Chapter 8

1 1 0
                                    

"Mag paalam ka sa amin kung may lakad ka pagkatapos ng klase mo."ani Papa.

Pangalawang araw ko na ito ngayon sa pagpasok. Alas siete at heto ako ngayon, nagmamadali. Tinanghali ako ng gising. 7:30 ang unang klase ko kaya minadali ko na ang pagkain.

"Opo, Pa. Alis na po ako." Humalik ako sa kanilang dalawa bago nagpahatid sa school.

Nasa tapat na kami ng school noong dumating si Aya. Kabababa nya lang din ng sasakyan nila.

"Manong, ite-text nalang po kita kapag magpapasundo na ako."

Tumango sya at pinaandar na ang sasakyan. Lumapit si Aya sa akin.

"May gagawin ka mamaya?"tanong nya.

Nagsimula na kaming lumakad papasok.

"Wala. Bakit?"

Ngumiti sya at pumalakpak. Anong meron?

"Great. May race mamaya sina Ford. Sama ka, please?Wala akong kasama doon."

Nangunot ang noo ko. So hindi lang pala si Trave ang nakikipag race, ah? Pati kapatid.

Pumayag ako sa sinabi ni Aya. Wala din naman akong gagawin mamaya kaya okay lang na manood.

Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking iyon. Noon,nung una naming pagkikita palaging nakangiti ang baliw na iyon, minsa'y tumatawa pa kahit na wala namang nakakatawa. Tapos nitong mga nagdaang araw ay iba na ang kinikilos nya at palagi pang iritado at galit.

Nagliligpit ako ng gamit noong may kaklase akong lumapit sa akin, si Josh. Tapos na ang pangalawang klase at recess na. Magkikita kami ni Aya sa may bench para doon kumain.

"C-Clover.." tawag noong kaklase ko.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Ano yun, Josh?"

Inayos nya ang salamin nya bago nagtaas g tingin sa akin. Bahagya pa syang namula noong nagtama ang tingin namin.

"Bakit?" tanong ko ulit dahil hindi pa rin sya nagsasalita.

Akmang sasagot na sya noong tinapik sya noong kaibigan nya ata. Kita ko ang panlalaki ng mata ng kaklase kong lumapit sa akin at naging balisa. Nagtataka naman akong tumingin sakanila, lumapit pa ako ng bahagya.

"Anong problema, Josh?"nagtataka kong tanong.

Mas naging balisa na sya ngayon.

"W-W-Wala!" sabi nya sabay karipas ng takbo kasama ang kaibigan nya ata.

Anong problema noon? Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit. Pagkatapos ko ay bumaba na ako at pumunta sa bench.

Nakita ko doon si Aya na nakaupo na at nasa harap ang mga pagkain. Balak ko pa sanang bumili muna pero parang pandalawahan na ang binili ni Aya.

"Let's eat!"si Aya.

Tuluyan na akong umupo sa tabi nya at kinuha ang nasa platitong palabok. Mayroon pang dalawang Tropicana at dalawang slice ng cheese cake ang nasa hapag. Sa susunod kapag maaga ang dismissal namin ay ako naman ang manlilibre sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay pina-alala  ni Aya sa akin ang lakad namin mamayang alas tres bago kami naghiwalay. Gusto ko sanang umatras kaso naalala ko ang sinabi nyang wala syang kasama manood mamaya.Wala na din akong nagawa, si Aya yon.

Bumalik na ako sa classroom. Nandoon na ang teacher kong nag a-attendace.

"Katigbak....Lopez....Morado..."

Hanggang sa natapos na ang klase at sumapit na ang alas tres ng hapon. Labasan na. Lalabas na sana ako ng classroom noong naalala ko yung tungkol sa project na sinabi ng teacher namin, by partner iyon.

Parola Series #1 Once Upon A BeastWhere stories live. Discover now