Thirty:A Friend From The Past

349 25 1
                                    

"Merry Christmas!"

Bungad sa akin ni Janice pag baba ko sa staircase ng bahay na pagmamay-ari niya. Mayaman rin naman kasi ang pamilya ni Janice pero hindi sya tied sa business ng mga ito dahil noon pa man ay napaka independent na nitong tao.

"Morning"

Bati ko naman sa kanya. Hindi ko mapigilang mag inat sa harap ng glass door na sa labas ay makikita ang mga halaman, at masuyong tumitirik ang araw papasok sa loob.

"Coffee?"

Tanong nya.

"Ako na."

Sambit ko at nilampasan sya saka dumiretso ng kusina. Pag pasok ko ay nakita ko ang ibang maid na abalang nag luluto.

"Good Morning po, Madamme Lorraine"

Bati sa akin ng isa sa mga maids habang nag bubukas ng isa sa mga cupboard. Hindi ko mapigilang mag smirk.

"Tss. Madame."

Bulong ko habang iiling iling na nag titimpla ng kape.

"I'm basically one of you."

Sagot ko sa maid na bumati sa akin.

"Wag nyo akong tinatawag na ma'am or madamme. Nakasanla ang kaluluwa at katawan ko, so wala akong ipinagkaiba sa inyo, masahol pa nga ako."

Sambit ko bago lumabas ng kusina, left them murmuring to themselves.

"Come on, eat na--"

"Love"

Napahinto ako at napatingin sa kanya nang marinig ko ang bulong nya. Pero hindi ko nalang ito binigyang pansin at kumain na.

"So, what's your plan for today?"

Tanong nya habang ako ay kumakain.

"Hey,"

Tawag pa nya, pero wala ako sa mood makipag usap sa kanya.

"Hello? Anyone there?"

She snapped her fingers in front of me. I stopped eating at tinitigan sya, binitawan ang kubyertos then wiped my mouth using the napkin.

"Nothing. I got nothing."

Ngumiti sya.

"Good. We're going out! And since cleared ka na, dahil illegal ang pag kaka kulong nila sa'yo, you're a free woman."

She winked at me habang dinadampot ang coffee nya.

"You knew that?"

Tumango sya bago humigop dito.

"Bakit hindi ka nalang nag counter-sue? I mean, you could've saved a lot of money if you did that."

She gently wiped her mouth with a napkin from her lap then answered.

"Bailing you out was the easiest way. I wanted you out of that rotting place as soon as possible. That's why I used all the power I could use, to get you out of there."

Tumangu-tango ako at nagpatuloy na sa pagkain. I would never say 'thank you', again. Dahil may kapalit ang ginawa nyang iyon. Ako naman ay wala nang masyadong pakialam, basta ang akin lang ay makaalis ako doon. Sya ang nag insist, I just grabbed the opportunity that was given.

"When are we leaving for Paris?"

Tanong ko pagkatapos kong inumin ang kape ko.

"When do you wanna go?"

Tanong nya. I took a quick look at her. She's way more sophisticated than before. Way prettier but I don't think she's the same. I think she's living like a queen now but I don't think she's happy. Maybe she's not happy with her husband, Levoine Carione. One of the Carione brothers who are very rich and well-known because of their Eau De Toilette perfume series. Their wedding was big, that's why I saw it on news and whispered to wish her all the best.

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon