Chapter 7

2 1 0
                                    

Naging mabilis ang araw kaya heto at pasukan na naman. Kasalukuyan kaming nandito ni Aya sa may study area(na hindi naman nagagamit talaga para sa pag aaral dahil kinakainan lang to tuwing break time,tambayan na din) break time ngayon at wala naman kaming mapuntahan dahil puno na ang canteen.

"Hindi tayo mag kaklase." malungkot na saad ni Aya.

I rolled my eyes. Sa tono nya'y parang hindi na kami magkikita.

"Magkaiba tayo ng strand, Aya."ani ko.

Sa halos anim na taon naming magkasama ni Aya bilang magkaibigan ay mahirap na talagang mawalay kami sa isa't isa. We're bestfriends. Sa mga taon na yon ay kilalang kilala na namin ang isa't isa.

Madami kaming napagdaanan katulad ng ibang mga magkakaibigan, nandyan ang tampuhan at away pero sa huli'y naaayos.

Masarap magkaroon ng kaibigang totoo at tapat sayo. Masaya ako na kakaunti lamang ang kaibigan ko. Mas maganda iyon dahil ang iba ay madami ngang kaibigan pero hindi alam na hindi pala sila ganoon kapag nakatalikod na. Kumbaga maayos lang ang pakikitungo kapag kaharap ka pero kapag nakatalikod na ay kung anu-ano ang nasasabi sayo. Kaya maganda na kaunti lang ang kaibigan ko kasi sigurado naman akong totoo lahat ng iyon sa akin.

Pagkatapos ng break ay kanya kanya na kaming bumalik sa klase. Nga lang si Aya ay sa fourth floor habang ako naman ay sa second floor. Isang floor ang pagitan namin.

"Hindi kayo mahihirapan sa klase ko basta nakikinig kayo at nagpaparticipate..." si Ms.Josefa. Siya ang pangatlong teacher namin sa araw na ito.

Nasa 12th grade na ako pati si Aya. Huling taon ko na dito sa skwelahan na ito at pinag iisapan ko pa kung saan ako mag ko-kolehiyo. Kahit na matagal pa ay mas mabuting may plano na ako.

First day of class ngayon kaya wala talagang klase. Palaging tungkol sa gusto nilang mangyari sa klase nila lang ang sinasabi. Unang araw palang pero ang muka ng mga kaklase ko ay biyernes santo na, hindi ko din alam kung bakit. Siguro'y mahihirapan sila dahil kadalasan sa mga teacher namin ay nagpapahiwatig talaga na kung hindi mo gagalingan ay talagang bagsak ka nga. Kaya dapat magseryoso talaga dahil huling taon na namin ito.

"Nakuu! Feeling ko babagsak ako sa subject na yun!" alburuto ni Aya doon sa isa nilang teacher.

Alas tres at labasan na namin. Kanina pa kami naghiwalay ni Aya sa gate matapos noong mga hinaing nya sa akin. Sinabayan ko pa sya dahil pakiramdam ko nga ay mahirap ngayon ang taong ito para sa akin.

Ngayon ay nandito ako sa Mi  Amore, milktea shop sa tabi ng school.

Madaming mga studyanteng babae ang nakikipaglapit sa akin at hindi ko nagugustuhan ang ginagawa nilang iyon dahil alam kong kaya sila ganoon sa akin ay anak ako ng Alkalde ng bayang ito. Kahit kelan ay hindi ko sila nakita na ganoon sa ibang tao, lalo na sa hindi nila ka lebel, mga mahihirap kumbaga.

Ayokong kaibiganin nila ako dahil anak ako ng Alkalde, anak ng may kapangyarihan sa bayan. Ang gusto ko ay kaibiganin nila ako bilang ako, hindi dahil sa estado ko.

Minsan nga'y mas gusto ko pang di ako sumama sa mga gatherings na pinupuntahan ni Mama at Papa dahil malalamang ako ang anak nila. Hindi naman sa ayokong malaman nila  na ako yung anak ng Alkalde at ng isang bussinessman, ayoko lang nung trato nila sa ibang tao kapag hindi nila ka lebel . Nawawalan ng gana kapag nalalamang walang kaya o mahirap.

Natigil ako sa pag iisip noong may tumigil sa harap kong sasakyan. Umatras ako at bahagya pang lumayo doon dahil baka papasok iyon dito sa shop pero natigil ako noong nakita ko kung sino ang bumaba sa kotse. Wearing a rayban and stripe blue polo shirt.

"Clover.." his baritone voice made me giggle.

Damn.Boses pa lang ay alam na!

"Bravo!"

Parola Series #1 Once Upon A BeastWhere stories live. Discover now