He's gone.
Yes. That's the fact.
"Gio, hindi ko pa kaya. H'wag muna." I begged. "Kahit tatlong araw na lang, o kaya dalawa. Huwag muna ngayon. Please."
A small smile appeared on his lips.
"I already told you, mi amor. Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi."
Mas lalo akong napahagulgol doon. Matapos iyon sabihin ni Mama ay iniwanan ko na sila doon at umuwi dito sa condo.
Napapagod na ako. Napapagod na akong marinig ang mga salitang iyon. Kung pwede lang burahin ang salitang iyon ay ginawa ko na.
"Let me just feel you for days. I'll let go. I promise. One of these days, I'll do that." I said.
"Stop crying. You know that I hate to see you crying. How many times do I need to say that?" He said while caressing my cheeks.
"If you decided to make me at peace, please don't cry, smile. Smile and think of you future ahead. A happy and beautiful future. Kahit hindi ako ang kasama, kahit wala ako. You need to be happy, Coral. Hindi lang dapat sa akin umikot ang mundo mo."
I know that. Alam ko. Pero ayoko pa. I'm afraid. Ayokong mawala siya sa paningin ko. Ayokong iwan niya ako. Basta ayoko.
Fate made me meet him, made me love him, made me feel his presence kaya bakit ang bilis naman binawi? Hindi ko ba deserve? Naging masama ba akong tao?
Iyon lang naman ang hiling ko, ilang beses ko ng nasabi. Iyon lang. Bakit hindi maibigay? I prayed sincerely, I prayed... pero bakit? Bakit ayaw ibigay? Kulang pa ba?
Luluhod ako sa simbahan, kahit ilang araw pa, basta ibabalik siya sa akin. Iyon lang naman ang gusto ko. Kahit mawala na lahat sa akin, trabaho, pera, kuhanin na niya lahat, huwag lang si Gio. He's my life. My love. My Gio.
"I love you, mi amor." I whispered.
"Mahal na mahal kita. Mahal na mahal."
Kahit ilang beses kong sabihin iyon... wala pa rin namang mababago. He's still gone. I'm only with his ghost, his soul, in my mind, in my heart, hindi ko pinapatahimik dahil ayoko pa.
"I should skip work for days. I want to be with you."
Tumango lang siya at ngumiti. "Do what you want, mi amor."
Nakatulog ako matapos mapagod sa kakaiyak. Pagkagising ko naman, tawag ni Ella ang bumungad sa akin.
"I heard what happened in your house. Are you okay?"
"I'm fine."
As usual. Wala naman silang ibang maririnig sa akin kung hindi iyon.
"Punta kami diyan ni Julie. Inom tayo. Nasabi ko na rin kay Dade na hindi ka makakapasok. And I'm right 'di ba?"
Mahina akong natawa at tumango na parang nakikita niya.
"You're right!"
"Gusto mo bang magspirit of the glass tayo tapos tawagin natin kaluluwa ni Gio, iapasanib natin sa ibang katawan." Pabiro niyang sabi.
Agad siyang napasinghap at nagmura. "Biro lang Gio. Sumalangit nawa ang kaluluwa."
I chuckled and look at my Gio sitting on the bed. I mouthed my I love you and smiled at him.
"Hindi na kailangan, Ella. Baka himatayin ka pa."
"Truly. Baka ako naman ang mawala nako, iiyak kayo."
"Sino may sabi?" I joked.
"Ay, okay ka na teh? 'Di na broken? Batukan kita, e." She hissed. "Otw na kami. H' wag ka na magluto. May dala kaming food. Sabihin mo salamat. Ay mamaya nalang pala. Sige na. Babye na nga. Sabihin mo ingat. Nakakahiya naman kasi sa amin." Dire-diretso niyang sabi.
Ito ang sinasabi ko. Hindi kami matatapos sa ilang minutong tawagan lang dahil sa kadaldalan nila.
"Ingat kayo, napilitan lang ako." Sabi ko sabay baba ng tawag.
Natatawang nilingon ko si Gio at agad na kinuwento ang mga sinabi ni Ella sa tawag.
Kapag bumitaw na ako, hindi ko na magagawa 'to. Wala na akong makukwentuhan ng mga bagay-bagay. Wala ng makikinig sa kwento ng araw ko.
"You can still tell me your day even if I'm not here, mi amor. Magkwento ka lang kahit wala kang kasama. Nakikinig ako, makikinig ako, pangako." He said.
"You can read mind now too?" I joked.
"No, I just love you so much to know everything you're thinking."
I smiled and nodded. I know. I love him too. So much that I can't let go.
Umingay ang buong condo ng dumating ang dalawa kong kaibigan. Pagkapasok na pagkapasok palang sa pinto ay agad na nagdire-diretso ang bunganga nila sa kakasalita. No wonder hindi namamaho ang mga hininga nila. Hindi natetenga, e.
"Alam mo, Coral. Maganda ka naman, may mamemeet ka pang iba. Malay mo, 'di ba?" Julie said.
"That's true." Gio whispered beside me.
Ngumiwi ako. I know that also. Hindi ko naman inaalis ang possibilities na iyon. Kung dadating e' di sige.
"Kung bakit ba kasi siya pa ang napagtripan ng mga siraulong lalaking iyon." Halata ang galit sa boses ni Ella.
That's true. Matapos kaming ikasal ni Gio, dumiretso kami sa reception. Of course. Nahuli lang siya sa pagpasok sa venue dahil may sinagot na tawag. Tapos biglang, wala na. Nawala na siya. Literal na wala na dahil pinatay. Mga walang puso. Ni hindi nila naisip na maraming magsusuffer sa ginawa nila.
Ni hindi ako pinagbigyan ng kahit ilang araw lang. Agad-agad na kinuha, wala man lang babala.
"Bahala na si Lord sa kanila. Maybe that's destined to happened." Dagdag ni Julie.
"We are destined to meet and to part ways, ganoon? Ang harsh naman ng tadhana sa akin kung ganoon." I sarcastically said.
"That's truly harsh." Pagsang-ayon ni Ella.
"Malalampasan mo rin ang pace ng buhay mo na 'to. Ikaw pa. Alam kong iyon din ang gustong mangyari ni Gio. Love na love ka no'n, e."
"That's the truest truth," Gio whispered.
I smiled widely and nodded.
Give me days, days to accept the truth. Days to heal, days to let go.
"Maybe I'm destined to get hurt too." I uttered unconciously.
"You're destined to feel Gio's love." Julie said.
"Don't always think the negative outcomes, think something positive too. Like Gio's probably happy and at peace now. He can't be harmed." Ella tried to lift my mood.
But he's not at peace, and that's because of me.
YOU ARE READING
Mi Amor (Completed)
Nouvelles"Can you let me go now?" "Give me one day... just one day my love." Date Started : June, 21, 2020 Date Finished : June 24, 2020