Pagkalabas ko ay nakita ko ang sasakyan niya doon sa may tapat ng Mi Amore. Jusko ang lalaking 'to. Buti hindi siya sinisita noong may ari sa loob dahil nakahara ang sasakyan niya doon. Napapa iling akong lumapit sa kaniya. Sinalubong niya ako ng ngisi niya. Inirapan ko lang siya at binigay sa nakalahad na kamay niya ang bag ko.
"Baka magalit yung may ari n'yan, ah? Nahaharahangn ng kotse mo ang shoo nila." nguso ko sa Mi Amore na nasa gilid namin.
He laughed and opened the door for me. Pagkatapos kong sumakay ay umikot na siya at sumakay na din then he started the engine.
"Nag paalam ako. Pwede daw." tumawa siya at niliko ang sasakyan.
Papunta kami ngayon sa Giray. Kainan 'yon malapit sa school nila. Nabanggit niya iyon minsan sa akin na doon daw ang school nila ni Ford. Humarap ako sa kaniya noong may naalala.
"What?" gulat niyang tanong noong bigla akong hunarap sa kaniya.
"So ikaw pala yung sinasabi ni Ford na ini-enrol n'ya."
"Yeah?" tamad niyang sagot.
Umirap ako sa kaniya at humalukipkip.
"Naalala ko lang."
Hinuli niya ang kamay kong nasakapahinga sa hita ko at dinala iyon sa labi niya. Tiningnan ko siya at seryoso naman siyang nakatingin sa kalsada. Umirap ako at binawi ang kamay ko.
"Tss. Let me hold your hand." inis niyang sabi.
Hindi ko na alam kung nakaka ilang irap na ako sakaniya. Ang kamay niyang nasa kambyo ay lumipat sa kamay kong nasa hita ko. Hindi na ako umapila hanggang sa nakarating na kami sa Giray. Malapit sa pintuan kami pumwesto. Hmm. Wala pa rin naman 'tong pinagbago. Pula ang kulay ng loob ng restaurant na 'to at puro pang Chinese ang mga gamit. Well, Chinese ang may ari, e. 'Yun ang balita ko pero hindi ko kilala kung sino
Umorder na s'ya habang ako ay nililibot ang paningin sa paligid. Hindi ko mapigilang mamangha. Ito lang kasi ang napupuntahan ko pa na restaurant na ganito kaganda. Malinis at talagang babalik balikan mo. Medyo malayo 'to sa mansyon kaya hindi ko pa napupuntahan.
"Kilala mo kung sinong may ari nito?" baling ko kay Trave.
Tumango siya. "Yup. Shield's mother." kibit balikat niya.
"Shield what?" tanong ko. Baka lang kilala ko.
Tumaas ang kilay niya.
" Inciong. Shield Inciong."
Tumango ako. Nanliliit ang mata niya sa akin.
"What?" tanong ko sa kaniya.
"Are you interested?" malamig niyang tanong.
Kumunit ang noo ko sa kaniya at taka siyang tiningnan.
"Ano? Saan?"
"Shield." umismid siya sa akin at nag iwas ng tingin.
"Seriously, Trave? Tinatanong ko lang naman yung surname kasi baka kilala ko!" tumawa ako.
"He's not available anyway..." aniya.
Tumingin lang ako sa kaniya habang natatawa. Wala naman akong pake doon, kung sino man 'yon. Curious lang talaga ako kung sino 'yung may ari kasi hindi ko kilala. Nakasimangot siya hanggang sa dumating na ang order namin.
"Bakit hindi s'ya available?" tanong ko sa kaniya, nang aasar.
Iritado siyang tumingin sa akin. Kahit kailan talaga siya. Kaya ang sarap nitong asarin, e. Asar talo.
"Sa kaniya ka magtanong kung gusto mo." iritado niyang sabi.
"Seloso!" tawa ko.
"Palagi mo nalang ako pinagseselos, ah? Pag ikaw ang napag selos ko.."
![](https://img.wattpad.com/cover/228954634-288-k311766.jpg)