17: Behind The Suicide Case

38 26 2
                                    

BEHIND THE SUICIDE CASE
—@GSLA.

       Nakuha ng atensyon ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa labas ng classroom namin. Kung pagbabasihan ang kanilang itsura ngayon, para bang may hindi magandang nangyari sa loob.

       Nilapitan ko kaagad si Rena na ngayo'y humahagulgol. “Anong nangyari doon sa loob?” I asked. She stared at me for a while before pulling me for a hug. Nagulat ako pero niyakap ko nalang din siya pabalik.

       “What's wrong?”

       “Teacher Gonzales committed suicide,” she cried. Napatakip ako ng bibig ko dahil sa balita. She committed suicide? But why?

       Hindi na ako nag-aksaya ng segundo at nakisingit sa mga estudyanteng nagkukumpulan. Paparating pa raw ang mga pulis kaya sinamantala ko na ang pagkakataon habang pwede pa akong makapasok sa loob.

       I sneaked in the right wing window and successfully entered the classroom.

       Pinigilan ko kaagad ang mga luha ko nang makita ang bangkay ni ma'am sa desk niya. Tuyo na ang dugo na nagkalat sa mesa at sa damit niya ngunit nandoon pa rin ang kutsilyong hawak-hawak niya na nakatarak sa kanyang sikmura.

       'I'm sorry but I can't handle it anymore.'

       Iyon ang nakasulat sa papel na nakaipit sa kaliwang kamay niya. Pinagmasdan ko ang paligid. Sabi nila suicide ang nangyari pero pakiramdam ko parang mayroong mali.

       I think this is a murder covered as suicide.

       Kasi sa pagkakaalam ko left-handed si Ma'am Gonzales pero bakit kanang kamay niya ang nakahawak sa kutsilyo? There is surely a foul play here.

       Nilibot ko ang paningin sa loob at sinuri ang ilang bagay.

       Maingat kong kinuha ang kalendaryo na nasa sahig gamit ang sarili kong panyo at kumunot naman ang aking noo dahil sa mga petsang nakabilog doon sa buwan ng Disyembre.

1, 4, 13, 19, 20, 22

       Kataka-taka din na nilagyan niya ng isa pang '5' ang tabi ng petsa cinco na may bilog rin. So it's 1, 4, 13, 19, 20, 22 and 55.

       Anong meron sa mga petsang 'yan? Is it a clue that will reveal the killer's identity?

       Sinubukan kong tignan ang mga araw sa petsang binilugan niya.

01 (Sunday)
04 (Wednesday)
13 (Friday)
19 (Thursday)
20 (Friday)
22 (Sunday)
55 = ?

       Kahit saang anggulo ko tignan, it doesn't make sense. Wala akong maisip kung anong ibig sabihin ng mga petsang iyon so I tried to distribute the numbers as letters.

01–A
04–D
13–M
19–S
20–T
22–V
55–?

       It doesn't make sense too dahil walang ika-55 na letra sa alphabet.

       I was on a deep thought when an idea came up in my mind. What if double letter pala ang ibig sabihin ng fifty-five at twenty-two? Maybe she added another five since there's no 55th day on December.

01–A
04–D
13–M
19–S
20–T
02–B
02–B
05–E
05–E

       I let out a deep sigh. I still can't read the letters though.

       Sandali akong natulala ngunit nabalik rin ang pag-iisip ko nang makita ang mga papel na nasa desk ni ma'am. Isa itong teacher's copy ng exam papers.

GSLA's OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon