01

162 39 0
                                    

Hi There!

This story is made of fiction. Characters, places, events, and more are just fiction.

I'm just a beginner. If something goes wrong with my writing, I apologize.

Again, this is made of fiction. Thank you.

_______________________________

"Girls!" Masaya na gulat sa reaksyon ni Madison.


"Bakit?" Sambit ko.


"Nasa list tayo ng mga honors!" Masayang sigaw ni Madison.


"Talaga!" Sabay-sabay kaming lahat sa pagsabi, nagulat kami.


Hindi namin expect 'yon dahil isa sa mga goals namin na lahat kami ay list of honor student kaya masayang masaya kami, lalo na sa iisang room lang din kami.


"Congrats!" Malakas na boses ni Madison.


"Tara samgyup!" Aya sa amin ni Sophie.


Lahat kami pumayag kasi parang celebration na rin namin 'yon dahil natupad namin ang isa sa mga goal naming magbabarkada. May certificate kaming apat at nag groufie din kami hawak hawak 'yon at umalis na rin kami.


Papunta na kami sa samgyupsalan sa mall malapit sa school, sakto may bakanteng table doon sa may tabi pa ng isang table ang daming tao, saturday kasi e. Nag-order na kami ng unli, habang hinihintay namin yung order nagcheck muna ako sa phone ko. Nakita ko yung post ni Madison dahil nakatag kami, yun nga yung groufie namin kanina.


@madison_faye

We made it! Congrats to us!


Agad akong nag-like, at nag-scroll lang muna ako habang naghihintay ng order namin. Ang daldal kasi nila Madison, may pinagkwe-kwentuhan sila, yung varsity basketball player na sobrang gwapo daw and ang galing mag basketball. Varsity nga diba! Duh! Wala naman akong pakialam sa mga pinagsasabi nila kaya nag-scroll lang ako sa social media.


Hanggang sa dumating na yung order namin. "Thank you!" Sabi namin. Kakain na sana ako nang biglang hinawakan ako sa braso ni Madison.


"Ano?" Gulat na tanong ko.


"Wait lang, story ko muna 'to!"


Napabuntong hininga ako at hinayaan na lang siya kuhanan ng litrato 'yon. After nun kumain na kami, syempre si Sophie ang nagluto ng pork.


Habang kumakain kami biglang nag-vibrate ang phone ko, chineck ko at nakita kong si mommy ang nag-message sa'kin.


From: Mommy

Where are you?


To: Mommy

I'm with my friends at the mall, eating. Why?


From: Mommy

Ok, I'm just checking, hindi ka kasi umuwi agad.


To: Mommy

Sorry mommy, after this we will go home na.


From: Mommy

Ok Zoey, take care.


Never Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon