06

50 28 1
                                    

"Wait lang ha" pagpapaalam ko kay nila Madison.


Sinundan ko ng tingin si Ethan, at tumayo na 'ko para sundan siya. Pumunta siya sa second floor, sinundan ko lang siya hanggang sa tumigil siya sa may railings ng mall.


Lumapit ako sakanya, hindi ako makapagsalita sa kaba kaya nanatili lang akong nakatingin sa mga taong dumadaan sa baba. Muntik ko na ngang bilagin yung mga 'yon sa sobrang tahimik namin.


"Zoey" tawag niya sa'kin.


Tumingin siya sa'kin at napatingin din ako sakanya. Hindi ako makapagsalita kaya tinaasan ko nalang siya ng kilay para ipahiwatig sakanya kung bakit.


"Bakit?" Tanong niya bigla.


Kumunot ang noo ko, hindi siya naintindihan. Anong bakit? Dapat ako yung nagtatanong ng ganoon 'di ba?


"A-Anong bakit?" Kinakabahang tanong ko.


Bigla siyang tumingin sa'kin na halos maluluha na. Doon na gets ko na siya, baka tungkol 'to sa pag-iwas ko sakanya.


"Bakit hindi mo 'ko kinakausap?" Naluluhang tanong niya.


Kinakausap ko naman siya ah! Joke!


"Ahh..ano kasi.." hindi ko ma-explain ng maayos.


"What?!" Tanong niya na pasigaw sa'kin.


Tumingin ako sa paligid, akala ko may nakarinig sakanya, buti na lang wala kaming katabi.


"You..have..a.." hindi ko pa rin matuloy.


Tinaas niya ang dalawa niyang kilay sa'kin, mukhang tutulo na yung luha niya.


"Girlfriend" tinuloy ko ang sentence ko at tumingin sa ibang direksyon.


Tinitignan niya lang ako at tumawa ng bahagya. Anong nakakatawa doon?! Bwiset 'to!


"Girlfriend? Me?" Tanong niya na parang hindi naiintindihan ang sinabi ko.


"Oo, si Claire" kalamado kong sinagot.


"Claire?" Pag-ulit niya.


"Oo nga!" Inirapan ko siya.


Tumawa siya ng malakas. Ano nga kasing nakakatawa doon?! Totoo naman e! Ang weird niya!


"Why are you laughing?" Supladang tanong ko, naiirita.


"Nothing, haha" pagtawa pa niya.


Inirapan ko siya at naglakad paalis. Paalis na 'ko ng bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko para patigilin ako.


"What?!" Iritang tanong ko.


"Please, stay" kalmadong sagot niya.


Umirap ako at sinunod siya. Ganoon pa din nakatingin nanaman ako sa baba dahil wala na 'kong masabi, habang siya ngumingiti doon!


Anong ba kasing nakakatawa?! Parang ginagawa niyang joke ang mga bagay-bagay!


"Zoey, listen" huminga siya ng malalim at tinignan ako. "Hindi kami ni Zoey. Hindi ko siya gusto, and never ko siyang magugustuhan. Okay?" Pagpapaliwanag niya.


Kumunot ang noo ko. Hindi ko gets ang mga nangyayari ngayon!


"E..sabi niya.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.


"At naniwala ka naman?" Deretsong tanong niya.


"Syempre, duh! relasyon niyo na ang usapan doon!" Agad akong sumagot.


Tumawa nanaman siya at tinignan ako. Tawa siya ng tawa nakakairita na!


"Look, I'm not interested in the relationship yet. Not because I don't want to commit. But at this point, I'm too young for that. Like I'm focused on my studies and my goal. That's it." Pag-explain niya.


Tumango lang ako. Sa haba ba naman ng sinabi niya, magtatanong pa ba ako! Ay oo may itatanong pa 'ko! Pero wait, itatanong ko pa ba?


Tanong ko na nga!


"But, How can she do that? She will say na may relasyon kayong dalawa and then pagdating sa'yo wala naman pala!" Inirapan ko siya.


Like, If I were Claire. I would be ashamed of what I said if I introduced myself to strangers and would say that I am Ethan's girlfriend. And when Ethan is asked, he says they are not dating. FEELINGERANG FROG!


"I don't know, Zoey. Basta hindi kami okay?" Pagsagot niya.


Tumango lang ako at umalis na rin kami para bumalik sa restaurant. Papunta palang ako sa table namin, masama na ang tingin nila sa'kin.


"Tagal ha!" Bulong ni Madison.


"S-sorry" I apologize.


Napansin kong nakatingin sila kay Ethan at sa'kin. Pabalik-balik ang tingin nila sa'min.


"Anong pinag-usapan niyo?" Pabulong na tanong ni Ava.


"Ah..Eh..yung..ano" nahihirapang pagsasalita ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko sakanila yung pinag-usapan namin ni Ethan.


"I think yung pag-iwas ni Zoey sakanya. Right?" Tanong ni Sophie.


"Yeah" I answered.


"So they are not dating, right?" Tanong ni Madison.


"Hmm Hmm" tango ko.


"See! it's obvious! they are not bagay! Duh!" Umirap siya at tumawa.


Bagay naman sila e. Maganda naman si Claire, matangkad, parang siyang model kasi maganda ang lakad niya, magaling pumorma and parang may lahi, hindi ko alam kung ano pero mukha siyang may lahi.


Bago kami umalis, ngumiti muna ako kay Ethan dahil nagtama ang tingin namin noong tumayo ako. Kaalis namin sa restaurant, akala ko uuwi na kami. Hindi pa pala! Dumiretso sila sa department store para magtingin ng damit. Syempre sumama ako, paalis na sana ako kanina nang bigla nila akong hatakin para sumama sakanila. Wala akong magawa kundi sumunod sakanila.


Kauwi ko, pagod na pagod ang mga paa ko sa kakalakad kanina! Akala ko sa department store lang pero napunta kami sa Chanel, Uniqlo, Forever 21 at madami pang store! Kaya nagpahilot ako kay mommy para mahawala yung sakit ng mga paa ko.


Kinabukasan, hindi na masakit ang mga paa ko. After namin mag-breakfast napansin kong hindi nagmamadali umalis si mommy, wala siguro siyang work today.


Magsha-shower na sana ako nang bigla akong tawagin ni mommy.


"Yes, mommy?" Tanong ko.


"Let's go shopping later" aya ni mommy sa'kin.


Tumango lang ako dahil bonding naman namin 'yon. Hindi kasi kami madalas lumabas e, lagi siyang nasa work. Kami lang dalawa ang lumabas kaya sobrang saya ko kasi solo ko si mommy.


Papunta kami ng Chanel nang biglang may tumigil sa harapan namin na babae. She looks like 39 or 40 something basta parang magka-age lang sila ni mommy. She wear red sleeveless and fitted dress below the knee, and some jewelry, black sandal and white purse.


"Avey Hae Vasquez?" She said my mom's full name.


I looked at mommy. Mommy just looks at her and she seems to be thinking who she is. Mommy suddenly smiled at her and hugged her, maybe she remembered who she was.


"Lauren Kell Hernandez!" Mommy said her full name.


_______________________________

Never Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon