Hinatid kami ni Stan kanina sa airport. At kararating lang namin ngayon sa Pilipinas. Hinihila na ni Guthrie ang bagahe namin. Naghahanap ako ng taxi na pwedeng maghatid sa amin sa Parola.
"What are you doing, baby?" takang tanong ni Guthrie sa akin.
"Naghahanap ako ng taxi para may maghatid sa atin sa Parola."
"No need for that. I have a car here." he smirked at ako naman ay laglag ang pangang tumingin sa kaniya.
"Hindi mo sinabi!" hampas ko sa kaniya.
Tumawa siya at hinila ako sa baywang.
"You didn't ask."
Maya-maya ay may itim na Ford Ranger sa harapan namin at bumaba doon ang isang lalaki. Kakatawan din siya ni Guthirie at.....magkamuka sila! May kapatid si Guthrie?
"Kuya.." malalim na boses na tawag niya.
"Miss me?" halakhak ni Guthrie.
Tumingin ulit ako doon sa lalaking tumawag sa kaniya ng Kuya. Medyo maliit ang mga mata. Magulo ang buhok na tumatabing sa mga mata, matangkad din at mukang.....masungit? Yeah.
"Tss.." umismid iyon.
"Okay, okay. Chiill, brother!"
He gave his brother a man hug. Inakbayan ako ni Guthrie at iniharap sa kapatid niya.
"This is Clover, my friend. Clover, this is my brother, Sathrine."
Wala iyong reaksiyong tumingin sa akin at naglahad ng kamay. Tiningnan ko iyon bago tinanggap.
"H-Hi." sabi ko pero isang tango lamang ang binigay niya.
Inilagay na ni Guthrie at ng kapatid niya ang mga bagahe namin sa loob ng sasakyan. Gusto ko pa sanang sabihin na ako na pero baka sungitan lang ako noong si Sathrine.
Nasa front seat si Guthrie habang ako ay tahimik na nakaupo sa likod. Ginagala ko ang paningin ko sa paligid. Anim na taon bago ulit ako makatungtong dito.
Gusto ko mang sabihin kay Mama na uuwi ako ay hindi ko magawa. Gusto ko silang sorpresahin! Excited na ako. Yeah. Sila Mama at Papa ang na-miss ko. Duh.
"Where are we going now, Guthrie?" malamig na tanong ni Sathrine.
"Where is the Kuya now, Sath?" halakhak ni Guth.
Hindi umimik si Sathrine. Mas lalong humalakhak si Guthrie dahil sa kasungitan ng kapatid.
"Do you know where is Parola? We're going there." ani Guthrie sa kapatid.
"Yep. I was there last week."
Tumingin ako sa kaniya mula sa rearview mirror. He was there? Oo nga daw, Clover. Kasasabi lang.
"Oh? Anong ginawa mo doon?" tanong ni Guthrie.
"I visited my friend."
Pagkatapos noon ay nilubayan na siya ni Guthrie. Mula Manila ay mahigit dalawang oras lang ang byahe papunta sa Parola. Maliban na lang kung traffic.
Kinuhanan ko ng picture ang sarili ko habang nasisinagan ng araw ang kalahati ng mukha ko. Pagkatapos kuhanan ang sarili ay ipinost ko iyon sa IG ko.
Tahimik ang byahe at tanging kami lang ni Sathrine ang gising. Tulog si Guthrie sa unahan at sa palagay ko ay napagod iyon sa byahe. Ako naman ay hindi makatulog dahil nahahalina akong pagmasdan ang daanan pauwi sa Parola. Excited na din na makita ulit sina Mama pati na rin si Aya. Hindi iyon makapunta sa akin dahil sa trabaho at sa skwelahan. Naiintindihan ko naman.