TWENTY SEVEN: Life With Nothing

324 23 3
                                    

R A I N E

"Wag kang maingay"

Nagising ako dahil may nagtakip ng bibig ko. Pag dilat ko ay sina Rosing. Ang mga kasama ko sa selda na maangas at halatang wala nang balak na magbago pa.

"Hmmmm!! Hm!!"

Nagpumiglas ako dahil sa takot. Nakita ko ang maliit na patalim na hawak ni Belen na nasa paahan ko.

"Hmmmm!! Hmmm!!"

Nagpumiglas ako pero nakatali pala ang kamay ko sa likod ko.

"Wag kang maingay kung ayaw mong pahabain ko hiwa ng ari mo!"

Banta sa akin ni Belen na syang ikinatakot ko naman. Maya maya pa at itinaas ni Belen ang shorts ko hanggang sa hita.

"Grabe naman ang kutis mong tao ka. Gano ba kamahal yung sabon mo at ganito ka ka kinis? hahahaha!"

Marahang nagtawanan ang tatlong magkakasabwat. Si Edna ang nagsisilbi nilang lookout.

"Bilisan mo na dyan Belen!"

Utos ni Edna kay Belen.

"Teka lang! Tang ina neto ikaw na gumawa!?"

Angil ni Belen kay Edna.

"Mga ulol! Wag na kayong mag away! Tapusin na natin to para makuha na natin yung bente mil kay warden!"

Pinanood ko lang silang mag usap. Alam ko na kung sino ang may pakana nito. Sino pa nga ba kundi si Victor. Ang hayop na si Victor.

"Bilis!"

Huling bulong ni Edna kay Belen.

"Edna! Kumuha ka ng tela! Ibubusal ko dito!"

Lumingon si Edna kay Rosing.

"Wag na! Takpan mo nalang bunganga nyan! Bilisan nyo na baka may umikot eh!"

Sagot ni Edna na halatang aligaga.

"Putang ina mo pala eh kung kagatin ako neto sa sobrang sakit ng gagawin ni Belen!?"

"Ano ba! Bilis na kilos na! Sisimulan ko na to!"

Saway ni Belen sa dalawa.

"Ehh. Eto na! Eto na!"

Mabilis na nag hubad si Edna ng shorts nya.

"Puta anong ginagawa mo!?"

Saway ni Rosing kay Edna.

"Akong bahala! Para mas may thrill. Panty ko nalang ibusal mo dyan."

Walang anu ano'y lumapit si Edna sa amin pagkatapos nyang isuot ang shorts nya. Ngayon ay hawak hawal na nya amg panty niya.

"Hmm! Hmmmm!"

Nagpumiglas ako ulit nang hawakan ako sa ulo ni Rosing at Edna. Nakakuha ako ng pagkakataon para hindi buksan ang bibig ko.

"Putang ina buksan mo yan!"

Idinidikdik sa akin ni Edna ang hawak nyang panty. Habang pinipiga ni Rosing ang mga pisngi ko pero pilit akong lumaban. Isipin ko palang na nasa bunganga ko ang panty ni Edna ay bumabaligtad na ang sikmura ko.

"Putang ina Belen ayaw isubo!"

Sumbong ni Rosing kay Belen na syang abala sa pag himas ng hita ko.

"Sige. Di mo yan isusubo?"

Mabilis na inabot ni Belen ang lock ng shorts ko at tangkang bubuksan ito nang nagpumiglas ako. Wala akong nagawa kundi ibuka ang bibig ko. Kaysa naman ano ang gawin nya sa akin.

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon