Ten: Aso at Pusa

487 30 0
                                    

18 Years Ago.....

"Mommy"

"Ano yan? Parang mamahalin yan ah! Akin na yan!"

Napalingon ang batang Rosa sa kinaroroonan ng pamilyar na boses na narinig nya. Pag lingon nya ay hindi nga sya nagkamali nang masilip nya sa dulo ang sakit sa ulo na si Jiro na syang batang kalye at kasama ang dalawa nyang asungot.

"No! Stay away from me!"

Nang marinig nya ang matinis na boses ng isang batang babae ay walang alinlangan syang tumakbo papalapit sa apat na bata.

"Rosa!? Saan ka pupunta anak?!"

Lumingon pabalik si Rosa sa kanyang inang.

"Ako nalang po ang uuwi mag isa Inang! Wag nyo na po akong hintayin!"

Pagkatapos ay tumakbo na sya ulit papunta sa kinaroroonan ng mga batang kalye at ng biktima ng mga ito.

"Hoy Jiro!"

Napalingon ang apat sakanya.

Nilingon ni Jiro ang dalawa nyang asungot bago marahang hinarap si Rosa.

"Bakit ba Rosa? Wag mong sabihing eepal ka na naman sa diskarte namin?"

Naglakad ang batang Rosa at hindi pinansin ang sigang si Jiro. Hinawakan nya sa kamay ang batang babaeng binibiktima ng tatlo.

"Hoy Rosa wag ka ngang makealam dito!"

Hinawakan ni Jiro ang kamay ni Rosa na hawak ang kamay ng batang babae.

"Bitawan mo ako"

Sambit ng batang Rosa na may halong pagbabanta.

"Natakot naman ako. Bakit, ano bang ka--"

Natigilan sa pag sasalita si Jiro nang biglang tumili si Rosa. Napalingon ang mga tao sa kanila.

"Hoy! Anong ginagawa nyo dyan sa dalawang batang babae!?"

Nagtakbuhan ang tatlo nang sawayin ito ng mga tindera. Nang makaalis ang tatlo ay tinitigan ni Rosa ang bata bago tinanong.

"Nasaktan ka ba nila?"

Umiling ang batang babae sakanya.

"Ako nga pala si Rosa. Ikaw anong pangalan mo?"

Tumingin ang batang babae kay Rosa at saka yumuko ulit.

"I-I want my mommy"

Napakunot ang noo ng batang Rosa nang marinig nya ang sinabi nito.

Mommy nya? Mama nya?

Tanong nito sa sarili.

"Hinahanap mo ba ang mama mo?"

Tanong nya habang hawak ang kamay nito at marahang inaakay palabas ng palengke.

Marahang tumango ang batang babae.

"Sino bang kasama mo? Saan ka ba nakatira?"

Tanong ng batang Rosa na halatang nag aalala na.

"I live in the mansion"

Nanlaki ang mga mata ng batang Rosa nang marinig nya ang mansyon.

"Mansyon? Nakatira ka sa mansyon?"

Tumango ang batang babae at sobrang saya naman ang naramdaman ni Rosa dahil alam na alam nya kung paano makarating sa mansyon. Ito ang kauna-unahang mansyon na itinayo sa kabilang bayan. Kilala ito sa tawag na "mansyon" kaya nang marinig ito ni Rosa ay kumpyansado syang maihahatid nya ang batang babae ng buo at ligtas sa pamilya nito.

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon