F I N A L E : FINALLY

625 22 4
                                    

L O R R A I N E

Kung magiging libro ang kwento ko, marami kayang matututunan ang mga nagbabasa? Magagalit kaya sila sa akin sa mga maling desisyon sa buhay? Huhusgahan kaya nila yung pagmamahal ko para kay Rosa? Ang dami naming pinagdaanan na dalawa. Do I deserve Rosa Santillan? Yung babaeng ni hindi ko mahanapan ng rason para hindi na mahalin pa. Do I deserve pa ba yung taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako?

I looked in the mirror at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa pisngi ko.

"Oo."

Nakangiti kong sagot sa hangin while directly looking into my eyes.

"Lorraine, deserve mo sya. Deserve mo sya dahil ikaw ang taong nagpapasaya sakanya. Sya rin ang nagpapasaya sa'yo. Sya yung nag-iisang taong nagparamdam sa'yo ng tunay na pagmamahal. Sya yung taong paulit-ulit kang pinatawad. Deserve mo si Rosa, deserve nya yung Raine na magpaparamdam sakanya ng tunay na pagmamahal. Ikaw lang makapagbibigay nun."

Nangilid ang luha ko. Di ko mapigilang maging emotional dahil sobrang saya ng pakiramdam ko. Napaka saya ng puso ko.

"Ma'am Raine, Are you ready na po?"

I took a deep breath saka humarap sa wedding coordinator na si Gene.

"Yeah. I'm ready."

Inalalayan nya ako palabas ng kwarto. Miss na miss ko na ang Rosababe ko, paano naman kasi two days na kaming hindi nagkikita. Sinunod namin ang pamahiin ng matatanda na huwag mag kikita before the wedding.

"Alis na po tayo ma'am?"

Ngumiti ako sa driver ng bridal car ko.

"Yes please"

Sagot ko sakanya.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang isipin ang mga mangyayari mamaya. My heart is overflowing with happiness.

"Ma'am?"

Tanong ng driver. It has been a minute mula nang dumating kami. Walang tao sa labas ng simbahan. I know that everyone is waiting for our arrival.

"Okay, I'm ready."

Huminga akong malalim at saka bumaba ng sasakyan.There's another bridal car pero pinigilan kong silipin ito dahil gusto ko syang makita when she's walking down the aisle.

Tatay Karding is waiting for me, he's the one na maghahatid sa akin sa altar. Kita ko ang saya at pangingilid ng luha nya. Kung narito lang si nanay, she will be walking with me too. Paghakbang namin sa loob ay nagsimulang tumugtog ang banda at kumanta ang singer na kinuha namin ni Rosa.

The summer night, the fading light
The perfect place, the perfect time
To take you somewhere we both want to go

Nakita ko ang ngiti ng mga bisita naming dalawa. Mga kaibigan, ka trabaho, kapamilya pati sina Mag Jo na tumayong ikalawang magulang ni Rosa. Alam kong masaya sila para sa amin. Ramdam ko ito sa mga ngiti nila. Si Leslie ay nangingilid pa ang luha. Si Arthur naman ay tumango sa akin, he's giving me a sign that he's giving me the blessing.

A starry drive in mid July
Park the car, turn off the lights
And venture through a field out on our own

Nang marating ko ang altar ay sya ko nakitang nakatayo si Rosa sa dulo ng red carpet. Her beautiful white gown ay mas lalong gumanda at bumagay sa kanya. I'm used to seeing her walking at the stage. Madalas nasa catwalk. But this time, ito yung lakad na babaon sa pagkatao ko. A walk of forever. A walk of happiness and love. Yung rampa patungo sa akin, sa buhay ko. Caitie is right beside her, she's escorting her mumzie, which made the crowd laugh dahil they look so cute. My heart is filled with warmth, love, peace and happiness.

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon