05

63 35 4
                                    

"Kadiri ka!" Hinampas ko ang braso niya.


"Bakit?" Tawang-tawa siya.


"Ewan ko sa'yo!" Inirapan ko siya.


Ano daw?! Siya?! Masarap?! Gosh kadiri!


Tinapos ko ang pagkain ko dahil 12:45 na, late na nang mag-lunch ako, kami. Sakto tapos na rin siya, nagpahinga muna kami ng ilang minuto at umalis.


Nakinig lang kami sa mga teacher namin at nag-recitation. Nakinig naman ako kaya may alam ako noong tinawag ako. It's already 4pm pero hindi nanaman kami pinalabas agad!


4:20 na nang palabasin kami! Lumabas kami kaagad ng mga kaibigan ko dahil kakain kami sa mcdo, baka daw maunahan kami ng ibang students doon kung hindi namin bibilisan. Nakapunta na kami sa mcdo and saktong may bakante pa doon sa may glass kay doon na kami.


Mago-order na sana kami nang biglang may lumapit sa aming babae.


"Hi, Zoey right?" Turo niya sa'kin.


Kinabahan ako bigla dahil baka kung ano ang gawin nito sa'kin. Tumango nalang ako at ngumiti sakanya.


"I'm Claire, Ethan's girlfriend" pagpapakilala pa niya.


Nagulat kaming lahat lalo na si Sophie. Ang alam daw nila hindi interesado si Ethan sa relationship kaya puro pagba-basket ball ang inaatupag niya at the same time nag-aaral din.


"You.. girlfriend.. n-ni.. Ethan?" Naguguluhang tanong ni Sophie.


"Yeah" kalmadong sagot ni Claire.


Hindi kami makapagsalita sa gulat. Feeling ko sila Sophie lang yung gulat na gulat, ako nagulat lang ako kasi bakit niya ipapakilala yung sarili niya sa'min. Like wala kaming paki ganoon, 'di ba?


"Oh by the way, magkikita pala kami ni Ethan I have to go na, bye!" Pagpapaalam niya.


Ngumiti lang kami at umalis na din siya. Habang nakatalikod si Claire paalis, tinitignan siya ng masama nila Sophie. Noong umalis na pinag-uusapan na nila si Claire.


"Sino ba siya?!" Pagtataray ni Sophie.


"Yabang ha!" Patawang sabi ni Ava na may halong inis.


"Okay ka lang?" Tanong sa'kin ni Madison.


"Oo naman?" Nagtatakang sagot ko.


Tumango lang siya at nag-order na kami. After namin kumain, umuwi na kami. Karating ko sa bahay, hindi na ako kumain dahil kakakain ko lang kaya nag-skin care nalang ako at nagpalit ng pantulog.


Hindi ako makatulog dahil bigla-bigla ko naiisip yung sinabi ni Claire kanina. I mean honestly, nayabangan ako sakanya pero nawala din 'yon. Bakit niya ipapakilala ang sarili niya sa'min, as a girlfriend ni Ethan? And bakit ako pa yung tinanong niya kanina kung ako si Zoey? Na-kwento na ba ako ni Ethan sakanya? or nakita niya kaming magkasama kaninang lunch?


Hindi ako makatulog sa kakaisip ko! Lalayuan ko ba si Ethan? Nagseselos kaya si Claire sa'min? Malay ko bang may girlfriend na siya! Like duh! Hindi ko naman siya aakitin 'no! Kung gusto niya sakanyang-sakanya na!


1 week na pero hindi ko pa rin kinakausap si Ethan, in short iniiwasan ko siya. Baka nga kasi nagseselos yung Claire na 'yon sa'min. Kapag nakakasalubong ko siya, hindi ko siya tinitignan. Duh! Ayokong masali sa gulo 'no!


After class umuwi ako kaagad sa bahay dahil wala namang plano sila Madi this day kasi may mga individual and group project kami.


The whole week wala kaming ginawa kundi ang mga projects! Nakaka-stress! Ako pa naman ang leader sa apat na subject!


Friday came, it was a good day kasi natapos na namin lahat ng projects! Kahit hindi pa submission natapos na namin kaya may free time kaming magkakaibigan. After class, pumunta kami ng mall para kumain.


Pumunta kami sa yellow cab at nag-order. Katapos namin mag-order tumingin-tingin ako sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na mukha ng isang lalaki sa tabi ng table namin, it was Ethan.


He was wearing an athletic uniform and long white socks(yung pang-basketball talaga) and maroon rubber shoes. Nabigla ako nang makita din niya ako. Tumingin ako kaagad sa ibang direksyon para hindi na magtagal yung tingin namin sa isa't-isa.


Hanggang sa dumating na yung order namin. Syempre hindi ako sumunggab agad dahil alam kong kukuhanan nanaman 'yon ng litrato ni Madison. Nang matapos na silang mag-picture kumain na ako kaagad dahil nagutom ako sa klase kanina, hindi ako nakapag-lunch e.


Nang matapos na akong kumain, kinuha ko ang phone ko para mag-check kung may message ba or notification or something ganoon kasi hindi pa tapos sila Madison.


Kabukas ko ng screen, biglang nag-message si Ethan sa'kin! Agad kong kinlik 'yon para basahin.


From: Ethan

Zoey, let's talk. Follow me.


_______________________________

Never Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon