08

42 24 0
                                    

"This is Zoey and Andy" pagpapakilala ni mommy sa'min ni kuya.


"What's up Bro!" Bati ni kuya at nakipag-shake hands. Nakipag-shake hands din sila at bumati.


I was just looking at Ethan because I couldn't believe what was happening today. I was so shocked. Imagine, magsasabi siya ng ingat, kasama pala namin siya ngayon. Napansin nila na nakatulala lang ako, kaya kinalabit ako ni mommy.


"Zoey, are you okay? why you are not responding to them?" Sunod-sunod na tanong ni mommy. Ngayon ko lang napansin na nasa harapan ko na ang mga kamay nila Oliver, Daniel at Ethan. Nakakahiya, Ethan kasi e!


"Ah.. h-hi.. n-nice to meet you" Sabi ko nalang at inabot ang kamay sa kanila, umakto nalang ako na hindi ko kilala si Ethan kaya mabilis kong binitawan ang kamay niya.


Nagsi-kuha na kami ng mga pagkain namin. Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang tumingin kay Ethan, sobrang shocked ako ngayon! Naalis ang tingin ko kay Ethan nang biglang kausapin ako ni Oliver.


"Hey Zoey. Mommy is right, you are beautiful!" Sambit ni Oliver habang nakangiti sa'kin. Nagulat ako sa sinabi niya! Ako?! Maganda?! Hindi ko ata tatanggihan 'yan! Char!


Ngumiti lang ako sakanya na kunyari ay nahihiya pero deep inside kinikilig ako! Bored lang siguro siya na hindi nagsasalita kaya kung anu-ano ang pumasok sa utak niya para magsabi ng ganoon sa'kin.


"I told you" sabi ni tita kay Oliver. Ngumiti naman si Oliver at tinitignan lang ako. Naiilang tuloy ako kainis! Bigla namang nagsalita si Daniel, yung kapatid din nila.


"Crush mo lang e" pang-aasar niya sa kuya niya.


Hindi ko na nakita kung anong ginawa niya dahil tinuloy ko na ang kain ko. Katapos kumain, nag-aya sila tita na pumuntang mall at pumayag naman sila mommy.


"Are you okay?" Tanong sa'kin ni kuya habang nasa sasakyan.


"Yeah" sagot ko. Tumango lang siya at nag-cellphone.


Nakapunta na kami sa mall. Katabi nila mommy sila tita, habang katabi naman namin sila Ethan sa likod nila mommy. Ako ang nasa dulo sa kanan at si kuya naman ang katabi nila Ethan.


Ang ingay mag-kwentuhan nila Oliver sa tabi namin. Nagtataka ako bakit hindi nagsasalita si Ethan, sabagay hindi naman siya palasalita.


Pumunta kami sa store kasi gusto daw nila mag-shopping. Nahiwalay kami ni kuya kay nila mommy noong makapunta na kami sa may mga necklace. Alam ko namang hindi ako iiwan ni kuya kaya safe ako doon.


Nagtingin-tingin ako ng mga necklace doon, madaming magaganda!


"Here oh, your favorite" sabi niya sa hawak niya na crescent moon necklace. Kinuha ko 'yon agad at tinignan. Sobrang ganda talaga!


Pumunta kami agad sa cashier para bayaran. After namin magbayad, nakita namin sila Ethan at lumapit naman sila nang makita kami.


"Zoey! Andy!" Bati nila sa'min. Ngumiti lang kami ni kuya, habang hindi pa rin ako natatauhan na nandito si Ethan.


Kanina pa ako nag-iisip! So means tama ako sa hinala ko kanina pang umaga! Hayst! Pero okay lang medyo kilig ako! Char! Ang speed ko omg!


Maya-maya lumapit sa'kin si Oliver at hinawakan niya ang braso ko at lumapit sa mukha ko! Kinabahan ako kaya umiwas ako sakanya agad. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Why, I'm just trying.." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil humarang si kuya Andy. Sinamaan niya ng tingin si Oliver.


"Bakit, bro?" Tanong ni Oliver kay kuya.


"Huwag kang bastos" kalmadong sabi niya. Tumingin ako sa baba ng mapansin kong handa na yung kamao ni kuya para manuntok. Kaya niya naman si Oliver, mas matangkad nga si kuya kaysa doon sa Oliver na 'yon e! Joke lang, hindi puwede umabot sa ganoon!


"Okay fine" umatras naman si Oliver at kinindatan niya ako. Sunod kong tinignan si Ethan, natakot ako bigla sa sama ng tingin niya sa kuya niya. Mabuti nalang dumating na sila mommy at tita.


"Hey, what's happening here?" Tanong ni tito Frank(daddy nila Ethan).


"Nothing, dad" umiling si Oliver at ngumiti siya ng konti.


Akala ko may magsusuntukan na dito sa mall! Mabuti nalang dumating na agad sila mommy, kung hindi! Nako ewan ko nalang!


Kauwi namin sa bahay, agad akong umakyat sa kwarto para magpahinga dahil kumain na kami kanina ng dinner. Hiniga ko kaagad ang sarili ko sa kama para ma-relax yung likod ko, nang biglang may na-received akong message from Ethan.


From: Ethan

Are you okay?


To: Ethan

Yes I'm okay.


Akala ko magrereply siya, hindi pala! Tatawag pala siya! Sinagot ko naman kaagad.


"Why?" Tanong ko sa kanya.


"I apologize for what my brother did earlier, don't worry I'll talk to him later" sambit niya.


"Don't worry, hindi naman ako nasaktan. Nailang lang ako sa kilos niya kanina" sambit ko naman.


"That's the point, so I have reason to talk to him" sabi niya na parang gustong-gusto niya talagang kausapin ang kuya niya.


"Okay but promise me you won't fight, huh?" Sagot ko naman.


"Promise" sagot niya na parang hindi siya kumbinsi sa sagot niya.


_______________________________

Never Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon