23: Fallen Angel

46 28 1
                                    

FALLEN ANGEL
—@GSLA.

       Dahan-dahan akong pumasok sa likod ng nakaharang na barikada at pinagmasdan ang nakakalulang bangin sa ibaba.

       Gusto ko nang tapusin lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, gusto ko nang tapusin lahat at ito lang ang naiisip ko. Pagkatapos nito, lalaya na ako sa lungkot.

       'Jump Hestia, jump.'

       Tila may boses na bumubulong sa tainga ko na gawin ko na. Pinagpapawisan ako ng sobra, nanginginig na rin ang tuhod ko dahil sa kaba.

       Humakbang ako ng isang beses ngunit kaagad ding napaatras. Jusko, tama ba itong gagawin ko? Kapag ba namatay na ako, hindi ko na mararamdaman ulit ang sakit?

       “TALON!”

       May sumigaw na lalaki sa likuran ko at dahil sa gulat, nadulas ang aking paa kaya't owtomatikong napapikit na lang ako.

       Inaasahan kong babagsak na ako sa ibaba ngunit wala akong naramdaman. Binuksan ko ang mata ko at nag-angat ng tingin.

       Hindi ako nahulog.

       May kamay na nakahawak sa braso ko dahilan para hindi ako tuluyang mahulog.

       “Kumapit ka lang, hawakan mo ang kaliwang kamay ko,” utos niya at inabot sa'kin ang kanyang kamay. Hinila niya ako at pareho kaming napahiga sa lupa.

       Shit. Talagang ayaw ko pa ngang mamatay.

       Buti nalang at nahawakan pa niya ang kamay ko pero ponyeta! Siya rin ang dahilan kung bakit ako nadulas!

       “Lu nga pala,” aniya. Sinamaan ko siya ng tingin at 'di pinansin.

       “Niligtas na nga kita, ikaw pa 'tong galit?”

       “Ligtas mo mukha mo! Hindi naman ako madudulas kung hindi ka nanggulat! Muntik pa akong mahulog diyan sa bangin!”

       “Kahit hindi ako dumating kanina, tatalon ka pa din naman,” sagot niya na ikinatahimik ko.

       Suicide. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagpunta dito, dahil gusto ko nang tapusin ang buhay ko. Pero kung hindi siya dumating, tatalon nga ba talaga ako?

      “Natahimik ka ata?” tanong niya at tumawa.

       “Salamat.”

       Natahimik siya at sumeryoso. Noong muntik na akong mahulog kanina at kamay niya lang ang kinakapitan ko, doon ko naisip na ayaw ko pa'ng mamatay, doon ko naisip na importante pa ang buhay ko kaya utang ko sa kanya ang pangalawang buhay ko ngayon.

       “Bakit mo nga ba naisipang tumalon dito?”

       “Samo't-saring problema. Namatay si mama, tatay ko ay lasinggero, wala ng sumususpento kaya natigil ako sa pag-aaral at kanina lang, pinaalis na kami sa bahay.”

      “So, wala kang matutuluyan ngayon?” tanong niya at tumango ako bilang sagot.

      “Pwede ka sa amin, Hestia,” aniya. Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Saan niya nalaman?

       I frowned. “How did you get to know my name?”

       Tumawa lamang siya at umiling-iling. “It doesn't matter anymore.” Tumayo siya at hinila ako paalis doon.

       “Malayo ba dito 'yong tirahan mo?” tanong ko.

       “Hindi lang 'yon basta tirahan, kaharian ko 'yon,” sagot niya.

       Napahinto naman ako sa paglalakad at natatawang tinitigan siya. “Seryoso ka ba?”

       “Oo at gagawin kitang reyna ko doon.” Hindi man lang niya ako nilingon at patuloy lang siya sa paglalakad. Seryoso ba talaga 'tong lalaking 'to? Hindi naman siguro siya nakahithit?

       Dumaan kami sa isang eskinitang walang katao-tao. Hindi ko alam kung nasaan na ito basta sobrang tahimik lang ng lugar na ito. Huminto siya saglit at inabot sa harap ko ang botelya ng tubig na kaagad ko namang tinanggap at ininom.

       Hindi ko alam ang nangyayari sa akin basta bigla nalang akong nahilo at bumagsak sa lupa.

───•~❉᯽❉~•───

       Nagising ako na sobrang bigat ng aking mga talukap. Nilibot ko ang paningin ko at napagtantong nasa isang kuwarto ako.

       Anong nangyari sa akin? At nasaan ako?

       “Finally, you're awake.”

       Napaatras ako nang marinig ko ang boses ni Lu. Tila nakaupo lamang siya sa isa sa mga magarang silya na kaharap ng kama kung nasaan ako nakahiga. Hindi ko siya naaaninag dahil madilim ang buong kwarto ngunit ramdam ko ang presensiya niya.

       “Nasaan ako?” tanong ko at pinahiran ang butil ng pawis na namumuo sa noo ko. Sobrang init dito.

       “Nandito na tayo, Hestia...”

       Kumunot ang noo ko, dito ba talaga siya nakatira? Ang kurtina, ang magarbong silya at kumukinang na aranya—gawa lahat sa mamahaling bagay ang mga nandirito.

       Gumalaw ang hangin kasama ng mga abo. Lumitaw doon ang sarili kong repleksyon noong nandoon ako kanina sa bangin. Napatakip ako ng bibig dahil sa aking nasaksihan.

       Tumalon ako.

       Tumalon ako mismo doon sa bangin!

       “Naaalala mo doon kanina sa bangin? Hindi kita tinulungan. Talagang tumalon ka doon at namatay,” wika ni Lu.

       Nakita kong tumayo siya at lumabas sa kuwarto pero hindi ko nakita ang pagmumukha niya. Pinahiran ko ang luha ko at kaagad siyang sinundan sa labas ngunit laking gulat ko sa aking nadatnan.

      Daan-daang taong may sungay ang nakatayo sa harapan namin. Tumaas ang aking balahibo dahil sa kilabot at init na nararamdaman ko. Nilingon ko si Lu at mas lalo akong nagimbal nang humarap siya sa akin.

       Lumabas ang itim niyang pakpak at kapansin-pansin ang itim din niyang mga mata. Kumikinang sa kanyang sungay ang korona na nakapatong sa kanyang ulo.

       Lumapit siya sa akin kaya kaagad akong napaatras, ngunit nahuli niya ang kamay ko kaya nahila niya ako palapit sa kanya.

       Sabay-sabay namang lumuhod ang mga batalyon ng demonyo sa amin.

       Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at ngumiti sa akin. “Welcome to hell, my queen.”










✎◦。◦。◦。◦
Happy Halloween! Postponed ang house to house trick or treat:(

GSLA's OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon