TAGPUAN
–@GSLA.“Oh, kamusta kana, witch?” tanong mo sa'kin habang malaki ang ngisi.
Hays, nandito nanaman 'tong tandang 'to.
“Okay lang naman, gurang. Eh, ikaw ba?”
Sa halip na sagutin, sinamaan mo lang ako ng tingin at hindi pinansin.
Aba! Ikaw pa ang may ganang magalit sa'kin, eh ikaw naman ang naunang sawayin ako ah! At 'di porket guwapo, cute kana ding magalit.
“Hoy, itigil mo 'yan, 'di kaya bagay sa'yo, ew,” kantyaw ko saka humalakhak kaya't mas lalong sumama ang iyong ekspresyon.
“Bakit? Bawal na ba'ng magalit ang cute na pogi?” tanong mo habang nakasimangot pa din. Fine. You actually look cute with that.
“Hindi naman sa gano'n. Nakanguso ka kasi kaya para kang nagpapacute,” sagot ko at napatingin ka kaagad sa akin at ngumisi ng nakakaloko. “Oh? So cute nga talaga ako?”
Napatanga ako saglit dahil sa tanong mo at umirap. “Ewan ko sayo,” wika ko at narinig ko pang tumawa ka ng malakas.
'Nag-umpisa ang lahat sa simpling usapan,
Hanggang sa ika'y naging kaibigan.
Naiirita sa mga biro mong walang hangganan
Pero kahit ganoon, ikaw parin ang gusto kong kakuwentuhan.Ako'y lagi mong napapasaya,
Sa simpling bagay, ako'y napapatawa.
Binago mo ang aking pananaw at mga maling akala,
Kapag ako'y galit, ikaw nama'y natataranta.'───•~❉᯽❉~•───
Pinagtutulak ka ng mga kasamahan mo sa direksyon ko kaya napatigil ako sa aking sinusulat.
Napasulyap ka sa papel ko kaya kaagad ko iyong itinago. Echosero karin, ano?
Kunot-noong tinignan kita. Siniko ka naman ng lalaking nasa likod mo na hinuna ko'y kaibigan mo lang kaya napalunok ka at utal na nagsalita sa harap ko. “U-uh, h-hi, witch.”
What's wrong with this guy?
Kahit pinagtatawanan ka ng mga lalaking kasama mo, hindi mo sila pinapansin. Ngumiti ako sa iyo habang nakakunot parin ang noo ko. “Hi?”
“Ayyyiiiiiieeee!” Nagtititili ang mga kasama mo na hindi ko lubusang maintindihan kung bakit.
Tinulak ka nila sa akin kaya nahulog ako sa kinauupuan ko at bumagsak sa sahig habang ikaw naman ay nakapatong sa akin at bago sila magsitakbuhan paalis, kinunan muna nila tayo ng litrato at nagtatawanan.
Napailing nalang ako. Loko talaga ang mga tropa mo, 'di man lang tayo tinulungan.
Sandaling nagtama ang mga tingin natin ngunit agad ka namang umiwas. Tumayo ka at inilahad ang kamay mo sa'kin na kaagad kong tinanggap upang makatayo ako.
Nakahawak ka lang sa kamay ko ng ilang sandali kaya ako na mismo ang kumalas. Narinig kong napamura ka ngunit mahina lang iyon.
“A-ah pasensiya k-ka na, n-nadumihan kapa tuloy,” sabi mo habang hindi mapakaling tinitigan ako habang pinapagpagan ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
GSLA's Oneshots
RandomAll of my oneshots are here. (MOSTLY FROM ARISTEIA ACTIVITIES) Consider: This was poorly written and was made to follow a particular genre and or plot from our writerhood founder.