Part 7

9 1 0
                                    

"Ano pre kinausap ka na ba?" Tanong ni Bobby schoolmate at isa sa kabarkada ni Tomy.

Hindi agad tumugon si Tomy, nagugunita pa niya noong minsang magkasalubong sila ni Eunice.

"Hindi pa Pre mukang masaya naman siya" malungkot na sagot ni Tomy.

Maya maya pa ay biglang nabuhayan ito ng mood ng makita akong naglalakad palabas ng University.

"Pre sige na aalis na ako" sabi ni Tomy na agad kinuha ang mga gamit.

"Oh teka lang? Akala ko ba sasama ka sa amin sa mall?" Nagtatakang tanong ni Bobby

Agad na lumapit sa akin sa Tomy, naka white T-shirt na ito habang bitbit ang kanyang Polo.

"Kyle sandali!" Tawag niya.

Napa hinto ako ng madinig ang boses niya,

"Tomy Hi! Pauwi na ako" bati ko.

Huminga muna siya ng malalim dahil sa pagtakbo.

"Tamang tama, sabay na tayo sandali kukunin ko lang yung kotse" paanyaya niya.

Nang biglang dumaan ang ilan pa sa mga kabarkada niya.

"Uy pre uuwi ka na?" Tanong ni Andrew ng tumigil ito sa tapat namin.

"Oo pre next time na lang" sagot niya.

"Pero di ba sabi mo sasama?" Pangungulit ni Andrew.

Lumingon ito sa akin at bigla niyang naalala ang eksena sa building nila kung saan ay naligaw akong minsan.

"Ui ikaw yung pusang gala sa buildig di ba?!" Biro ni Andrew, agad namang nagtawanan ang mga kaibigan niya.

"Ha?" Nagtataka kong tanong.

"Oi Tomy wag mo sabihing pinopormahan mo yang si Doc?" Biro ng isa pa sa kanila, napansin niya ang course ko base sa suot kog uniform.

Agad namang pinagtabuyan ni Tomy ang mga kaibigan niya ng maramdamang hindi ako komportable sa mga ito.

"Sige na sige na, uuwi na kami, saka na lang guys" sabi ni Tomy sabay hawak sa aking balikat.

Naglakad na kami papunta sa parking lot.

"Tomy, ba't hindi ka sumama sa kanila?" Curious kong tanong habang naglalakad mula sa kanyang likuran.

"Ayun ba? Wala yun tinatamad akong sumama sa kanila" sagot niya at huminto na kami sa tapat ng kanyang sasakyan.

Ini-unlock niya ang pinto at inutusan akong sumakay na sa loob.

"Pag pasensyahan mo na sila Kyle, ganun lang talaga ang mga yun pero mababait naman sila" paliwanag ni Tomy.

Tumango na lamang ako bilang pag sang-ayon sa mga sinabi niya.

Lumipas pa ang mga araw at padami na ng padami ang mga gawain sa school pero kahit papaano ay may oras parin ako na kumain ng dinner kasama si Tomy.

"Pre umamin ka nga anung meron sa inyong dalawa ni Doc?" Tanong ni Andrew habang nasa gym.

Tinitigan siya ni Tomy na tila hindi natutuwa sa iniisip ng kaibigan.

"Anu ba sa tingin mo?" Seryoso niyang sabi.

Natigilan naman si Andrew ng maramdamang na offend si Tomy sa tanog niya.

"Hindi naman sa ganun Pre, nagtatanong lang kami, isa pa hindi mo naman sya nakukwento sa amin noon tapos ngayon madalas mo na syang kasama, na curious lang kami" paliwanag niya.

Naiintindihan naman siya ni Tomy, kahit siya ay medyo naguguluhan sa nararamdaman niya.

"Speaking!" Sabi ni Tomy ng mabasa niya ang aking text.

Andy's CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon