TWENTY TWO: YES

370 23 1
                                    

R O S A

"Hey Elvie!"

Masayang bati ni Raine sa babae nang pumasok ito sa loob ng kwarto.

"Hello Raine! It's been a long time! It's so nice to meet you!"

Nag beso beso si Raine at ang babaeng doktor na sinasabi nya sa akin. Pagkatapso ay bumaling sa akin si Raine.

"This is Rosa. She's the one I am talking about. Uhh, Baby, this is Elvie Prashant. Sya yung therapist mo."

Ngumiti ako at iniabot ang kamay ko sakanya.

"Good Morning Doc."

Masaya nyang tinanggap ang kamay ko.

"Good Morning to you too, Rosa. 'Wag kang mag alala, this is your safe space."

Nakangiting sambit nya.

"Now, Mamaya na ang chikahan natin Raine. Lumayas layas ka na dyan at mag sisimula na kami."

Tumawa kaming tatlo. Bumaling ulit sa akin si Raine at hinalikan ako sa labi.

"I'll see you at home okay? Papasundo kita kay Mang Elmer. I'll call him."

Sambit nya habang patayo sa sofa.

"Come on, hindi ko aagawin sa'yo ang baby mo"

Pang aasar pa ni Dr. Prashant.

"Haha very funny. As if you can. You're straight as fuck Elvie."

Tumawa lang si Dr. Prashant. Habang nakikinig ako sa litanya nya ay di ko maiwasang titigan ang mukha nya. Ang ganda nya kasi. Natural lang ang ganda nya. Ang tanging make up nya lang yata sa mukha ay lip balm. Tuwid lang ang buhok nya na bumagay sa bumbayin nyang mukha.

"Kaya wag kang mag alala, kahit na magkaibigan kami ni Raine noong college ay kaya kong pag hiwalayin ang personal at professional matters ko."

Tumango tango ako.

"So, uh, how about you tell me something about yourself?"

Marahan akong tumikhim bago nag salita.

"Lumaki ako sa Palawan kasama ang Inang ko. Simple lang ang buhay namin."

Masaya kong iginuhit sa imahinasyon ni doktora ang buhay na meron ako sa Palawan kasama ang Inang.

"Hindi mo ba, naiisip na sana ay nakilala mo ang Itang mo?"

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Oo naman. Lahat naman siguro ng anak gustong makilala ang mga magulang nila."

Hindi ko mapigilang kabahan kapag nakikita kong nagsusulat sya sa makapal na kwaderno nya. Napatingin sya sa akin dahil natigilan ako mag salita. Nahulaan nya sigurong nagtataka ako kung anong isinusulat nya. Ngumiti ito at saka nag salita.

"AH, don't worry. Sinusulat ko lang yung mga important details about you, para makita ko yung progress mo."

Tumango tango lang ako.

"Kailan ka huling dumalaw sa puntod ng Inang at Itang mo?"

"Bago kami bumyahe papunta dito sa Maynila, sinamahan ako ni Lorraine at nag paalam kami sa kanila."

"Do you ever, miss them or lumalabas ba sila sa panaginip mo?"

"Hmm, minsan si Inang, naaalala ko kung paano nya ako tawagin sa pangalan ko--"

Di ko mapigilang ngumiti nang maalala ko ang senaryong iyon sa isip ko.

"Lalo na kapag nakita nya akong nag lalaro sa pampang, pitong taon palang ako noon at takot na takot sya na baka agusin ako ng tubig kaya tatawagin ako ni Inang, yung sigaw nya parang iniluwa nya ang lalamunan nya saka ako tinawag dahil sobrang lakas talaga! Hahaha"

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon