NOCHE BUENA
—@GSLA.
Third Person's POV
“D-Dion... 'wag dito, baka makita tayo ng k-kapatid mo.” Sinubukang itulak palayo ni Morie ang lalaki ngunit sadyang naging mas mapusok ito at hindi na napigilan pa ang sariling init ng katawan.
Hinawakan niya ang kamay ng babae at siniil ang malalim na halik sa labi nito. Tinugon naman ni Morie ang halik ni Dion.
Kung tutuusin, mali ang ginagawa nilang dalawa sapagkat kasintahan ni Morie ang nakababatang kapatid ni Dion—si Drey.
“Mga manloloko.” Puno ng poot at galit sa pagmumukha ni Drey habang pinagmamasdan ang kanyang nakakatandang kapatid at sariling kasintahan na nagtatalik sa mismong pamamahay niya.
Kumuyom ang kanyang kamao at tahimik na umalis ng bahay.
Kung kailan malapit na ang anibersaryo nila at pasko, doon pa niya malalamang niloloko lang pala siya ni Morie.
───•~❉᯽❉~•───
Morie's Point Of View
“Love? Saan ka na?” tanong ko nang sagutin ni Drey ang tawag ko. Kanina ko pa kasi siya hinahanap pero hindi pa rin ito dumadating.
“Pauwi na ako, medyo naging busy lang sa trabaho.”
“Sige, ingat ka, ha? I love you,” sabi ko pero hindi siya sumagot.
“Hintayin mo nalang ako. Bye.” Aniya saka nito pinatay ang tawag. Nagulat ako dahil sa kanyang inakto ngunit naiintindihan ko naman, siguro ay pagod lamang talaga siya sa kanyang trabaho.
Ilang sandali pa'y may narinig akong kumakatok sa pinto. Si Drey na siguro iyon kaya dali-dali ko itong binuksan ngunit laking-gulat ko na lamang nang maling tao ang inaasahan kong dumating.
“Bakit ka nandito, Dion? A-Akala ko ba may outing kayo ng mga kaibigan mo?” Gulat kong tanong ngunit nginitian lamang niya ako. Pumasok siya sa loob kaya kaagad kong hinatak ang braso niya. “Pauwi na si Drey!” sigaw ko rito sa takot na baka ay maabutan siya ng kanyang kapatid.
Walang alam si Drey sa mga nangyayari at wala rin sa plano ko ang magpahuli.
“And so? Dito din naman ako nakatira ah,” giit nito at ngumisi.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Drey. Nakatingin lamang siya sa aming dalawa nang ilang sandali ngunit kaagad din naman itong ngumiti at nagpunta sa direksiyon ko.
Bakas sa mukha ni Dion ang pagkairita ngunit umatras din naman siya upang pagbigyan ng daan ang kanyang nakababata upang mayakap ako.
“Matagal ka atang nakauwi, Drey?” tanong ni Dion sa kapatid.
“Yeah, office works, you know. At may Christmas party kami sa trabaho kanina,” sagot nito.
“Trabaho ba talaga? Baka naman... may iba ka nang chixx diyan?” satsat ni Dion na nagpakuyom ng kamao ni Drey. Kilala ko si Drey at alam kong hindi niya iyon magagawa.
Nagkasukatan silang dalawa ng tingin kaya kaagad ko nang hinila si Drey sa kusina at naiwan naman si Dion sa sala.
“Kain ka muna, alam kong gutom ka.” Aya ko sa kanya. Tinitigan niya ako ng mariin habang nakasandal sa pader.
BINABASA MO ANG
GSLA's Oneshots
RandomAll of my oneshots are here. (MOSTLY FROM ARISTEIA ACTIVITIES) Consider: This was poorly written and was made to follow a particular genre and or plot from our writerhood founder.