"W-What?" Nauutal na sambit ko.
Ano?! Gusto niya ko?! Paano?! Bakit?! Huh?!
"I said he likes you" pagkaklaro niya at seryoso siya sa pagsasalita. Nagulat ako sa mga sinabi niya, nakatulala lang ako at kung saan-saan na nakapunta yung utak ko kakaisip.
"P-Paano?" Nagtatakang tanong ko habang gulat na gulat pa rin sa sinabi niya. Hindi siya nakasagot at tulala lang sa ibaba. Katapos niya kumain, hindi pa rin nagsi-sink in sa'kin lahat ng nangyayari. Hindi ako makapagsalita, like agad-agad gusto niya ko! Gosh! Maya-maya tinry kong kausapin si Ethan.
"Okay" I sighed. Tumingin naman siya sa'kin. "Let's say may gusto siya sa'kin, bakit naman umabot sa suntukan? I mean paano? Ugh! Basta! Bakit napunta doon?" Naguguluhang tanong ko.
"My brother is a cheater" sambit niya. Kung cheater siya, ano ngayon?! Baka hindi ko naman sasagutin si Oliver! Naguguluhan pa rin ako pero tinry kong umayos magsalita. "And?" Tanong ko baka may ituloy pa siya.
"Ayokong masaktan ka" sagot niya at parang nangungusap ang mga mata niya. "Ayaw mo akong masaktan kaya nag-away kayo?" Naguguluhan pa rin na tanong ko. Umiling siya agad at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"The reason is, I like.." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil biglang may bumati sa'min na lalaki. Nagulat ako sa lalaking bumati dahil namumukhaan ko siya!
"Bro!" He greeted Ethan. Bigla namang nagbago ang reaksyon ni Ethan at ngumiti sa kanya. Familiar talaga yung guy e! Until I immediately remembered who he was. It was Liam! My ex!
Tumingin naman siya sa'kin at parang nakikilala niya din ako. "Hey!" He greeted at me. Ngumiti lang ako sa kanya. Dito din pala siya nag-aaral! 'Di ko siya madalas makita e, sabagay 'di naman lahat ng students nakikita ko!
"Zoey, r-right?" Tanong niya sa'kin. Tumango lang ako sa kanya. "Do you know each other?" Nagtatakang tanong ni Ethan sa'min.
"No" -ako
"Yes!" -Liam
Nakita kong napakunot naman yung noo ni Ethan at pabalik-balik ang tingin niya sa'min, halatang naguguluhan siya sa'min. "Nevermind" sabi niya nalang. "Bakit bumalik ka?" Tanong sa kanya ni Ethan. "I forgot something hahaha" sabay angat ng hawak niyang hoodie. Familiar din sa'kin yung hoodie na hawak niya, plain hoodie jacket siya na yellow.
"Ah" tumango-tango naman si Ethan. "Important thing" sambit naman ni Liam. Bigla kong naalala na yung hoodie na 'yon, binigay ko sa kanya 'yon! Noong kami pa! Ginagamit niya pa rin pala! Oh! Who cares!
"We need to go" sabi ni Ethan sabay hawak sa kamay ko. Bigla akong natulala sa mga kamay namin! Gosh hawak niya kamay ko! Okay! Stop! Stop! Stop! Huwag kang kikiligin Zoey! Grr! Napatingin naman si Liam sa mga kamay namin, and halata sa reaksyon niya na gulat na gulat siya.
"Right, Zoey?" dagdag pa niya sabay tingin ng diretso sa mga mata ko. "Ah..Oo" sabay ngiting pilit. "Ah..sige ingat!" Sambit sa'min ni Liam tapos ngumiti din siya sa'min. Umalis na kami ni Ethan sa gym. Habang naglalakad kami, hindi pa rin ako makapagsalita kasi nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Ang dami tuloy students na nakakakita sa'min! Hala sana hindi kami ma-issue!
At dahil hindi ko na talaga kayang pinagtitinginan kami dito, nag-kunyari nalang akong bumahing para matanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Successful naman yung plano kaya hindi na niya hinawakan yung kamay ko! Hay Salamat!
Bigla kong naalala yung hindi niya natuloy na sasabihin kanina. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Um..ano nga pala yung sasabihin mo kanina?" Tanong ko sa kanya, dahilan para mapatigil siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako. Humarap siya sa'kin at tinignan niya ako sa mata. "A-Ano 'yon?" Nauutal na tanong niya. "Yung kanina, bago dumating si Liam" sabi ko sa kanya.
"Ah..w-wala 'yon" sambit niya. Meron siyang sasabihin kanina e! Liam kasi e! Hindi ko nalang siya kinulit, baka mainis pa siya sa'kin.
"Hatid na kita" sabi niya. Napatulala naman ako sa kanya bigla. "Huh..Ah..w-wag na" sabay ngiti sa kanya. "Delikado, gabi na. Babae ka pa naman" pagpipilit niya. Ganito ba talaga siya ka-concern? Feel ko ganoon hahaha! "Wag na kaya ko naman e haha" sambit ko pero nagpumilit pa rin siya kaya pinagbigyan ko siya. "Sige na nga" mahinahong sambit ko, dahilan para mapangiti siya. Gosh! Ihahatid mo lang ako! Huwag kang ano!
Nag-jeep kami kasi nagka-cancel yung grab! Hindi ako makapagsalita kasi first time ko lang magpahatid sa lalaki! Except kuya and daddy! Hindi naman ako hinatid ni Liam dati e. After a long long long silenced, nakababa na kami sa kanto. Papaunahin ko na sana siya pero nagpumilit siya na hanggang bahay niya ako ihahatid. Gosh! Zoey! Bakit ka kinikilig! Huwag kang assuming! Okay?! Hinatid ka lang nung tao! Huwag kang mag-assume! Grr!
Padating palang kami sa harap ng bahay, nakita ko na may lalaking pumapasok sa bahay namin.
Omg! Si kuya!
Dali-dali kong hinila si Ethan papunta sa side ng katabi naming bahay. Umupo kami doon at tinakpan ko yung bunganga niya dahil for sure magtatanong siya kung ano ang nangyayari ngayon!
"Shh" sambit ko at tumingin ako kay kuya, kainis may ka-text pa siya! Bakit hindi niya nalang ituloy sa loob! "Baki..." hindi niya natuloy yung sasabihin niya kasi hinigpitan ko yung pagkakatakip ko sa bibig niya.
Kasilip ko ulit kay kuya, wala na siya pero hindi pa rin ako nagpadalos-dalos, baka lumabas siya ulit! Pero after ilang minutes, hindi na siya lumabas.
"That was so intense" Sabay hinga ako ng malalim. "Bakit hindi ka nagsasalita?" Tanong ko. Tumuro naman siya sa kamay ko na nakatakip pa rin sa bibig niya! Oo nga 'no! Zoey 'wag kang lutang! Agad kong inalis 'yon para makapagsalita siya.
"Ano bang nakita mo? Ano bang nangyari? Bakit intense?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Si kuya, I saw him next to our door when we were on our way. I was scared because he might see us together" pagpapaliwanag ko. Agad namang nagtaka yung mukha niya, dahilan para mag-explain ulit ako.
"Strict si kuya, as in sobra! Kaya baka kung ano ang isipin niya kapag nakita niya tayong magkasama" pagpapaliwanag ko. Ngumiti siya sa'kin at tinignan ako ng diretso sa mata.
"E ano naman ngayon kung iisipin niyang may something tayo?"
_______________________________
BINABASA MO ANG
Never Fade Away
Teen FictionIn school, Ethan was varsity basketball player. Until one day he met a girl named Zoey. If he goes to college, his parents wanted him to study abroad. How can he control his parents if he doesn't agree with this, especially he will left someone who...