"Pa-fall!" Nilagpasan ko na si Ethan at sumakay sa kotse namin.
I can't understand him, sometimes ok siya pero most of the time hindi. Maybe he's just being nice kasi nga kapatid ako ng friend niya.
After their Graduation ay hindi na kami nagkita pa ni Ethan, minsan kinukulit ko siya sa chat pero pag pakiramdam ko ay nakaka-istorbo at gulo na ako, tumitigil din ako.
"So kilala mo talaga sila Ethan?" I asked Lirah in a very very calm way dahil alam kong hindi siya komportable pag-usapan ang bagay na 'to.
"Yeah." Maikling sagot niya. Nagpasama siya sa akin ngayon bumili ng luggage na gagamitin niya sa vacation nila sa Thailand hiniram daw kasi ng ex ng kuya niya yung maleta niya naghiwalay na lahat lahat and hindi pa naisoli nahihiya naman daw siya kunin kaya she needs to buy a new one.
"Bakit tinago mo sa akin?"
"Hindi ko tinago sa'yo ok? hindi ka lang nagtanong." Ang galing din talaga minsan ni Lirah mangatwiran.
"Kung tanungin mo ako before about Ethan parang hindi mo kilala yun pala connected ko naman talaga sa kanila."
"Not literally connected with them, babe. Kaya ko lang din naman sila nakilala dahil kay Bry but that's it. Pwede let's not talk about that?" busy pa din siya magtingin ng luggage doon.
"You sure you're ok?"
"I'm ok. Sasabihin ko sa'yo kung hindi." Hindi na ako nagtanong sa kanya.
Kahit naman kasi bestfriend ko siya hindi ko talaga inugaling magtanong about sa personal life niya may principle ako na if someone wants to tell you something sasabihin nila yun sa'yo without asking but syempre if obvious naman na may problema yung mga kaibigan ko nagtatanong ako I can feel it if they really ok or not but then like what I've said I respect their privacy. I myself din kasi there are things na gusto ko lang sarilinin.
Kumain lang kami sa bonchon tapos bumalik na kami sa house nila Lirah. Nagyaya kasi sila Rana mag bar and since we do not have anything to do ayun bar na lang. After ni Lirah mag-ayos umuwi na kami sa bahay ko para ako naman ang magpalit ng damit.
"Where are you going, young ladies?"
Shit. Naabutan pa ni Mommy.
"Ah mag bar lang sana kami, tita if that's ok with you." Lirah smiled to my mom.
"Ok, drink responsibly. Anong oras uuwi Gabby?"
"Bukas na ako uuwi, bye mom." Bumeso na ako kay Mommy ganon din si Lirah tapos umalis na kami.
Nasa bar na sila Rana at nakainom na din.
"Gabby!!!!" Hindi pa man ako nakakalapit ay tumakbo na sa akin si Andrei at saka dumamba sa akin muntik pa kaming bumagsak buti na lang at nasalo kami nung lalaki sa likod ko.
"Careful" He said.
"I'm sorry."
Nilagpasan na ako nung guy kaya binaling ko na ang atensyon kat Andrei
"Kailan ka pa naka-uwi?" I hugged him tapos hinila na niya ako pabalik sa couch namin.
"Kanina lang." Kinuha niya yung baso niya saka uminom
BINABASA MO ANG
Twitter Serye #1: Serendipity
RomanceGabriella Dela Cruz, a renowned model and brand ambassadress, finds herself unexpectedly reunited with Ethan Meechael Paz for a project after a prolonged five-year hiatus. Their prior separation stemmed from familial intervention, as Gabriella's old...