6 : I Love You and Your Imperfections

48 25 0
                                    

I LOVE YOU AND YOUR
IMPERFECTIONS
–@GSLA.


Zak:
Babe, send ka naman ng picture mo, oh. Gusto na kitang makita eh.

Raine:
Ayoko.

Zak:
Plsss? :((

       Damn. Eto nanaman siya sa gawain niya. Alam niyang kahinaan ko yang pa please-please niya eh.

Raine:
Wag mokong daanin sa ganyan, Zak. Saka baka maturn off kapa sakin kapag nakita mo ako.


       Sa totoo lang, online lang kami nagkakilala ni Zak pero napamahal at nahulog kami sa isa't-isa kahit 'di pa kami nagkikita sa personal. Malayo rin kasi siya eh, Davao ako samantalang taga Pampanga siya.

       We've been in a relationship for almost three months at never pa akong nagsend ng picture ko sa kanya. Siya laging nagsesend sa aming dalawa. Nakakahiya lang na ang pangit pangit ko pero sobrang gwapo ng naging jowa ko.

Zak:
Malabong mangyari yun. Saka mahal kita at hindi yun magbabago kahit ano pang panlabas mo na anyo.

Zak:
At hindi ako bumabase sa itsura, Raine. Kasi mas importante sakin ang panloob kaya nga ako nahulog sayo diba?

       Napangiti ako sa nabasa ko. Anong ginawa ko at binigay siya sakin ng Panginoon? Isa lang ang alam ko ngayon, I'm deeply in love with this man whom I met online.

       Nagdadalawang isip ako kung magsesend ba ako o hindi ngunit sa huli, napabuntong-hininga na lamang ako at naghanap ng matino-tinong larawan ko bago sinend sa kanya.

*Raine sent a picture*

Raine:
Ayan na.


       Naseen na niya ang sinend ko at kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya ngayong nakita na niya ang pagmumukha ko.

       Naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala parin siyang komento.

[09:42 PM]

Raine:
Sabi ko naman sayo, pangit ako, Zak.

[10:21 PM]

Raine:
Iiwasan mo na ba ako ngayon dahil sa pagmumukha ko?

[11:16 PM]

Raine:
Sumagot ka naman oh.


       Nabasa niya naman lahat ng sinabi ko pero hanggang ngayon, wala parin akong natatanggap na reply galing sa kanya.

       This is it! Ito na 'yong kinatatakutan ko. Siguro disappointed siya sa nakita niya. Alam ko naman kasing hindi ko talaga siya deserve, ngunit anong magagawa ko? Hulog na hulog na ako sa kanya.

       Dapat pala hindi nalang ako nagsend ng picture ko. Potanginang pag-iitsura 'to! Bwisit!

       Hindi ko na napansin na nagsimula na palang tumulo ang luha ko. Bat kasi 'di pa ako nadala noon?

       Sa pangatlong pagkakataon, naiwan nanaman ako nang dahil sa mukhang ito.

───•~❉᯽❉~•───

       Dalawang araw na mula noong huli naming pag-uusap ni Zak at hanggang ngayon, umaasa parin ako sa kanya ngunit alam ko na ang kahahantungan nito.

       Alam kong madudurog lang ulit ako.

       Ngayon pa naman sana ang third monthsary namin ngunit sigurado ako na kinalimutan na niya ako. Sino ba ako diba? Isa lang naman akong pangit. 'Di ko na alam kung matatawa ba ako sa sarili ko o maaawa.

       Kahit pala gaano kabuti ang kalooban mo, kung pangit ka, iiwan ka parin nilang lahat. At isa nako sa halimbawa nun. Tangina lang kasi sobrang minahal ko si Zak, pero walang laban ang pagmamahal ko para sa kanya dahil pangit ako, kaiwan-iwan, at hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya.

       Tangina.

       Napatitig na lamang ako sa salamin habang pinagmamasdan kung paano dahan-dahang pumatak ang mga butil ng luha galing sa'king namumugtong mga mata.

       “S-Sana naging makinis nalang ako.”

       “Sana naging maputi nalang ako...”

       Paulit-ulit kong sinambit ang mga salitang iyon. Napapikit na lamang ako habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

       “... sana naging maganda nalang ak–”

       Nagulat ako nang biglang may yumakap sa'kin mula sa likuran. Napamulat ako at napatitig sa salamin na nasa aking harapan.

       “Shh baby... you are already beautiful.”

       Ang boses na iyon. Shit. Am I dreaming?

       Pero hindi, alam na alam kong totoo itong nangyayari ngayon at nandito siya mismo. Sa tabi ko.

       “Zak...”

       Gulat ako sa lahat ng nangyayari. Hindi ako makagalaw at para bang nabuhayan ang katawan ko. Nakakapanatag sa pakiramdam.

       “Sorry for making you cry, Raine. It's hard for me to ignore your messages for two days. It was just part of my plan but believe me, a day without a conversation with you almost took my sanity. I'm sorry, baby. I'm sorry.”

       Niyakap niya ako ng mahigpit. Lahat ng sakit na naramdaman ko nitong nakaraang araw ay napawi. His presence and his hug, it's as if he's my cure from all the pain of yesterday.

       Tumingin rin siya sa salamin at ngumiti sa akin.

       Damn that smile. I'm always wishing to see that in personal and now, I just saw it.

       And once again, I fell in love with him.

      “Hindi kita iiwan nang dahil lang sa panlabas mong anyo. Minahal kita noon kahit hindi kita nakikita at ngayong nakita na kita... mas lalo pa kitang mamahalin, Raine.”

      Napaiyak ako dahil sa sinabi niya. Zak and his heart melting words. I really love this man.

     “Happy monthsary, babe. I love you always and nothing will make it change. Remember that.”

GSLA's OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon