Chapter 11

2 1 0
                                    

Nakipag laro ako ng beer pong doon sa mga naglalaro sa pool. Mabuti't may kakilala naman ako kahit papaano.Katabi ko ngayon at kaklase kong si Kurt na naglalaro rin.

"Shot? " tanong ni Alexa,isa sa mga kaklase ko.

Tinanggap ko 'yong binigay nyang shot.Pagkatapos kong inumin ay mariin akong napapikit sabat sipsip ng lemon na nasa bibig ng shot glass.Nanlaki ang mata ko noong bumagsak sa tubig ang hawak kong shot glass at nang may sumakop pahaklit ng baywang ko.

"Clover! "

Hindi ko na pinagtuonan ng pansin kung sino ang sumigaw na 'yon dahil ang atensyon ko'y nasa humaklit ng baywang ko. Bumugad sa akin ang iritado at pulang-pulang muka ni Trave. Dumagundong ang dibdib ko at halos kapusin na ako ng hininga.

"Trave,hindi namin alam-" may nagsabi ng kung sino sa kanya.

Iritado syang bumaling sa nagsalita.

"Ngayon alam nyo na!" sigaw nya sa mga 'yon.

Tiningnan ko sina Alexa na kabadong-kabado.Nagtama ang tingin namin at sa tingin nyang 'yon ay para syang humihingin sya ng tawad na ginawa nyang 'yon. Tipid ko syang nginitian at bahagyang tinanguan. Hindi na ako nakapag paalam sa kanila dahil bigla nalang akong lumutang. Buhat-buhat lang naman ako ni Trave at halos uminit ang pisngi ko sa pinag gagagawa nya.

"Trave! " hinampas ko ang dibdib nya.

Nahihiya ako sa mga taong nakatingin sa amin. Halos ang lahat ay napatigil sa pag sasaya at pag inom noong makita kami. Maging sila Aya sa malayo'y nasa amin ang tingin, kita ko pa ang pag iling ni Aya sa malayo at ang hagalpak naman ni Ford.

"Goodluck, brother!" sigaw ni Ford sabay hagalpak.

Hindi iyon pinansin ni Trave. Sa kahihiyan ay sumubsob ako sa dibdib nya at pumikit. Dumilat lang ako noong may narinig akong bumukas na pinto. Nasa isang kwarto kami. Nanlaki ang mata ko.

"Put me down! Ano ba!" pilit akong nagpupumiglas habang hinahampas ko na ang muka nya.

Hindi sya umiimik ang nanatili pa din ang galit nyang ekspresyon. Namalayan ko nalang na pumasok ulit kami sa isang kwarto noong tumigil sya sa harap at binuksan ang nakasiwang na pinto. It's not lock! Paano kung may ibang tao? At para saan naman 'tong kwarto na 'to? Para sa ano...err...

"Ano bang trip mo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong hinagis nya ako sa kama.

Napatili ako doon at masama syang tiningnan. Kung galit ka ay galit din ako! Mabuti at malambot ang kama dito kung hindi ay masakit ang pang upo ko, panigurado.

"What the fuck?! " sigaw nya sa akin.

Halos mapapikit ako sa sigaw nyang 'yon. Pulang-pula ang myka nya at halos maglabasan na ang ugat nya sa leeg sa galit.

"Bakit ganyan ang suot mo? " mariin nyang tanong.

"Baka para maligo sa pool, ano? " sarkastikong sagot ko sa kanya.

Pero mas lalo yata syang nagalit sa sinabi. Why? Totoo naman, ah? Ayokong ang t-shirt na 'yon ang suot ko at masyadong mabigat 'yon kapag nabasa,mahihirapan ako.

"Hindi pa tayo ay pinapainit mo na masyado ang ulo ko, Clover Daeh." mahinahon na ngayon ang boses nya.

"As if naman na sasagutin kita." sagot ko sabay irap sa kanya.

Nanlaki ang mata ko. Mali ang sagot ko! Hindi ko naman sya pinayagan kanina tungkol sa panliligaw sa akin.

"Tss. Where's your t-shirt? " malamig na tanong nya.

Sinagot ko sya na na kay Aya.Binuksan nya ang pinto ng kwarto at lumabas. Bumalik agad sya at hawak na yung paper bag na pinaglagyan ko ng t-shirt ko at binigay sa akin. Pinasadahan nya ako ng tingin kaya hinagilap ko 'yong unan sa likod ko at hinarang sa katawan ko.

Parola Series #1 Once Upon A BeastWhere stories live. Discover now