Part 1

29 2 0
                                    

Ang pag ibig minsan parang ulan hindi mo alam kung kelan darating, minsan yung iba nag papakahirap mahanap yung "the one" pero in the end "the one that got away ang nagiging ending" kaya naman ako, tamang hintay na lang muna sa darating kasi masyado pa atang maaga para sa akin.

"Kyle asan ka na?!" Tanong ni Jane ng tawagan niya ako sa aking cellphone.

Medyo late na ako nagising kaya naman nagmamadali akong umalis dahil pag patak ng 8:30 ay mahaba na naman ang traffic sa main road.

Ako nga pala si Kyle 3rd year medical student sa isang kilalang University dito sa Maynila, si Jane naman ay ang aking BFF at partners in crime.

Dumating ako sa University buti na lang may 15 minutes pa ako para tumakbo sa building namin,

Agad kong nabungadan si Jane ng pumasok ako room, nakaupo siya sa may bandang hulihan ng room ang favorite spot namin.

"Puyat ka na naman? Anong oras ka ba natulog kagabi?" Pag uusisa niya,

Ako naman ay halatang antok pa sa gayak kong iyon, "2:30am nag basa basa pa kasi ako ng previous lessons natin, need ko mag catch up" sagot ko naman sa kanya.

Madidinig ang ingay ng ibang mga estudyante sa room, nahinto sila ng pumasok si Trixie at Pamela ang IT girls ng course namin.

"Speaking of the devil" bulong ng isa sa babae kong classmate na hindi natutuwa sa dalawang iyon.

Nagkatinginan na lamang kami ni Jane. At nag simula na ang klase ng pumasok na si Professor Cruz kilalang doktor ng medicine.

"Hayyysss akala ko mamatay na ako!!" Sabi ni Jane ng sumapit na ang lunch break.

"Lagi ka namang ganyang Jane, alam mo naman, spartan method kung magturo si Prof, anu bang bago dun?" Sagot ko sa kanya habang inilalagay ang mga notes ko sa bag.

"Alam ko naman pero, jusko yung mga tanong nya dapat May standards ang sagot!" Pagmamaktol ni Jane.

Natatawa na lamang ako, sadyang mahirap mag aral ng medicine, kita ko yan sa kiya kong Surgeon noong panahon na nag aaral pa siya.

"Sa labas daw tayo kakain sabi ni Vince" paanyaya ni Jane habang binabasa ang text message sa kanya ni Vince.

Vince naman ay 4th year Engineering student mag 5 months pa lang mula ng maging official sila, since ultimate crush niya si Vince ay 5 days pa lang ay sinagot na nya ito, ang rupok!

Palabas na kami ng room ng makasabay namin sina Trixie at Pam, napansin namin ang pag irap ng dalawang ito sa amin.

Wag ng magtaka dahil si Trixie ay ex ni Vince walang nakakaalam kung bakit naghiwalay ang dalawa. Tikom ang bibig ni Vince sa break up at laging sinasabi na di lahat happy ending at nirerespeto naman namin yun ni Jane.

Paglabas namin ng building ay nakita na namin ang sasakyan ni Vince na nakapark sa tapat ng entrance ng building.

"Ayan na si Vince halatang inip na oh" sabi ko ng mapansin kong nakakunot na ang noo nito.

"Hi babe!!" Bati ni Jane ng makasakay kami sa loob ng kanyang kotse.

"Tagal nyong dalawa, 15minutes na ah?" Sermon ni Vince, me pagka time conscious kasi ito. Mala Sir Chief ni maya kasi ang ugali ni Vince pero sobrang galante naman nito pag dating sa amin ni Jane.

Kumain kami sa isang kilalang restaurant.

"Wag mo na kasing pinapansing yun Babe" payo ni Vince ng mabatid ang ginawa ni Trixie at Pamela.

"Sabi ko nga eh" dagdag ko pa.

"Eh kasi naman akala mo kung inaano ko sila!" Reklamo ni Jane.

At dumating na ang order namin.

Andy's CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon