"Andy anak kelan ka uuwi dito sa laguna?" Tanong ni Mama habang kausap ko siya sa telepono.
"Ma, pwede bang wag nyo na akong tawagin sa pangalan na yan" pakiusap ko sa kanya.
"Sorry anak, pero kailan mo balak umuwi dito? Wala na kami balita sa sayo?" Pagpilit ni Mama.
Ngunit dahil sa heavy work load sa school isa pa naaalala ko lang si Papa tuwing umuuwi ako kaya minsan pinipili ko na lang mag kulong sa room tuwing weekends.
Umuuwi lamang ako pag pasko or pag new year, di tulad ni kuya na every week ay umuuwi sa bahay.
"Thank you po" sabi ko sa cashier sa isang 24/7 convenient store malapit sa condominium na tinutuluyan ko.
Kasalukuyan akong naglalakad nang makasabay ko si Tomy papasok sa building.
Grabe! Parang di ako makahinga pero dahil ayokong mahalata ay pasimple akong nag i-iscroll sa aking cellphone sa 5th floor kami nakatira.
Pansin ko lang na parang wala sya sa sarili nakatingin lang sya sa kawalan at bakas sa muka ang stress.
At bumukas na ang pinto ng elevator, nagkahiyaan pa kami sa kung sinu ang unang lalabas.
"Sige na mauna ka na may mga bitbit ka pa eh" paanyaya niya, napatango naman ako at agad agad lumabas ng elevator.
Agad akong pumasok sa room at inayos ang mga pinamili ko mula sa loob ng paper bag.
"Bes!!" Bati ni Jane ng dumating ako sa room.
"Good morning Bes" sagot ko naman.
Agad kong napuna na parang may gumugulo sa isip sa isip nya.
"Bes spill the tea" sabi ko habang tinititigan sya straight in to the eye.
At hindi na napigilan ni Jane na ibulalas ang dinaramdam niya.
"Ano? Eh anong sabi mo kay Vince?" Gulat kong sabi ng malaman ko na gustong makipag usap ni Trixie kay Vince.
Halos naiiyak si Jane pero para hindi kami pag tampulan ng pansin ay dinadaan nya na lang ito sa biro.
"Sabi ko, eh di kausapin mo! Sabihan mo na lang ako pag magbabalikan na kayo" straight forward nyang sagot ngunit bakas sa tinig nya ang sobrang takot.
Agad ko namang inalo si Jane, inakbayan ko ito at pinayuhang mag hinay hinay sa pag dedesisyon.
"Hayaan muna natin silang mag usap Jane, then tanungin mo kung ano ang balak nya, saka ka mag decide ok" payo ko sa kanya.
Lumipas ang lunch at hindi kami pinuntahan ni Vince, wala din si Trixie at si Pam naman ay panay ang sulyap sa aming dalawa.
"Pag di sya tumigil, itutulak ko sya sa hagdan!" Banta ni Jane kay Pamela.
"Tumigil ka nga Jane, kumalma ka ok" payo ko.
Naisipan kong ayain si Jane na mag milktea, at sumama naman agad ito.
"Thank you Bes ha, alam kong abala na ako sayo pero nag eeffort ka pa rin sa samahan ako" pasasalamat niya sa akin.
"Bes, tayo na lang ang magkasangga kaya wag ka ng masyado malungkot ok" sagot ko naman sa kanya.
Hanggang sa biglang nag ring ang aking phone.
"Si Vince tumatawag" tanong ko kay Jane,
Tumango sya at sinabing magkunwari na hindi kami magkasama.
Me apat na beses tumunog ang cellphone ko kaya naman napilitan na akong sagutin ito.
"Kyle kanina pa ako tumatawag, asan na kayo?" Galit na tanong ni Vince, well hindi ko naman sya masisi.
"Vince pwede bang bukas na kayo mag usap ni Jane, kasi medyo ano eh..." paki usap ko sa kanya.
"Hindi nya sinasagot mga tawag ko, at sinabihan nya akong wag munang lumapit sa kanya" kwento ni Vince.
Ramdam ko ang stress sa tinig nya, parang kaibigan ko na rin si Vince kaya kahit papaano ay naawa din ako sa sitwasyon niya ngayon.
"Sige tingnan ko ang magagawa ko, tatawagan kita mamaya" paalam ko at binaba ang tawag niya.
Namumugto na ang mga mata ni Jane ng tingnan ko siya.
"Ano hindi mo gustong madinig ang sasabihin nya?" Tanong ko sa kanya.
Umiling lamang sya habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang mata.
Pinayuhan ko siya na kausapin na si Vince dahil baka kung ano pa ang mangyari kung hindi sila mag uusap.
"Sasamahan kita kung gusto mo" suggestion ko para maassured na hindi sya mag iisa.
Nag isip muna si Jane bago pumayag, "sorry ha pati ikaw na dadamay sa problema ko"
At nag pasundo kami sa tindahan ng milktea.
Nagtungo kami sa isang parke,
"Dito lang muna ako sa labas, Jane if anything happens call me" sabi ko at bumaba na ako ng sasakyan.
Pinagmasadan ko ang view ng parke palubog na ang araw at nag kukulay orange na ang buong paligid.
Sa di kalayuan ay napansin ko si Tomy kasama si Eunice, mukang ok na ang dalawa, masaya ako pero at some point ay nalulungkot ako sa aking nakikita.
Maya maya pa ay tumunog ang aking phone, tumatawag si Jane.
"Ano tara ng umuwi?" Tanong ko kay Jane.
Ramdam kong natatawa sya, "halika na ihahatid ka na namin pauwi" sabi nito.
Sa sasakyan ay tahimik lamang kami habang binabagtas ang highway. Pasimpleng kinuha ni Vince ang kanang kamay ni Jane at hinalikan ito.
"Ugh-huh! Ugh-hugh" banat ko habang tintingnan ang dalawa mula sa salamin ng sasakyan.
"Grabe ka Bes ha!" Sabi ni Jane na bakas na sa tinig ang saya.
"It's a long day, iidlip lang ako saglit ok" sagot ako at humilata na sa backseat ng sasakyan.
The next day medyo shaky ang mga bagay bagay sa school.
"Alam mo na ba yung balita?" Tanong ng isa sa mga schoolmate ko.
"Bakit anong nangyari?" Sagot ko naman na curious dahil halatang kinakabahan ito habang nag sasalita.
"Nag try magpakamatay ni Trixie!" Balita niya.
Natigilan ako sa aking nadinig, hindi ko na sya kinausap at agad kong hinanap si Jane, nagtungo ako sa ladies room at doon ay nakita ko na kinompronta pala ni Pamela si Jane.
"Ikaw ang dahilan kung bakit nasa ospital ngayon ang best friend ko malandi ka ka kasi!!" Sumbat ni Pamela habang pilit hinahablot si Jane.
"Ano namang kasalanan ko, hindi naman ako ang nangiwan!!" Sagot ni Jane, nag kumpulan na ang mga estudyante sa pintuan ng restroom.
Agad na akong sumugod at pumagitna sa kanila.
"Tumigil ka na Pamela! Sumusobra ka na, wala kang karapatan pag salitaan ang kaibigan ko ng ganyan!" Sagot ko habang itinatago si Jane sa aking likuran.
Gigil na gigil si Pamela habang inaawat ito ng aming mga babaeng schoolmate.
"Wag kang magpaka-cheap tulad nila Jane halikana, At ikaw Pamela binabalaan kita sa susunod na saktan mo si Jane puputulin ko yang mga veins mo!" Banta ko sa kanya halos nagulantang ang lahat ng makita ang akong galit na galit for the first time.
Nagmamadali na kaming umalis at naisipang mag skip muna ng ilang subjects.
"Bes sorry ha, pati ikaw nadamay" pagpapaumanhin ni Jane.
Tahimik lamang ako at pilit kinakalma ang sarili ko, matagal tagal na rin noong huling nagalit ako ng ganito.
"Ok ka lang ba bes? Check ko nga BP mo" tanon niya sabay labas sa kanyang stethoscope.
Matapos nya akong kunin ng Blood pressure ay niyakap niya ako.
"Ano bang gagawin ko Bes, nahihirapan na ako" sumbong niya.
Marahan ko na lamang na tinapik ang kanyang likod para aluin ang sya.
BINABASA MO ANG
Andy's Crush
RomanceSimula ng mawala ang papa ni Kyle sa isang aksidente ay naging malayo na ang loob niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ceejay. Nag aral siya para maging doktor dahil iyon ang gusto ng kanyang kuya. Kahit labag sa kalooban niya. Mabuti na lama...