Chapter 10

2 1 0
                                    

"What's your problem? Kanina ka pa, ah?" singhal ko sa kanya at binalewala ang mga bisitang nakatingin sa amin.

Gagong Acosta 'to, kanina pa ito! Pinalampas ko na nga 'yong kay Rambo pati ba naman ito?

"Wag kang uminom.."  sabi nya sabay lagay ng basong walang laman sa counter na malapit sa kanya.

Anong bawal uminom? Baliw ba 'to? Ano sya magulang ko? Kahit naman sina Mama ay payag akong uminom pero wag ang sobra.

"Huh? Ano? Party 'to, Trave, at iinom ako sa ayaw at sa gusto mo! Hindi kita tatay para pagbawalan mo!"  singhal ko sa kanya.

Pumagitna sa amin si Aya at hinawakan ako sa magkabilang braso. Lumapit na din si Ford na may tama na ata ng alak sa kapatid nya at tinapik ang balikat 'tsaka ngumisi.

"Chill, Kuya! Masyadong pagbawalan, masasakal yan!" si Ford sabay halakhak.

Wala s'yang karapatang pagbawalan ako! Nakakainis sya! Nakakaiyak sa galit. Napaka epal mo, Acosta!

"Ford!" saway ni Aya.

Hinawi ko ang kamay ni Aya sa braso ko. Nilingon nya ako. Umiling ako sa kanya at tinalikuran sya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na. Dire diretso ang lakad ko hanggang sa nakarating ako sa dulo ng clubhouse. Madilim dito at may bakanteng lamesa at upuan, buti na lang.

Gusto ko ng umuwi dahil sa nangyaring 'yon! Sobrang nakakahiya sa bisita at kay Ford. Napaka epal naman kasi ng kapatid n'yang iyon.

Maya-maya ay may dumaang nagse-serve ng alak.Wow!Jim Beam! Kita ko doon sa tray na hawak 'yong bote. Nilagok ko agad 'yon at napapikit sa lasa. Ngayon ko palang nainom 'to.

"Girl!"

Mapungay ang mata kong bunaling sa tumawag sa akin. Lintek! Madami ata ang nainom kong 'yon, ah?

"Naku! Lagot ka! Bakit ang dami mong nainom!?" si Aya pala iyong tumawag.

Hindi ko alam na mabilis pala akong tamaan. Well, hindi naman talaga ako sanay uminom kaya din siguro ganon.

"Tss. Hindi ako lasing." sabi ko.

Totoo naman, medyo may tama lang pero hindi ako lasing.

"Iuuwi na ba kita? Uh...Clover!" taranta si Aya noong tinawag ako, lumagok pa kasi ulit ako.

Hindi nga ako lasing at alam ko naman ang ginagawa ko. Tss. OA mo, Aya.

"What happened?" isang malalim na boses ang narinig ko pagkatapos kong ibaba ang baso.

"Uminom, Trave. Iuwi mo na kaya? Naku! Baka magalit si Tita!" si Aya, taranta.

Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin ang lalaking nasa harapan. Nagtama ang tingin namin at sumalubong sa akin ang iritado nyang muka. Ha! Sige lang. Wala akong pake sayo!

"Bumalik kana doon, Aya. Ako ng bahala." si Trave ng hindi binibitawan ang tingin sa akin.

I rolled my eyes on him.

Nag-aalalang tumingin sa akin si Aya bago umalis pabalik siguro kila Ford. Gusto ko sanang umapila kaya lang ay malayo na sya.

Tumabi sya sa akin, sa may kaliwang upuan. Pinandilatan ko sya ng mata .

"Stop drinking, Clover."

Nagtawag sya ng tao doon at pina alis  ang alak at baso sa lamesa. Halos sabunutan ko sya sa utos nyang 'yon.

"What's your problem? Umalis ka nga dito!" taboy ko sa kanya.

Madilim ang mga mata n'yang nakatingin sa akin. Inilagay nya ang kaliwang braso sa lamesa at humarap sa akin. Hinila nya pa ang upuan ko papalapit sa kanya kaya napatili ako sa gulat.

Parola Series #1 Once Upon A BeastWhere stories live. Discover now