Chapter 1

372 25 3
                                    

May lakad kami ng mga kaibigan ko ngayon. My husband's sitting on the edge of the bed while looking at my reflection on the mirror.

"Love, baka gabihin ako ng uwi. Don't wait for me if ever. Matulog ka ng maaga. Hmm?" I reminded him.

"Yes po. Masusunod." He said while making a salute gesture.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Text me if your bored, or call me. I love you." I said before turning my back at him.

I heaved a long sigh and force myself to smile. It's okay, Coral. It's okay. Nandoon pa rin naman siya pagbalik mo.

"Coral! Long time no see. Are you fine now?" Bati ni Ella pagkakitang-pagkakita sa akin.

"I'm perfectly fine, Ella. Why are you even asking that?" I said while laughing.

"'Di ba... last month-"

"Nasaan na si Julie?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Malapit na daw siya. Saan ba tayo?" Naliliit ang matang tanong niya.

"I don't know. Bahala na kung saan tayo dadalhin." I shrugged.

"But are you really fine now? You look... tired. Pwede ka namang magsabi sa amin, sa akin." Puna niya.

I smiled widely and raise my brows. "Let's not talk about it, Ella."

Pigil ko sa gagawin niyang panguusisa. Just by hearing the word fine... naninikip na ang dibdib ko. Bakit ba pinipilit nila akong magkwento? Ayoko nga, mahirap bang intindihin iyon? Maayos na ako, bakit hindi sila naniniwala? Magtatanong sila tapos hindi maniniwala. Kalokohan.

"Babalik na rin ako sa work next week. Pakisabi kay Sir, pasensiya na talaga." Paalala ko sa kanya. She awkwardly nodded and smiled.

I sighed and start fidgeting with my phone. Wala naman kasi akong sasabihin na. Baka mamaya kung saan pa mapunta ang usapan.

They're my friends for like, 10 years. Since collage magkakaibigan na. Secrets are easily said for us, lahat naoopen na parang hindi big deal iyon. Of course, magkakaibigan, e. Nagdadamayan, sabi nila. Pero ngayon mukhang hindi ko kaya. Siguro sa susunod na araw, buwan o taon, pero hindi ngayon.

I feel guilty too. I shut people down for the past month. Walang kinausap, walang pinaramdaman, walang kinita.

Pero anong magagawa ko? Gusto kong mapagisa, e. Gusto kong makasama pa ang asawa ko.

"Beshyyyyyy!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang sigaw ni Julie. Nagkatinginan kami ni Ella at sabay na natawa. Walang pinagbago ang bunganga, armalite pa rin sa sobrang lakas.

"Tone down your voice, Julie. Maraming tao." Saway ni Ella.

Ngumuso si Julie at pabiro kaming hinampas. I winced and jokingly glared at her.

"Kanina pa kayo? Aga niyo naman. Miss na miss niyo ko?" Sunod-sunod na sabi niya.

"Ikaw? Oo. Bunganga mo lang hindi." Nakairap na sabi ni Ella. Natawa ako at kumapit sa magkabilang braso nila.

"Tara, pasayahin niyo ko." Pabirong sabi ko.

Saglit silang natigilan at nagtinginan. Pilit akong ngumiti habang nasa unahan lang ang tingin.

"Let's go!!"

Hindi ko alam kung saan kami napunta. Ang alam ko lang, maganda dito. It's a garden. Ang mga bulaklak ay napakalma ang maingay kong utak. Saglit na natanggal ang paninikip ng dibdib ko.

"Wow, ganito pala kapag walang plano 'no?" Pabirong sabi ni Julie.

Natawa kami at tumango. "Mga feeling busy kasi kayo. Laging may ginagawa. Kesyo ganito, kesyo ganiyan." Reklamo ni Ella.

Ganoon talaga. Hindi naman na kami mga bata para magpaeasy lang. Kailangang magtrabaho para makakain at may maipanggastos.

"Pakasalan mo na kasi ang boyfriend mo para hindi ka laging alone diyan. Arte, e."

"Hoy, dalawa na kaming palaging magkasama ngayon ni Coral. Doon ka na sa asawa mo!" Ella hissed.

Natahimik ako at pilit na ngumiti. Ella gasped after realizing her statement. Naitikom rin ni Julie ang bibig at nag-iwas ng tingin.

Ngumiti ako at nauna ng maglakad. "Tara! Tingnan natin 'yung nasa dulo!" Masiglang sabi ko.

Nilibot ko ang tingin at nakangiting nilanghap ang sariwang hangin. Hmm, It's been a while since I've felt this peacefulness. Ang sarap sa pakiramdam. Parang nakalaya ako sa lahat.

"Saan ka na nakatira ngayon, Coral?" Takang tanong ni Ella.

"Sa condo ni Gio, doon kami nakatira." I answered unconciously.

"Sa condo niya? Bakit doon?"

"Bakit hindi doon?" I asked back.

"Hindi ba iyon ibebenta ng pamilya niya? Or what?" Tanong ni Julie.

"Hindi. Wala pa naman silang sinasabi sa akin."

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan naming apat. Ako, dahil walang sasabihin, sila, dahil mukhang alam na may ayaw akong pag-usapan.

"Sinong kasama mo sa condo? Mag-isa ka?" Lakas-loob niyang tanong.

"Si Gio, sino pa ba?"

Kumunot ang noo nilang dalawa at akmang magsasalita pa ng unahan ko na sila ng pagtawa.

"Saan tayo nito pagkatapos?" Pagbabago ko ng usapan.

"Hmm, kain nalang tapos uwi na rin. Hinahanap na ako ng mag-ama ko." Julie said while scratching his head.

Dumiretso kami sa malapit na restaurant matapos mapagod sa kakaikot sa garden na pinuntahan. Marami silang kinukwento habang ako, tahimik lang na nakikinig sa kanila. Wala naman akong ikukwento.

"Nakakapagod nga, lalo na kapag gabi na't iyak ng iyak si Abby, puyat kaming mag-asawa palagi." Rinig kong kwento ni Julie.

I smiled at the thought of me and Gio taking care of our child. Mukhang hindi ko naman maiisip ang pagod noon kung sakali, lalo na kung nakikita ko ang mukha ng anak ko. I'll gladly have a consecutive sleepless night just to carry my child.

"Kaya nga natatakot din akong mag-asawa. Nakakatakot manganak, nakakapagod pang mag-alaga." Giit ni Ella.

Ngumiwi ako. "Worth it naman ang pagod kung sakali, Ella. Lalo na kapag lumaki na at successful ang anak mo." I said.

"Iyon nga. Pero hindi pa talaga ako handa." Ella muttered while pouting.

"Hmm, sabagay. Kapag nagkaanak ka na, tawag ka lang sa akin. I'll help you." Julie offered.

Lumawak ang ngiti ni Ella at tumango na parang bata. "Thank you!"

Pagkauwi sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Naabutan ko ang asawa na nasa ganoon parin na pwesto.

"Gio, I'm home."

Agad niya akong nilingon at nginitian. "Did you enjoy your day?" He asked.

"Yes love. I did. Pumunta kami sa garden tapos ang daming flowers na ngayon ko lang nakita."

Tuloy-tuloy ang pagkwento ko, hindi katulad kanina na madalas ay tahimik lang ako. Si Gio naman ay nakangiting nakikinig lang sa akin at minsan ay tumatango pa.

"I'm glad you enjoy. You should do that often. Go out with your friends."

"Mas gusto kong dito lang sa bahay at kasama ka Gio." Malambing na sabi ko habang nakayakap sa bewang niya.

Hindi na siya sumagot at mabagal na hinaplos ang buhok ko. I sighed and smiled widely.

Kahit na naninikip ang dibdib ko, masaya pa rin ako. Nandito kasi siya, nandito pa rin sa tabi ko.

Mi Amor (Completed) Where stories live. Discover now