16: Cellphone Number

34 26 0
                                    

CELLPHONE NUMBER
—@GSLA.

       Tahimik lamang akong nakaupo sa isang public bench habang nagpapahangin. Ang init din kasi, gusto ko lang makalanghap muna ng sariwang hangin. My whole day was too tiring as well and I think the calmness of the night will help me release all the stress of daytime.

       Busy ako kakascroll sa facebook nang may tumabi sa'kin at nakiupo. Naka denim pants ito at yellow na jacket.

       Hindi ko naman maaninag ang pagmumukha niya dahil gabi na nga, saka nakasuot pa siya ng mask at natatakpan ng hood ng jacket niya ang ulo niya. Basta sobrang balot na balot siya.

       “Cute. Parang lumpia,” sambit ko at nakatanggap naman ako kaagad ng masasamang tingin galing sa babaeng lumpia na 'yon. Hindi ko maiwasang matawa, ang cute niya talaga sa suot niya.

       “Gabing-gabi na ah, bakit ka pa nandito sa labas?” I tried to start a conversation with this human lumpia pero hindi man lang niya ako sinagot. In-ignore ba naman ako? Ayaw ata ng kayakap sa pasko eh.

       Hindi na lamang ako nagsalita pa dahil mukhang wala din naman siyang balak kausapin ako. Baka nagpapahangin lang din siya—pero teka, nagpapahangin pero balot na balot? Sa bagay, kanya-kanyang trip naman tayo.

       Nilibang ko na lang ang sarili ko sa kakashared post nang marinig kong sunod-sunod ang pag-ubo niya. May TB ata si Ms. Lumpia?

       “Okay ka lan—HOY TEKA!”

       Bigla nalang niyang hinablot ang cellphone ko at kumaripas ng takbo kaya kaagad ko siyang hinabol pero hindi ko na din siya nahagilap pa.

       I cursed out loud in annoyance and kicked the pot of plants. 'Yong phone ko, argh! Hindi ko naman inasahang snatcher pala ang cute na lumpia na 'yon.

       “Tangina!”

───•~❉᯽❉~•───

       “Malapit na magdikit ang kilay mo Jax, anong problema, pre?” Bungad na tanong sa'kin ni Lucho na kakarating lang. May malaking ngisi pa ito sa labi, siguro pinakain 'to ng Goldilocks ni Juday.

       “Kagabi,” panimula ko. Isang salita palang iyon pero namilog na kaagad ang mga mata niya at hinarap ang upuan sa'kin. Ito na naman, magsisimula na ang malawak na imahenasyon niya.

       “Teka! Let me guess. May chixx kang kasama kagabi at magsasabungan sana kayo pero may lawit din pala siya—Aray!”

       Binatukan ko na kaagad siya. Gago talaga nito, kung ano-ano sinasabi. Baka may makarinig pa sa kanya.

       “Hindi! Baliw ka!”

       “Eh ano pala nangyari?”

       “Na-snatch ng lumpia ang cellphone ko kagabi,” sagot ko.

       “Lumpia?” hindi makapaniwalang tanong niya habang pinipigilan ang kanyang sariling tawa. Tumango pa rin ako. Lumpia naman kasi talaga 'yon.

       'Di ko nalang pinansin ang tawa niya. Magkukuwento pa sana ako nang may pamilyar na jacket ang dumaan sa harap ng classroom namin.

       “Si Miss Lumpia 'yon ah!”

       Kaagad akong tumakbo palabas ng classroom at hinabol si Miss Lumpia pero napansin din niya ako kaya tumakbo din siya at naghabulan kami hanggang fourth floor.

       Potek! Ang bilis niya tumakbo! May lahi ba siyang kabayo?!

       Buti nalang at sinalubong siya ni Lucho sa kabila kaya nabangga niya ito at napahinto siya sa pagtakbo.

       “At nahuli rin kita! Sa wakas!” Hinihingal kong sabi at hinarap siya sa'kin.

       “L-Luci?” hindi makapaniwalang tanong ko rito. Shit. Kung ganoon... siya pala si Miss Lumpia?

       Nakita ko namang humagalpak ng tawa ang kuya niya sa gilid at halos mangamatis na ito sa sobrang pula ng pisngi. I don't know either why is he laughing that hard. Kung ako ang may kapatid na magnanakaw, malamang ay pinagalitan ko na ito.

       Humarap ulit ako kay Luci at kaagad na sinalubong ito ng tanong. Kahit na kapatid pa siya ni Lucho, hindi pa din tama ang ginawa niya.

       “B-Bakit mo ba kinuha ang cellphone ko?”

       She remained silent.

       “Sinave niya number mo, pre,” Singit ni Lucho habang tawang-tawa pa din. “Matagal na 'yang may gusto sa'yo eh,” dagdag niya at napatabon naman ng mukha ang kapatid niya.

       “Bwisit ka talaga kuya! I had told you last night to keep your mouth shut!” sigaw ni Luci pero bago pa makapagsalita ulit ang kuya niya, tinakpan na niya maagad ang bibig ni Lucho.

       Kinuha niya sa bulsa ng palda niya ang cellphone ko at inabot 'yon sa'kin. “Oh ayan na! Salamat sa number mo!” sabi niya habang hindi makatingin sa'kin.

       “Magsusungit nanaman 'yan porket 'di ko binigay number mo sa kanya.” Tawa pa din ng tawa si Lucho at gano'n na din ako.

       “Isa lang solusyon sa pagsusungit na 'yan.” sambit ko at dahan-dahan naman siyang napatingin sa'kin

       “Edi...”

       “...crushback,” dugtong ko at nakita kong mas lalong namula ang pisngi niya. Ang cute mo talaga Miss Lumpia.









✎◦。◦。◦。◦
Ito 'yong legit fiction. Wala talagang nangkacrushback in real world duh.

GSLA's OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon