organist natin! Yessss!! Hahaha"
"Pssh! Who cares?"
"I do."
"Sige pagbibigyan kita ngayon dahil wala ako sa mood, ikaw na muna ang panalo okay?"
"Yessss! Emeged! First Time ko manalo!"
"You didn't win, I give up"
"Anu bayan Doms! Bumawi ka kaagad, di mo man lang pinatagal ng 1 minute"
Di nalang ako nag salita ..
Laging dumadampi sa isip ko ang bagay na iyon kahit alam kong hindi pwede pero ayokong mag sinungaling sa sarili ko lalo na kung alam ko naman talaga ang totoo .. At tama nga si Coleen, kinain ko na lahat ng sinabi ko.. Pero baka mawala din naman to after two months diba? Parang yung sa iba din its no big deal.
On that day October 13 I admit to myself crush ko na nga siya, si Nikkie, Nikkie Cruz
Naiisip ko pa din kung bakit bigla biglang tinanung ni mama yung bagay na yun.. Well, na gu guilty ako kasi sinabi ko never! Tsk! Pero okay lang lilipas din to..
Hindi ko alam kung natauhan lang ba ako sa sinabi ni Coleen. Tss! Parehas lang to sakanila its normal na mag ka crush after 2 months lilipas nanaman to sigurado ako.
Napapangiti niya ako sa tuwing makikita ko siya pero ako naman tong todo deny lalo na ang pinaka malakas mang asar na ka choir ko, Si Coleen Valdez .
Kami ay isang miyembro ng choir sa aming relihiyon at si Nikkie ay isa namang organist
Siya ang tumugtog saamin ngayong araw na to, October 13 at matapos siyang mag bihis at makauwi lumapit nanaman saakin si Coleen for sure mang aasar nanaman.
"Ayiieee! Crush mo siya noh? Nako! In denial pa hahah bagay kayo" pang aasar ni Coleen
"Ano bang nakain mo at nang aasar ka to the max! Ha? Di nakakatawa -_- ikaw nga jan eh baka ikaw noh! Hindi ako" bawi ko naman sakanya
"Wala akong nakain! Nako sige na tara na nga umuwi na tayo ang init init na oh"
Inirapan niya nalang ako pag katapos niyang mag salita
"Sige, tara na"
Coleen and I are very close since bata pa kasi ako pinapaubaya na ako dun pag umaalis yung tita ko na nag sisilbing taga alaga saakin noong bata pa ako at hanggang ngayon na malaki na ako tumutulong pa rin saamin .
Close na close kami lagi kami mag kasabay umuwi at pumunta sa lugar kung saan kami pumupunta mas matanda siya saakin ng 1 taon at 12 na araw syempre kailangan kompleto ..
Ako si Dominique Delos Reyes pero you can call me Doms kung close tayo.
Isa akong honor student Valedictorian to be exact. I'm Second Year High School student sa isang University ..Naiisa akong anak pero hindi ako na i-spoil tamad ako lalo na sa gawaing bahay mas trip ko makipag kaibigan sa lalaki kesa sa mga babae 5'3-5'5 ang height ko weight? Wag na ..
Pet lover ako at may aso ako sa ngayon 3 years ko na siyang inaalagaan , mahaba ang buhok ko ma kwela akong tao mabait sa mabait at crush ko? Kilala niyo naman na eh
Inaasar siya ng mga kaibigan niya sa isa niyang kaibigan si Wendy, Wendy Pineda, na crush daw ni Nikkie ako naman kung wala pang confirmation di ako maniniwala siguro dahil alam kong masakit kaya kahit anung pang aasar nila sakanya sa kaibigan niya kilala ko din siya well were not that close pero kaibigan ko siya kasi ako choir siya naman ay receptionist.
Walang nakakaalam kung sino ang crush ko, inaasar nila ako kay Nikkie pero di nila alam na totoo na siya talaga ang crush ko wala naman talaga akong intensiyon sabihin pero walang lihim na nabubunyag malalaman din nila sooner or later.
Si Coleen may gusto kay Nikkie pati din yung isa naming kaibigan ako naman nakikinig lang sa bawat moment daw nila "GROSS" masyadong F.C (Feeling Close) yung isa naming kaibigan kapag magkatabi kami ni Coleen sisingit siya sa gitna at pinapatabi ako MALDITA noh?
In-Add ko si nikkie sa facebook few days later inaccept niya din.
One day I'm so bored scrolling on my News Feeds then I checked who's online then..
Online siya!! Mahina kong sinabi sa sarili ko ang saya ng feeling
Kakausapin ko kaya o hindi? Binuksan ko ang chat box namin at nag type ng HI . Send or delete? Tulong po pleaseeTO BE CONTINUED ....
A/N:
It was a short update.. Bawi ako next update.. The next update will be tomorrow ..
BINABASA MO ANG
Love of My Life: Unexpected
Teen FictionAn almost perfect girl who doesn't do anything for herself.. She just want to graduate in her dream school, pass the board exam and give her family a healthy and wealthy life.. She almost had everything a girl wanted .. Beauty, Brain and Kindness, b...