TWELVE: WARM

546 25 0
                                    

9 Years ago. . .

"What the hell do you mean?"

Tanong ko sa katabi kong si Shiela Mae nang ayain nya ako sa canteen.

"Sabi ko halika na kasi mahaba ang pila sa cr kapag break time. Mag cr ka na kung mag ccr ka"

Hinawakan nya ako sa wrist at mabilis ko itong binawi.

"Okay, okay! I'm coming!"

Nang tumayo ako ay narinig kong nagbulungang ang mga classmates ko. Late ako ng one week sa enrollment dahil "nakalimutan" ni dad ayusin ang papers ko. Today is my first day and I'm in the last section of seniors.

"What the fuck are you looking at?!"

Bulyaw ko sa mga classmates kong lalaki na nakaharang sa pinto.

"English spokening, wag ka nang mag panggap na rich kid. Ang tooong rich kid nanlilibre!! HAHAHAHA"

Nagtawanan ang iba pang mga classmates ko na lalaki at nakatingin ang lahat sa akin.

"Tss, would that be all?"

Maangas na nilapitan ko yung classmate kong nag salita na akala mo ay sinusukat ang pagkalalaki nya. Hinatak ulit ni Shiela ang wrist ko.

"Huy, tama na nga 'yan. Lorraine halika na kasi. Huy TheO! Tama na kasi ka babaeng tao pinapatulan mo. Bakla ka ba!?"

Tanong ni Shiela sakanya.

"Huy! Tanginang 'to! Ako!? Bakla? Halikan ko pa yan eh! HAHAHA"

Nag tawanan ulit ang mga classmates ko na lalaki. I took a thousand pesos in my wallet at sinungalngal sa bunganga ng lalaki habang tumatawa sya.

"I'm paying you a thousand to shut your mouth. It's irritating."

Naglakad ako palampas sa kanya habang nakanganga parin sa gulat. Hawak na nya ang isang libong piso na kanina eh nakasalaksak sa bunganga nya. Hinatak na ako ulit ni Shiela at naglakad na kami palabas ng classroom.

"Galit ka ba?"

Tanong nya sa akin.

"Saan?"

Tanong ko naman sakanya.

"Sa mundo? Sa parents mo? Sa sarili mo? Sa lahat?"

Napakunot ang noo ko sa mga sinabi nya at sa tanong nya. Bakit nya ako tinatanong ng ganitong bagay?

"Kasi, hindi mo naman dapat pang ginawa yun. Nag tapon ka ng pera na parang wala lang. Pera yun ng magulang mo. Mayaman ka oo, pero pinag hihirapan ng magulang mo bawat piso na nasa wallet mo. So naisip ko lang bakit parang walang halaga sayo yun"

I smirked.

"Tss, that's just money. It comes back."

She shrugged her shoulders.

"Yes, money comes back, but time won't. Katulad ng oras na pwedeng ibigay ng magulang mo sayo, hindi na maibabalik yun. At kung wala silang oras sa'yo, hindi narin maibabalik yun."

Napahinto ako sa kanya.

"Are you a fucking psychic?"

Ngumiti sya.

"Sabi na eh. Tama ako. Wala hinulaan ko lang yun. HAHAHA"

Pag katawa nya ay naglakad na sya at naiwan akong mag isa.

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon