1 : Humanity's Downfall

192 29 0
                                    

HUMANITY'S DOWNFALL
–@GSLA.


       Naglalakad na ako pauwi sa bahay nang may isang matandang babae akong nabangga. Nahulog ang mga dala-dala nito kaya agad akong humingi ng paumanhin sa kanya. “Sorry po, la, sorry po,” sabay abot ko sa kanya ng mga nahulog niyang gamit.

       Labis kong ipinagtaka ang kwintas na nasa leeg ng matanda, sobrang hawig no'n sa kwintas na parati kong suot ngunit isinawalangbahala ko na lamang ang aking napansin. There's always this thing called coincidence anyway.

       “Ayos lang ho ba kayo?” tanong kong muli ngunit hindi siya sumagot kaya napag-isipan kong umalis nalang ngunit bago ako tumalikod, nagtama ang paningin naming dalawa.

       “TULONG! TULONG!”

       Nagulat ako nang bigla na lamang nag-iba ang paligid. Ang maaliwalas na kalsada kanina ay napalitan ng mga yero na nagkalat, sira at mga nakataob na sasakyan at mga posteng nakatumba.

       Gulong-gulo ako sa mga nakikita ko ngayon pero isa lang ang alam ko, nasa gitna ako ng napakakalat na kalsada at nagliliyab na mga gusali.

       Sigaw ng puro pagdadalamhati at galit ang tanging maririnig dito sa lugar na ito at iyak ng pagsuko.

       Halos mapaso ako dahil sa sinag ng araw kaya naghanap ako ng masisilungan ngunit kaagad kong ikinadismaya nang mapansing wala ni isang puno ang nakatayo.

       Sinubukan kong hanapin ang matandang nakabangga ko kanina ngunit hindi ko na siya mahagilap pa.

      Napalingon-lingon na lamang ako sa paligid at nakuha ng atensyon ko ang isang lalaki na nakaluhod sa 'di kalayuan. Siya ata 'yong sumigaw ng tulong kanina.

       Hindi na ako nagdalawang isip pa at nilapitan siya. “K-Kuya? Ayos ka lang?” tanong ko sa mama ngunit nanatili lamang siyang nakayuko.

       Hahawakan ko na sana ang balikat niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napaatras. Puno ng dugo ang bibig ng lalaki at ngayon ko lang din napansin na may hawak pala siyang putol na braso.

       “G-gutom.. ako,” sambit niya habang tumutulo ang kanyang laway. Kaagad akong kinabahan nang ngumisi siya sa akin at bigla akong hinabol.

       “Shit!”

       Nagtatatakbo ako sa kung saan-saan, hindi ko alam kung nasaan na ako napadpad basta ang importante, maligaw ko lang ang lalaking 'yon.

       Huminto ako saglit at napatingin sa likuran ko. Kaagad akong sinalakay ulit ng takot nang makitang andami na nilang tumatakbo at humahabol papunta sa akin.

       Kahit hinihingal pa ay nagsimula na ulit akong tumakbo. Dumaan ako sa isang eskinitang sobrang pamilyar sa akin.

       Luminga-linga ako saglit. May napansin akong luma na bahay ngunit kahit na napakaluma na nito, alam na alam kong bahay namin 'yon.

       May nakita rin akong mga nagkalat na bangkay sa gilid at ang iba pa'y wakwak na ang kanilang mga sikmura.

       Halos masuka na ako kaya dali-dali akong pumasok doon sa lumang bahay at kaagad na isinarado ang pinto.

       Napaupo ako sa sahig habang habol-habol pa rin ang aking hininga.

       Shite, bakit ba kasi nila ako hinahabol?! Mukha ba akong pagkain, ha?!

       Nang makabawi sa sobrang pagod, tumayo na ako at sumilip sa bintana. Napatakip na lamang ako ng aking bibig dahil sa kagimbal-gimbal na nasaksihan mula sa labas.

       'Yong mga lasog-lasog na bangkay na nakita ko sa labas kani-kanina lang ay pinagpipyestahan na noong mga taong humahabol sa akin.

       Fuck! Are they still humans?!

       Napapikit na lamang ako sa aking mata at tahimik na napaluha. That was actually my first time of seeing closely a dead and decaying human bodies. Worst is, it was also my first time seeing an act of cannibalism.

       Kung isa man itong panaginip, sana magising nalang ako. Hindi ko na kaya pa ang mga nangyayari sa paligid. I feel like this is a torture.

       Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sobrang lakas ng kulog na sinabayan pa ng nakakatindig-balahibong kidlat.

       Sumilip ulit ako sa bintana ngunit kaagad ding napaatras nang tumama sa kalsada ang boltahe ng kidlat.

       Tahimik akong napadasal at napayakap sa sarili kong tuhod. Sobrang natatakot na ako sa mga nangyayari ngayon! If this is really a nightmare, I hope somebody will slap me right away to wake me up. I don't care if that person will also pour freezing water on to my body. I just wanna wake up!

       Kung dati ay napakasayang pagmasdan ang buhos ng ulan, ngayon ay wala kang ibang mararamdaman kundi takot.

       Gusto ko ng umuwi sa bahay dahil alam kong ligtas ako doon pero ito rin ang bahay namin ngunit wala akong nararamdamang kaligtasan dito ngayon.

       “Pakiusap, gisingin niyo na ako sa bangungot na ito,” pagmamakaawa ko, umaasang maririnig ako ng Panginoon.

       Hinigpitan ko na lamang ang pagkakayakap sa sarili dahil sa sobrang lamig, kabaliktaran sa klima kanina na halos mapaso ako sa init.

       Patuloy pa rin ang malalakas na kulog at kidlat kaya naisipan kong pumunta nalang muna sa kwarto ko at magtago sa mga kumot na nandoon ngunit nagulantang lamang ako nang makita ang taon sa kalendaryo na nakadikit sa harap ng pinto.

       “3019,” bulong ko sa sarili ko.

       Naguguluhan man at nanginginig ang kamay ay binuksan ko pa rin ang kwarto at doon ko muling nakita ang matandang babae na nakaupo sa kama.

       “Anong nangyayari?! Ibalik mo na ako!” Hindi ko maiwasang hindi magtaas ng boses sa kanya. What else can I do?! I feel like I'm in hell!

       “You're here in the future,” aniya.

       “And... I am you,” she added and brought her head up to face me.

       Nagsalubong ang aming paningin at bigla nalang akong nakaramdam ng  pagkahilo.

       Hinihingal ako na napaupo sa kalsada. Nagbalik na sa dati ang lahat at normal na rin ang paligid ngunit hindi ko mapigilan ang sarili na hindi maluha.

       Ngayon ay year 2923 at 96 years from now, on year 3019, babagsak ang industriyang ating pinagkikitaan at maghihirap ang buong sangkataohan.

       Gaya sa lugar na aking napuntuhan, wala ni isang puno ang matitira at lahat ng sapa ay matutuyo. Magugutom tayong lahat hanggang sa wala na tayong iba pang pagpipilian kundi ang kainin ang isa't-isa.

       It's hard to believe, but I just saw the future.

GSLA's OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon