Chapter 11

103 5 1
                                    

Tinalikuran ko na si Ethan at palabas na sana ako ng pinto nang biglang dumating yung tatlo.



"Oh san ka pupunta?" Gulat na tanong ni Andrei dahil muntik na kami magbungguan apat.




"Uuwi na." Lalagpasan ko na sana sila pero naharangan nila ako.



"Anong uuwi kakabalik nga lang namin oh, may dala kaming pagkain, akin na nga yan!" Kinuha ni Rana sa akin yung puppy tapos tinulak ako ulit papasok ni Andrei at Lirah.



Tatawa-tawa lang si Ethan na naka-upo sa couch habang pinapanood kaming apat. Nag-eenjoy ka sa nakikita mo gHorl?!



"May name na?" Tanong ni Rana sa akin, umiling lang ako.


"Snowy" Sagot ni Ethan, I looked at him with embarassment in my eyes.


Snowy... cute naman pero parang mas cute kung snow lang.



"Let's drop the letter "Y" and call her snow!" Iniwas ko ang tingin sa kanya saka nag feeling busy ako kakakulit kay snow.



Why are you being like that Gabriella? Masyado kang na-excite kanina reasonable naman siguro yun kaya you accidentally and unintentionally kissed him, come on! Go back to your sense my gosh!!



"Snow? Arte naman manang-mana sa amo!" Binatukan ako ni Lirah pero syempre hindi ako nagpatalo hinampas ko siya sa hita dahil bigla siyang tumayo para lumapit sa lamesa at kumuha ng pizza.



"Kain na tayo!" Tawag sa amin ni Andrei nung maayos na niya yung dalawang box ng pizza, nachos and chicken wings sa lamesa.



"Mag batangas naman tayo pag uwi ni Kai." Yaya ni Rana habang kumakain ng chicken wings.




"Ang tanong kung nasa mood yun magswimming." Tatawa-tawang sagot ni Lirah




Next week uuwi si Mikaila and malapit na din ang pasukan namin. Every year talaga nag-suswimming kaming apat, si Andrei naman kasi after graduation nung HS ay nagmigrate na kaya hindi na namin nakasama ngayon na lang ulit.





"Sama ka Ethan ha, sama mo si Bryan." May pang-aasar kay Lirah na sabi ni Andrei, I saw how Lirah raised her eyebrows to him.




Ethan just smiled and nodded.




"Hoy anong inarte mo dyan 'bat kanina ka pa nananahimik." Bati sa akin ni Rana nung mapansin na hindi ako nakikisali sa usapan nila.





"Ha? Wal--"




"Masakit ulo niya, kanina pa yan eh diba?" Pinanlakihan ako ni Ethan ng mata kaya sinakyan ko na lang. Siguro he's trying to save me. "Hatid na kita gusto mo?"




"Ayos ka lang girl?" Tanong ni Lirah na may pag-aalala.




"Huh ah oo, masakit lang ulo ko."



Ewan ko ba, hindi na maalis sa isip ko yung ginawa ko para akong nawala sa focus hahaha. Awkward, na-awkwardan ako at gusto ko na lang din talagang umuwi.




Tumayo na ako at naghugas ng kamay kinuha ko yung sling bag ko at si Snow saka ako nagpaalam na sa kanila.
Lumapit muna ako kay Andrei to inform him about my goodnews.



"You need to go to DCGC and talk to my mom, she'll grant you a full scholarship." I whisphered.



I saw Andrei's face light up upon hearing the good news.




Twitter Serye #1: SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon