Maaga akong nagising para magluto ng agahan naming mag-asawa. I smile at the sight of my husband peacefully sleeping beside me. Hindi ko pinansin ang paninikip ng dibdib at ang luhang umaambang tutulo. Masaya ako, masaya ako na hanggang ngayon ay nagigising pa rin akong nasa tabi siya.
"Don't cry, Coral. You've cried enough. I don't want to see you crying." My husband muttered, still eyes are close.
I sniffed and readied my wide smile. "Good morning love."
Marahan niyang iminulat ang mga mata at ngumiti. "Tinititigan mo na naman ako. I'm feeling shy, mi amor."
"Hindi ka pa rin nasasanay? Kung pwede nga lang ay hindi ko na tanggalin ang paningin sa'yo. Para hindi ako palaging natatakot." Mahina ang pagkakasabi ko sa panghuling sinabi.
"You shouldn't feel afraid, mi amor. Hindi ako aalis hangga't wala kang sinasabi."
Marahan akong tumango at ngumiti. "Mahal kita, Gio. Mahal na mahal."
Mahina kong sinabi iyon, pilit na pinipigilan na maluha. My heart is clenching painfully. Itinago ko iyon sa pamamagitan ng pagngiti.
"I love you," malambing na ibinulong niya iyon sa tenga ko.
Nawala ang bigat sa dibdib ko.
Ayos lang naman ang ginagawa ko hindi ba? Hindi naman masama, wala naman akong tinatapakan na tao. He's willing too.
Ititigil ko siguro 'to kung mapapagod na siya, o kung tanggap ko na. Sa ngayon, hahayaan ko muna ang sarili na maramdaman siya, na makasama siya, na mahalin niya, na makita siya.
"What are you thinking?"
Napakurap ako at agad na ngumiti. "Wala po. Magluluto na muna ako. You should sleep again. Napuyat ka kakaantay sa akin."
Tumango siya at hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Erase you doubts and fear for now, mi amor. I am here. Dito lang ako palagi sa tabi mo. Always remember that, hmm?"
"Okay, love. Sleep na."
Nang ipikit niya na ang mga mata ay nawala na ang ngiting nakapaskil sa labi ko. Nanginginig na iyon ngayon at pilit itinatago ang hikbi.
Tahimik na nagpunta ako sa kusina para magluto. Naluluha pa rin at bahagyang nanghihina. Kailan ba ito titigil? Hindi na ba mawawala ang sakit na nararamdaman ko? Napapagod na ako.
Kinuha ko ang cellphone na tumutunog at humugot ng isang malalim na hininga bago iyon sinagot.
"Ma," I greeted.
"Hindi ka manlang ba magpapakita dito, Coral? Isang buwan kang walang paramdam sa lahat. Nagaalala na kami sa'yo. Kahit isang tawag lang, Coral." Humihikbing sabi ni Mama sa kabilang linya.
"Sorry po. I just want to be alone for now. Bibisita rin po ako diyan. Huwag na po kayo umiyak."
"Anak naman. Hindi mo naman kailangan magtago, o lumayo para mapag-isa. Hahayaan ka naman namin, makulong ka sa kwarto, o kaya diyan sa condo ni Gio. Hindi iyon aalis ka ng walang paalam at walang paramdam."
"Ma, sorry na. Hindi na ako uulit." Pangaalos ko sa ina.
I heard my father soothing my mother. Napangiti ako ng mapait.
"Stop crying Ma. Maiiyak din ako. Ayoko na po umiyak." Garalgal ang boses kong sabi.
Mas napahagulgol si Mama sa sinabi ko. Napapikit ako ng mariin at marahang sinapo ang dibdib.
Ang sakit.
Gusto ko na 'tong mawala pero hindi ko alam kung paano. Napapagod na ako, pero ayokong sumuko. Ayoko.
"Ma naman," marahan kong sabi. "Pa, si Mama." Tawag ko kay Papa. Alam ko namang naririnig niya dahil katabi niya lang si Mama.
"Hayaan mo muna ang Mama mo na umiyak, Coral. Alalang-alala kami sayo, kung sana nagpaalam ka manlang."
"I'm sorry po." I weakly muttered.
Nakakapanghina. Lahat sila gustong sa kanila ako sumandal. Lahat sila gustong maging maayos ako. Lahat sila sinasabing nandiyan sila para sa akin.
Pero isa lang naman ang gusto ko..
Isa lang ang gusto kong sandalan...
Siya lang ang magpapaayos sa akin...
"Love..." A soft voice called.
Agad kong nilingon iyon at tinakbo ang pagitan namin. Nanghihinang pinatay ko ang tawag at humagulgol sa dibdib niya.
Why am I hurting like this? Hindi ba pwedeng maging masaya naman ako?
"Shhh, I'm here." He whispered on my ear.
Mas lalo akong napahagulgol.
"Don't say that. You know you're not." I hissed.
"I'm sorry."
"Don't leave me, love. Please..." I begged.
"I won't, mi Amor."
"Liar."
Ilang minuto rin akong umiiyak sa dibdib niya habang siya ay pilit akong pinapakalma.
I sighed and look at his face. Mukha niyang walang buhay, ngiting walang buhay, boses na walang buhay. Gusto niya na bang umalis? Iiwan niya na ako?
"Napipilitan ka na lang ba? Napapagod ka na?" I asked.
"No."
Hindi. Hindi pwede. Dito lang siya. Hindi siya pwedeng umalis. Mababaliw ako.
"You love me right?"
"I do."
"Then don't leave."
"I won't, mi amor. Stop thinking like that. Hmm?"
How? Paano ba? Hindi ko alam. Dahil alam kong hindi naman matutupad lahat ng sinasabi niya.
Tahimik kaming kumain ng umagahan. Panay ang hinga ko ng malalim, I don't want to break down again. Mugto na naman ang mata ko. Mabuti at hindi ako nauubusan ng tubig sa katawan.
Matapos kong kumain ay niligpit ko na ang lahat ng nasa hapag. Nakatingin lang siya sa akin at tila tinitimbang ang emosyon ko.
Hindi na niya kailangang timbangin, halata namang mas lamang ang sakit at lungkot sa buong pagkatao ko.
"Why are you looking at me like that?" I asked.
"I miss your smile." He muttered.
Ngumiti ako, pinakita iyon sa kanya. "I'm smiling. Nangiti rin naman ako palagi."
"You know that's not what I'm saying, mi amor." Nanliliit ang matang sabi niya.
Nawala ang ngiting inilagay ko sa labi. Bagsak ang balikat na lumapit sa kanya at umupo sa kandungan niya. Inilabas ko ang phone at itinapat iyon sa amin.
"Let's take a picture."
"Again?" Nakasimangot niyang sabi.
Tumango ako.
Day 32. A day with my husband, my love, my Gio.
I need to capture this. Mahirap na. Ayokong makalimutan.
"Ngiti na.. pleaseee!" Nakanguso kong sabi. Pinagdikit ko pa ang dalawang palad at kumurap-kurap.
Nagbuntong hininga siya at ngumiti. "Fine."
Kahit mugto ang mga mata ay ngumiti ako sa camera. I even pinch my husband cheeks while winking at the camera. Ngiwi ang mukha ni Gio na nakuhanan.
Humagalpak ako ng tawa at pinakita sa kanya iyon. Pero imbis na sa litrato tumingin, sa mukha ko nanatili ang mga mata niya.
"That's the smile I'm missing, mi amor."
YOU ARE READING
Mi Amor (Completed)
Short Story"Can you let me go now?" "Give me one day... just one day my love." Date Started : June, 21, 2020 Date Finished : June 24, 2020