"Aalis ka na?" Tanong sa'kin ni Madi.
"N-not yet" sambit ko habang nakatulala sa phone.
Baka 'di niya account. Tinignan ko yung profile, and si Ethan nga!
Followback ko ba? Ang sama ko naman kung hindi ko siya ifofollowback, followback ko na nga.
Natapos na kumain sila Madi at naghugas na sila ng kamay at tumayo na rin kami para umalis. Ang tagal nila maglakad kasi gusto pa nilang masilayan ang pagmumukha ni Ethan.
Paalis na kami nang biglang may humawak ng palapulsuhan ko, hindi ko alam kung sino kasi nasa side ko lang si Madison at nasa likod kami nila Sophie at Ava kaya hindi ko alam kung sino 'yon, nasuntok ko siya dahil sa bigla ko. Nang makita ko ang mukha niya napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko inakala na si Ethan 'yon!
"Aray!"
Napahawak siya sa side ng labi niya sa sakit.
Napatingin din sila Madi dahil si Ethan yung nasuntok ko.
"Omg!" Nagulat si Madi.
"Hala!" Gulat na sabi din ni Ava at Sophie.
Anong ginawa ko bakit ko siya sinuntok?!
"Omg, sorry sorry sorry!" Gulat na sabi ko.
Hinawakan ko ang mukha niya at tinignan ang pasa. Sobrang pula at medyo dumudugo. Na-guilty tuloy ako!
"Sorry! ninerbyos ako, akala ko kung sino" Takot kong sinabi.
"It's okay, I understand" Kalmadong sagot niya habang masakit ang pasa niya.
Mabuti nalang may band-aid ako kaya kinuha ko 'yon para ilagay sa mukha niya. Umupo muna kami saglit at nilagay ang band-aid sa may gilid ng bibig niya. Habang nilalagay ko 'yon, alalang-alala sila Madi kay Ethan.
"Okay ka lang ba?" Natatarantang sabi ni Sophie.
"Ikaw naman kasi Zoey, agad agad nanununtok" galit na sabi ni Ava na parang tinatawanan din ako sa ginawa kong kahihiyan.
"We apologize to our friend. Ikaw naman kasi girl, agad ka" tawa pa ni Madi habang sinasabi 'yon.
Umirap nalang ako sakanila. Nang maikabit na yung band-aid, nag-apologize ulit ako kay Ethan. Ulit-ulit akong nag-sorry sa sobrang guilty ko.
"Sorry talaga hindi ko alam na ikaw 'yon tsaka.." natigilan ako nang takpan niya ang bibig ko.
"Enough, I understand" he smiled at me.
Narinig ko yung mga bulungan nila Sophie, "sana all" bulong nilang lahat, umirap nalang ako sakanila at nag smile nalang kay Ethan.
"By the way, you forgot this" sambit niya habang may hawak na envelop
Ibinigay niya sa'kin ang envelop, yung certificate ko kanina.
"Thank you! Sorry again" sambit ko.
"Shh, that's enough" pagpapatigil niya sa 'kin.
Tumango nalang ako at tumayo para umalis. Napatigil ako dahil tinawag niya ako.
"Zoey" sambit niya para tawagin ako.
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Siguro dahil doon sa post ni Madi tapos finollow pa niya ako. Napalingon ako sakanya, hinihintay kung ano ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Never Fade Away
Teen FictionIn school, Ethan was varsity basketball player. Until one day he met a girl named Zoey. If he goes to college, his parents wanted him to study abroad. How can he control his parents if he doesn't agree with this, especially he will left someone who...