"Sige iha, ingat!"
I waved at her and smile.
Pumunta na ako sa kwarto ni Sophie. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaki na kausap nila. Nang humarap siya sa'kin, mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Hi!" He greeted me.
Ngumiti lang ako sakanya habang papalapit sakanila. Lumapit ako kay Sophie nang bigla niya akong hatakin.
"Hindi mo naman sinabi na papupuntahin mo siya dito" bulong sa'kin ni Sophie habang nakangiti.
"Ano? Hindi ko siya pinapunta dito" sambit ko sakanya.
Kinurot niya ako sa braso bago niya ako binitawan. Ang sakit ng kurot niya! Pasalamat siya napigilan ko sarili ko!
Umupo lang ako at nag-scroll sa twitter. Habang nags-scroll ako, may lumapit sa'kin at umupo sa tabi ko.
Alam kong tinitignan niya lang ako dahil kitang-kita ko pa rin sa right side ko. Tumigil ako sa kaka-scroll at tinignan siya, tinaasan ko siya ng kilay para ipahiwatig sakanya kung bakit niya ako tinitignan.
Tumawa lang siya at hindi niya 'ko tinitigilan. Sungkitin ko kaya mata nito! Kairita ha! Pupunta-punta siya dito tapos ako yung titignan niya! Hindi na 'ko nakapagpigil at kinausap siya.
"Stop staring!" Sambit ko at inirapan siya.
Tumalikod ang mukha niya sa'kin. Rinig ko ang tawa niya na parang pinagti-tripan niya ko. Tumingin ulit siya sa'kin.
"Why? Naiilang ka?" Tanong niya na medyo natatawa.
"Duh! Nakakairita kaya!" Pataray na sagot ko.
"Ang cute" bulong niya habang natatawa ng konti.
Nagulat ako sa sinabi niya. Cute daw ako? Duh! Matagal na 'no! Ngayon niya lang sinabi. Inirapan ko nalang siya dahil na-speechless ako doon.
Umuwi na kami pati si Sophie dahil sabi nga ni tita ko o ni Dr. Zamora na puwede na siyang umuwi ngayon.
"Zoey" tawag sa'kin ni Ethan.
"What?" I raised a brow at him.
"Wala, ingat!" Patawang sagot niya.
Tinaas ko ang dalawa kong mata at maldita ko siyang nginitian.
7pm na nang maka-uwi ako. Kumain kami ng dinner at nagkwentuhan lang din kaming magpapamilya. Lagi naman kaming kumpleto sa dinner kasi kapag breakfast at lunch, maaga pumapasok si mommy at daddy kaya minsan kami lang ni kuya ang magkasama, or minsan ako lang.
I do my skincare routine and packed my things for school. Pagkatapos ay humiga muna ako saglit habang naka-face mask, nang may mag message sa'kin.
From: Unknown Number
Hi :)
Natakot ako bigla dahil unknown number. Nagreply ako kaagad.
To: Unknown Number
Sino ka?
From: Unknown Number
Hindi ako sinuka. Tao ako.
To: Unknown Number
Oh what the?! Can you answer properly?! Wala ako sa mood para makipagbiruan sa'yo!
BINABASA MO ANG
Never Fade Away
Teen FictionIn school, Ethan was varsity basketball player. Until one day he met a girl named Zoey. If he goes to college, his parents wanted him to study abroad. How can he control his parents if he doesn't agree with this, especially he will left someone who...