Nine: Tupa

542 24 2
                                    

1 Year Ago. . . . . .

"Nakakainis talaga!  Nakakahiya! Sana hindi ko nalang sinubukan! Nakakahiya talaga!"

Sinisipa sipa ko ang buhangin na nalalakaran ko. Ang layo na pala ng nalakad ko palayo sa bahay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to. Sinabi ko naman kasi kay Ponsoy hindi ko kaya maging artista. Isa pa, wala naman akong hilig sa mga ganun.

Napahinto ako at naglakad palapit sa mabatong pampang. Tahimik, madilim at tanging liwanag lang mula sa bwan ang nagsisilbing gabay sa madilim na dagat. Tinanaw ko ang maalong dagat. Napukaw ang paningin ko ng isang babaeng umiinom. Halatang lasing na sya. Umiiyak ba sya?

"JAAAHNIIIICEEE!! MAAAAHAAL KITAAAAAAAH!!!!!!"

Natawa ako ng bahagya sa narinig ko. Kababaeng tao eh babae rin ang gusto. Iba na talaga ang mundo. Pero kahit na ganun, maswerte sya. Nakaranas na sya kung paano ba magmahal. Ako kasi, hindi ko alam kung paano yun at kung anong pakiramdam ng nag mamahal.

Umupo ako sa isang makinis na bato na medyo mababa, sapat para sumayad parin ang mga paa ko sa tubig. Yumuko lang ako at nilaro ang tubig sa paa ko habang nag iisip isip. Sa hindi malamang dahilan ay lumingon ako sa babae. Pag tingin ko sa kinauupuan nya kaninang bato ay wala na sya doon. Luminga ako sa pampang, baka nag lakad na sya paalis.

Kinabahan ako bigla nang wala sya sa pampang at sa mga bato. Nilinga ko ang mga mata ko sa dagat. Nakikita ko syang gegewang gewang na nag lalakad patungo sa dagat. Pilit na nilalabanan ang mga alon kahit halatang hindi na nya kaya.

"Hoy!"

Tumayo ako bigla at sinikap na tumakbo kahit na mabato. Ibinato ko sa pampang ang tsinelas ko at tumakbo sa gitna ng mga bato. Hindi na ako tumingin sa mga batong dinadaanan ko. Wala akong ibang nasa isip kundi ang mailigtas ang misteryosang babaeng ito. Naramdaman ko ang pag tusok ng matutulis na bato sa paa ko pero parang hindi ako nasasaktan.

"Hoy!!"

Sigaw ko pa.

"Miss!"

Sigaw ko ulit. Tinatakbo ko pero ginagawang imposible ng dagat na maabutan ko sya. Nang humiga sya ay lalo akong nag madali. Nang pwede nang languyin ay nilangoy ko na agad at sinisid ang dagat.

"Bitawan mo ako!"

Nanlalaban sya pero hindi ko hinayaang makabitaw sya sa akin.

Nang makarating kami sa pampang ay sumigaw sya.

"Ano bang ginagawa mo!? Pwede kang mamatay sa pag langoy ng lasing! Miss maawa ka naman sa sarili mo at sa pamilya mo grabe ka!"

Kahit na anong sabihin ko ay para lang syang lutang na nakangiti at nakatitig sa langit. Para syang lumulutang sa langit.

"Hoy!"

Isang malakas na ang naisip kong solusyon para magising ang natutulog nyang utak. Nakita kong nagulat sya at mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nya mula sa payapa papunta sa galit.

"Fuck you! What do you want!?"

Nanlalaki ang mga mata nya, ramdam ko ang galit sa boses nya.

"No one fucking dares to slap me! You slut! What do you want!? This? You want me!?"

Mariin nya akong hinawakan sa chin at idiniin ako sa labi nya. Mariin at mapusok nya akong hinalikan at itinulak ako pahiga sa buhanginan at tinitigan ako sa mga mata.

"Bitawan mo ko napaka walang hiya mo! Nakakadiri ka! Dapat nga hinayaan nalang kita magpakamatay wala ka namang kwenta!!!"

Nagpumiglas ako pero sobrang lakas nya. Hinalikan nya ako sa leeg pababa sa dibdib ko Nakakapanghina ang ginagawa nya sa akin.

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon