"Pre di ba si Eunice yun?" Sabi ni Andrew ng dumaan sila sa isang kilalang restaurant.
Mag isang nakaupo si Eunice sa isang table, balak sanang lumapit ni Tomy pero nanlaki ang mga mata niya ng may lalaking lumapit sa table ni Eunice,
"Ahh shit?!" Bulalas ni Andrew ng makitang yumakap at humalik pa ito kay Eunice.
Nawala na sa isip nya ang paghahanap sa akin.
"Pre ayos ka lang ba?" Nag aalala si Andrew dahil sa nakita nila. "Kung gusto mo tumambay ka muna sa bahay, pag usapan natin to ng barkada" payo niya.
"Umuwi na tayo" tugon ni Tomy at hinatid na si Andrew sa Dorm nito.
Nang makaakyat siya sa 5th floor ay naisipan niyang kumatok sa aking unit. Kumatok siya ng 10 beses ngunit walang tumugon.
Naisipan niyang bumili ng alak sa labas dahil gusto niyang makalimot sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Samantalang ako naman ay pabalik na rin sa aking unit, gutom na gutom ako ngunit wala ako sa mood na kumain.
Hindi ko naisipang kamustahin si Tomy, mag sorry sa hindi pagpansin sa kanya kanina.
Madaling araw na ng matapos akong maligo. Umiyak pa kasi ako sa banyo minsan masarap umiyak na parang bata, nakakabawas ng bigat lalo kung mag isa ka lamang.
Wala na ako sa mood mag luto kaya naman naisipan kong bumili ng ready to eat na pagkain sa isang 24/7 convenient store jan lang sa may labasan.
"Kuya gabing gabi na saan pa kayo pupunta?" Tanong ng guard na nakaduty ng araw na yon.
"Bibili lang ako ng makakain, babalik din ako agad" sagot ko na tila wala sa sarili.
Napansin ng guard na parang wala ako sa sarili at ini-radyo ako sa guard na naka duty sa nasabing tindahan.
Pag akyat ko sa 5th floor ay nakita ko si Tomy palabas ito ng kanyang unit at bihis na bihis.
Nagkatitigan kami saglit, wala ako sa mood na batiin sya ng mga oras na iyon.
"Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap?!" Galit na tanong ni Tomy.
Nabigla ako sa kanyang inasta, at dahil masama ang loob ko ay napilitan akong sumagot.
"Dyan lang nag pahangin" sagot ko na hindi natingin sa kanya.
Binuksan ko na ang pinto at binalewala ang kanyang pag aalala.
"Sandali!" Sabi niya sabay hawak sa pintuan.
"Gusto kong mapag isa pwede bang hayaan mo muna ako?!" Pakiusap ko.
Pero nagpumilit siyang pumasok sa loob. Nag walk out ako at nag tungo sa aking kuwarto.
"Kyle kausapin mo ko, nag aalala na ako sa nangyayari sayo" pakiusap niya.
Umupo siya sa tabi ng kama habang nakatakip ako ng kumot.
"Gusto kong mag isa Tomy" pakiusap ko, pero nanatili syang nakaupo sa tabi ko.
"Nakita ko si Eunice kanina" pagpapatuloy niya "habang hinahanap ka namin kanina" bakas sa boses niya ang sobrang lungkot.
Agad akong bumangon ng madinig ang kanyang sinabi.
"Sorry" Hindi ko alam ang gagawin ng mga sandaling iyon.
Niyakap niya ako at nag simula siyang humaguhol ng iyak.
"Ang sakit! Ang sakit sakit!!" Sabi niya habang naka yakap.
Parang nagising ako sa pag iyak niya, this time hindi na sya nag hold back sa nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Andy's Crush
RomansaSimula ng mawala ang papa ni Kyle sa isang aksidente ay naging malayo na ang loob niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ceejay. Nag aral siya para maging doktor dahil iyon ang gusto ng kanyang kuya. Kahit labag sa kalooban niya. Mabuti na lama...