Chapter 10

118 10 2
                                    

	MICH TOOK PHOTOS of the death threat written in Seri’s car

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MICH TOOK PHOTOS of the death threat written in Seri’s car. I made her drink some water so she can calm down. After a while, we all agreed to leave the car in the parking lot. Aside from the terror it brought to Seri, Mich said we can’t be sure that the car is safe.

We booked a grab instead and since we’re worried about her, we also stayed in her house for a while. Hindi namin pinag-usapan ang nangyari dahil gusto naming pakalmahin muna si Seri.

Kinabukasan ay hindi siya pumasok. Hindi na kami nagulat ni Mich dahil naisip naming baka hindi siya mapakali, baka iniisip nitong aatakihin na lang siya sa bigla sa university.

Panay ang text namin sa kaniyang kung ayos lang ba siya. Hindi namin mapigilang mag-alala kaya noong uwian ay pinuntahan namin siya sa bahay. Pinaakyat kami ng kasambahay sa kaniyang kwarto. Naabutan namin si Seri na nakahiga lamang sa kaniyang kama.

“Seri,” I smiled. “I baked a cake for you.”

She sat up and took the cheesecake I gave. Seri used the intercom to tell her maid to bring us utensils and plates. We moved to the coffee table near her balcony and decided to eat there.

The sunset view in here was majestic. We ate in silence while watching the sky changed colors. The wind blew hard, slapping our body with the cold. Two months to go and it will be Christmas again, no wonder the weather is getting colder.

Inilapag ni Mich ang kaniyang baso matapos uminom. Tapos ay marahan niyang hinawakan ang braso ni Seri. “Bruha,” mahina niyang tawag. ‘Di katulad dati na pasigaw at mataas ang kaniyang boses ‘pag sinasabi iyon. “Okay ka lang?”

Tumango-tango si Seri. Sinubukang ngumiti pero hindi umabot sa kaniyang mga mata. “I’m okay. Thank you, Michael.”

Nagkunwaring humagulgol ng iyak si Mich. “Hindi ka okay! Tinawag mo akong Michael!”

Doon bahagyang gumaan ang hangin sa aming pagitan. Saglit kaming natawa dahil sa pag-iinarte ni Mich, na alam kong ginawa niya lang para pasayahin si Seri.

Matapos ang saglit na biruan ay sumeryoso muli ang usapan. Hindi ko na napigilang magtanong sa kaniya dahil nag-aalala ako. “Seri, do your parents know?”

“I plan to tell them tonight,” she said.

Niyakap namin si Seri nang mahigpit bago kami umuwi. Inabutan ko siya ng pepper spray bago tuluyang humiwalay. Naalala ko kasing pang-self defense iyon at gusto kong may maipang-laban siya kung sakali man.

“Thank you, Dekko.” 

:::

Seri texted us that she’ll go to school today. Kaya maaga pa lang ay nag-aabang na kami ni Mich sa gate ng university. Gusto kasi naming palagi niya kaming kasama para mas mapanatag siya.

Inihatid si Seri ng kanilang driver. Umaakto siya nang normal na parang walang nangyari kaya mas lalo kaming nagtaka ni Mich. Noong dumating ang lunch time ay hindi na namin napigilang magtanong.

Wash and DryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon