"Malapit na kayong mag compete, ah?" sabi ko habang kumakain ng french fries.
Nandito kami sa may kotse niya. Hinintay ko siyang lumabas. Unang araw niya ngayon sa school. Buti at Intramurals namin at ini-extend ng isang oras ang labasan namin. Bale alas kuwatro na din ang labas namin ngayon, pero kapag natapos na ang intrams ay balik na ulit sa dati ang oras ng uwian.
"Yep. You have class, hindi ka makakasama."
Gusto ko ngang sumama kaso ay may pasok ako noon. Katapusan iyon ng August. May pasok din sila pero hindi ko alam kung paano nila napapayag ang propesor nila.
"Absent nalang ako? Pwede naman 'yon. Ipapa send ko nalang kay Kershe yung mga notes. Ano?" pangungumbinsi ko sa kaniya.
Humalakhak siya at niyakap ako patagilid. He rested his nose in my cheek.
"Nah. I'll be back. It's just three to four days, you know. We can chat or FaceTime if you want."
Suminghap ako at inilapag ang kinakain sa hood ng kotse niya.
"Okay. Pero kapag wala ka lang masyadong ginagawa. Baka maka abala pa ako.." ngumuso at tumingin sa kaniya.
Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero umiling siya.
"Hindi ka naman naging abala sa akin kahit kailan, Clover." seryoso niyang saad. "We can chat everytime. Mabilis lang naman ako doon, babalik din naman ako. Sobra mo ba akong mami-miss?" humalakhak siya.
Sumimangot ako. I slapped his arm. S'yempre! Hahanap hanapin ko iyong pagsundo niya sa akin at ang paglabas namin tuwing uwian 'no. Kahit na ilang araw lang siya doon.
"Bakit ba ayaw mo akong pasamahin!?"
Umirap ako.
"May pasok ka, Clover. 'Wag makulit. Dadalhan naman kita ng pasalubong. What do you want? "
"May allowance naman ako para makabili ng ticket, e!"
Ini-upo niya ako sa hood ng kotse niya at kinulong ako sa mga braso niya. Kahit matagal pa ay nalulungkot ako. S'yempre gusto ko ay ako ang unang babati sa kaniya kung sakaling manalo siya.
"Even so. Hintayin mo na lang ako dito, okay? I love you." sabi niya.
He leaned on me and kissed my lips. Nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang ginawa. Napahawak ako sa manggas ng t-shirt niya. Mababaw na halik lamang iyon pero para akong mahihimatay sa ginawa niya. Napahigpit ang hawak ko doon at napapikit.
"You want my kisses so much, huh?"
Humiwalay siya sa akin labi at agad akong napamulat. Nahihiya akong nag iwas ng tingin sa kaniya. Dapat niya pa ba iyong itanong? Tinulak ko siya at bumaba sa hood ng sasakyan niya. Halakhak ang narinig ko mula sa kaniya. Bago pa ako makalayo ay hinapit niya ako papalapit sa kaniya.
"Lagi ka na lang lumalayo kapag ganito tayo, ah?"
"Bitawan mo ako, Trave. Tss. "
Sumimangot siya at mas lalo akong hinapit papalapit sa kaniya. Napaharap ako sa kaniya at sumubsob ako sa dibdib niya. Buti at walang tao masyado dito sa burol, kami lang ngayon. Nililipad ng hangin ang buhok ko kaya sinakop ko iyon sa kanang balikat ko.
"You smell damn good.." he whispered.
Suminghap ako at napapikit sa sinabi niya. Ano ba 'to?
"U-Uh.." wala ako masabi sa kaniya.
"Baby?" kunot noong dungaw niya sa akin.
Tumingin ako sa kaniya at ngumuso. Pinatakan niya ako ng mabilis na halik. Nagulat ako doon at mabilis siyang hinampas sa dibdib. I glared at him
![](https://img.wattpad.com/cover/228954634-288-k311766.jpg)