"Napakainit naman kasi ng uniform na'to kung nasa loob lang tayo ng room ok lang eh jusko pag nasa labas na."
"Ang dami mong reklamo, Lirah."
Kanina pa siya reklamo nang reklamo sa uniform namin eh sa ayun ang uniform eh anong magagawa?
"San tayo kakain?" Tanong ko sa kanya, wala na din naman kaming klase and it's only 11:30 masyado pang maaga para umuwi.
"Sa pinggan" pamimilosopo niya.
Nakakaubos talaga ng pasensya kausap si Lirah kaya minsan nagsisisi ako na sa kanya ako sumama dito sa Lyceum. Sila Rana at Kai kasi ay sa EAC nag-enroll sa hindi ko malamang dahilan ay humiwalay sa amin, baka ayaw nila kasama si Lirah? idk hahahaha Dalawang taon na kami magkasama dito ngayon ko pa ba siya susukuan?
Ang ending din ay nagpunta na lang kami sa mall niyaya din namin si Rana at si Mikaila pero may klase pa daw sila kaya hindi sila pwedeng lumayo.
Sa Jollibee na lang kami kumain dahil nagki-crave daw doon si Lirah, mapagbigay naman ako kaya kahit sawang-sawa na ako sa manok eh pinagbigyan ko na siya.
"So, kumusta naman kayo nung friend ng kuya mo?"
"Si Ethan? wala suplado." I answered without looking at her
"Ay inignore ang beauty mo?" Natawa ako sa sinabi niya kasi medyo totoo
"Oo eh, hindi daw niya ako type." This time si Lirah naman ang tumawa ng sobrang lakas.
"What the heck, first time yun ahh. Kinakarma ka na ata sa pagiging picky mo."
"Bakit? Kailangan ba kung sinong nandyan sunggaban ko agad? eh sa siya yung type ko eh wala naman siyang magagawa duh."
"Baka may girlfriend?" I Shrugged.
"Not sure pero parang wala naman, nakalkal ko na lahat ng social media niya hanggang sa kadulu-duluhan."
"Ay wow Gabby, dyan naman talaga ako bilib sa pagiging certified stalker mo, legendary!" I flipped my hair para ipakita sa kanya na proud ako sa sinasabi niya tungkol sa akin.
"I heard you're hitting with Ethan's friend sino ng ulit yun, Bryan ba?" Tumahimik siya at pinagpatuloy ang pagkain na parang walang narinig. "Mabulunan ka dyan sa kinakain mo, bakit hindi mo akalaing malalaman ko kalandian mo?"
"No comment muna ako sis, baka imbes na love life na mausog pa!"
"Ewan ko sa'yo."
"Anong year na nga ulit ni Ethan saka anong course?" I know she's just trying to change the topic, hindi ko na pinansin because it's obvious that she doesn't want to talk about it.
"4th year, Computer Engineering."
"Ay bakit hindi na lang siya nag cruiseline?" I raised my eyebrows at her
"Pakelam mo ba? mapagdesisyon ka. kumain ka na lang kaya dyan!"
"Suplada mo, may regla ka ba?"
BINABASA MO ANG
Twitter Serye #1: Serendipity
RomanceGabriella Dela Cruz, a renowned model and brand ambassadress, finds herself unexpectedly reunited with Ethan Meechael Paz for a project after a prolonged five-year hiatus. Their prior separation stemmed from familial intervention, as Gabriella's old...