Chapter 12

3 1 0
                                    

Madaling lumipas ang araw at heto't sobrang dami kong inaayos na assignments, projects, notes at marami pang iba. Sa school ay halos ganun pa rin ang routine namin ni Aya. Madalas kaming nagkakasama tuwing break o minsan ay parehong walang klase. At si Trave na nanliligaw ay pinanindigan talaga, ang daming etche buretche ang pinadadala at binibigay sa akin. Bouquet at merienda ang binibgay nya sa akin kadalasan, madalas din kaming nagkakasama at madalas na din nagkakausap. Katulad ngayon ay niyaya na naman ako lumabas.

Trave:

Good morning! I'll fetch you later.

Text nya 'yon kaninang umaga. Hindi ko mapigilang mapangiti. Noong una ay iritado pa ako at ayaw pumayag pero ngayon ay ibang iba na ako. Namamalayan ko nalang minsan ang sarili kong tumatawa at ngumingiti kapag naaalala ko ang mga ginagawa nya. Simple pero ang lakas ng dating. Siguro kung ibang babae ang niligawan nito ay sasagutin na 'to agad, pwede pa ngang hindi na nya ligawan. Ganun din ang sabi ni Aya noong minsan namin s'yang napag usapan.

"Sa bahay nalang tayo mamaya, Clover. Hindi ako pinayagang lumabas ngayon.." si Kershe.

Pinag uusapan kasi namin 'yong sa project namin. Kunot nuo ko sya'ng tiningnan. Bakit kaya? Nakakahiya pero ayokong magtanong.

"Huh? O sige. Saan ba ang bahay nyo?" tanong ko kaya binigay nya ang address kung saan sya dito sa Rizal.

Medyo malayo ito sa mansyon at malapit sa may Tabis.

"Eto ba 'yong nag iisang mansyon malapit sa tabis, Kershe?" tanong ko.

"Oo. Uh, malayo ang mansyon namin. Gusto mo ipasundo nalang kita?" aniya.

Umiling ako ang ngumiti.

"Hindi na. Thank you."

Pagkatapos noon ay dumiretso na ako palabas ng classroom. It's already three thirty at paniguradong naghihintay na si Trave sa labas. Dali-dali na akong naglakad at nakita ko sya doon na nakahilig sa sasakyan, wearing his trousers and blue fitted shirt. Naku. Pwede ng model 'to sa Maynila.

Lumapit na ako sa kanya kaya napaayos ng tayo. He smiled at me and extended his right arm, kinukuha ang bag ko.

"Mukang hindi tayo tuloy ngayon." sabi ko habang binibigay ang bag ko.

Binuksan nya ang passenger's seat at narahang hinawakan ang baywang ko. Nilingon ko s'ya at nakita ko s'yang nakanguso at pinipigilang ngumisi. Shit! Eto na naman s'ya. Tuluyan na akong umupo at doon pa lang umalis ang braso nya sa baywang ko. Nanatili s'ya sa labas at hindi sinasarado ang pintuan, nakatingin s'ya sa akin kaya nilingon ko s'ya.

"Why? May lakad ka?" tanong nya at tinukod ang kamay sa dash board at ang isa ay nasa gilid ng upuan ko.

Now, I'm trapped. Kung umasta ang isang 'to ay parang kami na. Gusto ko rin naman pero...nakakahiya! Hindi ako sanay.

"O-Oo. Kila Kershe sana, may project kaming gagawin." sabi ko nang iwas ang paningin sa kanya. Ang lapit ng muka n'ya.

"Uh-huh? I'll send you there. Bukas, may lakad ka din?"

"Uh, ikaw ang bahala. Hindi ko pa alam. " sinubukan kong tumingin sa kanya at mabilis ding nag iwas.

Bahagya s'yang humalakhak at inayos ang palda kong tumataas na pala. Hindi ko na namalayan sa kaba ko kanina.

"You're not comfortable? Are you okay?" nang uuyam n'yang tanong.

Nakangisi sya at mapungay ang mga matang nakatingin sa akin.

"Tss. Tara na at baka naghihintay na si Kershe. Nakakahiya." hindi ko sinagot ang tanong nya.

Baka kapag umamin akong hindi ako  komportable at kinakabahan ako sa presensya nya ay baka palagi n'ya itong gawin sa akin. Tuwang-tuwa pa naman 'to kapag nakikita n'yang naaapektuhan ako sa simpleng mga kilos nya.

Parola Series #1 Once Upon A BeastWhere stories live. Discover now