Chapter 1

5 1 0
                                    

Isang napakagandang araw na naman ang nasilayan ko.Tanaw ko mula sa veranda ng kwarto ko ang malawak naming lupain.Ang mga tanim na gulay at prutas.Sa bandang kaliwa ay ang mga mababango at makukulay na bulaklak.Ang ama ko ang nagpapatakbo ng mga ito habang ang ina ko naman ay ang Alkalde ng Rizal,ang bayan kung saan kami nakatira ngayon.

Anak ako ng isang bussinessman at ng Alkalde.

Anak ako sa pagkadalaga ni mama at nagpapasalamat ako na kahit na maaga syang nabuntis ay hindi nya ako pinalaglag.Minsan habang kinukwento nya sakin kung paano sila nagkakilala ni papa hanggang sa nabuo ako ay minsa'y naitanong ko kung bakit hindi nila ako pinalaglag.Ayun daw ay saksi ako sa nabuo nilang pagmamahalan,ni minsan ay hindi nila naisip na isa lamang akong pagkakamali.

Nagsikap silang makatapos sa pag-aaral hanggang sa napadpad sila sa lugar na ito,ang Parola.Sumubok sang aking ama na magtanim ng mga gulay,prutas at bulaklak habang ang ina ko naman ay tumakbo bilang Alkalde.Doon na nagsimula lahat,ang pagbangon namin.

Parehong mula sa mayamang pamilya ang mga magulang ko pero ni minsan ay hindi sila humingi ng tulong sa mga ito noong panahong walang wala ang mga magulang ko.

Simula ng itakwil sila ng pamilya nila ay k na sila ng koneksiyon dito.

Pero sumapit ang ika-limang taong gulang ko ay bigla na lamang ang mga ito nagpakita kina mama at papa.Humingi ng tawad sa pagtataboy nilang nagawa sa mga magulang ko.Tinanggap ulit ng mga ito ang mga magulang ko maging ako na apo.

Tuwang tuwa sila saakin at minsa'y pinagbabakasyon ako ng dalawang pamilya sakanilang mansiyon.Iyon na ata ang pinaka masayang araw na nangyari sa mga magulang ko,ang matanggap muli sila ng kanilang mga ama at ina.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako.Naabutan ko ang mga trabahante ni Papa na naghaharvest ng mga repolyo at carrots.

"Magandang umaga,Ma'am."ngumiti ako at kumaway doon sa trabahanteng bumati saakin.

"Magandang umaga rin po."

Nilingon ko ang mga pulang rosas.I smiled.Nilapitan ko ito at hinawakan.Isa ito sa pinakapaborito ko.Maganda at kahali halina sa paningin.Pumitas ako ng ilan ang bumalik sa loob ng mansyon.

"Manang,paki palitan na nga po ngbulaklak sa kwarto ko."ibinigay ko sakanya ang pinitas kong mga bulaklak.

"Sige,ma'am."

Nilibot ko ang paningin ko noong makita kong puro kasambahay lamang ang nakikita ko.Wala sina mama.

"Ano pong kailangan nyo,ma'am?"lapit noong kasambahay saakin.

"Nasaan sina mama at papa?"tanong ko.

"Nasa kabilang bayan po ang mama nyo at may inaasikaso po.Ang papa nyo naman po ay nasa palengke sinasamahan sina Berting madeliver ng mga gulay."tumango ako.

"Sinabi ba ni mama kung ano ang inaasikaso nya sa kabilang bayan?"tanong ko ulit.

"Para po daw sa darating na Fiesta,ma'am.Baka daw po magtagal ang Mama n'yo."

"Sige.Salamat."

Sa susunod na linggo na ang Fiesta dito sa bayan ng Gabbana at pamihadong madami ang dadagsa dito.Ang pinakahihintay ko taon taon.Para saakin ay isa ito sa pinakamasaya na nangyayari taon taon sa Parola.Ito ay idinadaraos tuwing ika-21 ng Mayo kung saan lahat ng tao ay nagbabasaan.

Lumabas ako ng mansiyon at naglakad palabas.Nakikita ko ang mga asawa ng  trabahador ni Papa na naggagawa ng bandiritas habang ang mga kabataan na halos kasing edarin ko lang din ay ang mga nagsasabit sa poste.

Maswerte ang bayan na ito dahil mabubuting tao ang mga nakatira rito,mga taong mappaagkatiwalaan.Minsan nga lang ay may mga pagkakataong may mga nagyayaring hindi inaasahan ngunit agad din namang nareresolba.Katulad nalang noong muntik ng magahasa ang isa sa mga anak ng residente dito,kaya ang ginawa ni Mama ay nagpatupad ng mas maagang curfew.Agad din namang sinangayunan ng iba para na rin sa kaligtasan namin.

Parola Series #1 Once Upon A BeastWhere stories live. Discover now