SPECIAL CHAPTER: MENDEZES

340 24 0
                                    

P A T R I C E

"Kamusta ka?"

Napatayo kami ni Sid sa couch nang lumabas sa kwarto ng apartment ni Arthur si Rosa. Sa tingin ko ay nagulat sya.

"A-anong ginagawa nyo rito?"

Napaatras sya nang tanungin nya kami. Nagkatinginan kami ni Sid at napatingin din kami sa kapatid nyang si Arthur.

"Gusto ko lang malaman kung okay ka lang, Rosa. Nag aalala rin kami para sa'yo. Kaibigan ka na rin namin."

Bumuntonghininga sya saka dumiretso sa kusina. I looked at Sid and Arthur.

"Sundan ko lang"

I took off my leather jacket at marahang itinapon sa mukha ni Sid. She looked at me in awe habang hawak hawak ang leather jacket ko para hindi malaglag sa lapag. I always wanted to do that. I knew her face would look funny pero mamaya na ako tatawa.

"Hey"

Marahang sambit ko nang maabutan ko si Rosa na nagtitimpla ng kape at nakatayo sa tapat ng counter top.

"Kape?"

Alok nya.

"No, thanks. Nag kape na kami kanina."

Ngumiti ako sakanya saka bumuntonghininga.

"Okay, listen. Rosa. Si Raine, galing ako sa kanya kanina. She looks like a real mess. Hindi naliligo, puro alak. Ni hindi yata tumatayo sa kama yun eh."

Napatingala sya sa akin mula sa pag ihip ng kape nya.

"Bakit sya nagpapabaya ng sarili nya. Hindi naman sya ang nilapastangan."

I felt a pinch in my heart. Nasaktan ako para kay Raine. Hearing those words will destroy her. Completely.

"H-hindi kita mapipilit na balikan sya or whatsoever. I just want you to know na hindi ganoong klaseng tao si Raine. Wala sya sa tamang pag iisip nung gawin nya yun."

Nanatili lang syang tahimik. Pumunta ako sa tabi ng sink at umupo dito. Ceramic ito kaya walang problema. Tuyo at malinis.

"Alam mo ba, inalagaan nya ako nung nagkasakit ako sa pag iisip? Pinag agawan nila ako ni Sid. Akala ni Sid eh karibal nya si Raine. Little did she know ay hindi naman talaga ako type ni Raine. Mag kaibigan lang talaga ang turingan naming dalawa. See, si Raine yung taong itataya yung pangalan nya makatulong lang ng iba. She's just plain simple and generous and a very good friend. Sana mabigyan mo sya ng time na makita or makausap ka manlang. Or kung gusto mo nang tapusin yung sainyo, just don't leave her hanging. Pero kung ayaw mo pang tapusin, sabihan mo lang sya na kumapit, kakapit 'yun."

I feel like that was the longest thing I said. Tahimik parin syang iniinom ang kape nya. Hindi na kami nag tagal at nagpaalam na sakanila at umalis.

"Sooo?"

Nakangiting tanong sa akin ni Sid pagpasok namin ng sasakyan. She's driving at ako ay tahimik parin.

"What?"

Tanong ko sakanya.

"How did it go?"

Bumuntonghininga ako.

"I honestly don't know mahal. Hindi ko alam kung nakinig sya sakin. But I really do hope so."

"It's okay. Sa tingin ko naman malawak pang unawa ni Rosa. She's just blinded by her emotions."

Sagot nya habang papasok kami sa loob ng village. Paglapit namin sa garage door ay may napansin si Sid na basket sa harap ng side gate.

"Wait, what's that?"

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon