Chapter 4

128 20 0
                                    

Gusto ko pa sanang panoorin sa pagtulog si Gio pero kailangan ko ng pumasok sa trabaho. Baka tuluyan na akong masisante kapag hindi pa ako pumasok. Isang buwan din akong absent. Though, may excuse naman ako.

I kissed the top of his head and bid my silent goodbye. Ayoko siyang istorbohin sa pagtulog.

Bago lumabas ng bahay ay hinanda ko na ang ngiti sa labi. Halos lahat ng kakilala kong nadadaanan ay nakatingin sa akin na mukhang nanguusisa. Ngiti lang ang isinukli ko doon. Hindi naman nila kailangan malaman ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Masyado silang mga chismoso't chismosa.

"Ella, papasok na ako. Nandiyan ka na ba? Anong sinabi ni Sir?" Agad kong sabi ng sagutin niya ang tawag. Rinig ko ang pagngisi niya. Nakikita ko sa utak ang pag-iling niya habang nanliliit ang mga mata.

"Good morning din girl. Salamat sa pagtawag. Walang hiya ka."

Mahina akong natawa.

"Dumiretso ka sa opisina mamaya, lagot ka kay Sir at oo nandito na ako."

Nagpasalamat lang ako bago ibinaba ang tawag. Kung hindi ko kasi gagawin iyon ay baka umabot na kami ng siyam siyam sa paguusap dahil sa sobrang daldal niya. Parehas na parehas sila ni Julie. Ako rin naman, madaldal, dati.

"Sir Lucas, magandang umaga po." Bati ko pagkapasok sa opisina.

"Long time no see," sarkastiko niyang bati. "One week lang ang paalam mo pero isang buwan kang nawala."

Nagyuko ako ng ulo at humingi ng paumanhin.

"But anyway, naiintindihan ko naman. Sana lang hindi na maulit iyon. Mukhang hindi ka pa kasi okay." Tumatango niyang sabi.

"Did you visit my brother?" Dagdag niyang tanong.

Hindi ako sumagot at ngumiti lang. "Magsisimula na po akong magtrabaho."

Nagbuntong hininga ako ng makalabas ng opisina. Lahat nalang sila sinasabing hindi ako okay. Alam ko naman iyon. Kailangan pa bang ipamukha?

Ah! I badly want to see mi amor right now! I already miss him.

"Oh, Korales. Anong sabi ni Dade?" Agad na tanong ni Ella pagkasalubong sa akin.

Itinaas ko ang isang kilay at pekeng tumawa.

"Hinahanap ka niya, Ella. Miss na miss ka na daw."

Ngumuso siya at mahina akong sinuntok sa braso. "Alam ko na iyon. Si Lucas talaga. Talagang sinabi pa sa'yo."

Si Lucas ang boyfriend niyamg hanggang ngayon hindi niya pa pinapakasalan. Lalampas na sa kalendaryo nagpapabebe pa.

"Sana marunong ka rin umintindi ng sarcastic, Ella. Nananakit ulo ko sa'yo." I said, exxagerated.

Humawak siya sa dibdib at nagkunwaring nasasaktan. Hinampas ko ang kamay niya doon at umirap.

"H'wag mo akong dramahan, Ella. Madrama na ang buhay ko, h'wag mo ng dagdagan."

Sandali siyang natigilan pero ngumiti rin kalaunan.

"Empi tayo mamaya, ano?"

Nasapo ko ang noo at umiling - iling. "Ang poor mo naman. Empi lang? Alfonso na."

"Arte mo. Ikaw bumili. Mahal mahal non!"

"Wala pang 500 'yon! Mapakakuripot mo. Isipin mo nalang kailangan iyon ng kaibigan mong broken para kahit papano 'di ka manghinayang."

Tuluyan na siyang natigilan doon at hindi na nakasunod sa akin. Umupo na ako sa pwesto ko at nagsimulang magtrabaho. Mabuti ma rin itong distraction para hindi masyadong maglilikot ang utak ko.

"Long time no see, Ms. Coral. Con-" pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay.

"Long time no see, magtrabaho na tayo."

Ito ang iniiwasan ko. Ayoko ng kinakaawaan ako ng tao. Ayoko na kapag nakikita nila ako, iyon ang una nilang binabanggit. Sobrang insensitive.

Nahihiyang nagyuko siya ng ulo at nagpatuloy sa pagtatrabaho.

Buong maghapon akong tutok sa trabaho. Hindi ko na napansin ang oras at hindi na nakapaglunch. Dali-dali akong lumabas sa building namin at dumiretso sa sasakyan ko.

"Hoy, Coral!" Rinig kong sigaw ni Ella pero kinawayan ko nalang siya at nginitian.

Nagaantay na si Gio sa condo. Baka nagugutom na iyon.

"Love! I'm home!" Malakas kong sabi pagkarating sa condo. Nakita ko ang paglabas niya sa kwarto at ang malaki niyang ngiti.

Patakbo akong lumapit sa kanya at yumakap.

"I miss you," I muttered.

I heard him chuckled and hug me back. "Ilang oras lang tayong naghiwalay, mi amor."

"Miss pa rin kita. Basta hindi kita nakikita kahit limang minuto pa 'yan o ano, namimiss pa rin kita."

"Kahit nasa banyo lang ako?" Natatawa niyang tanong.

Inangat ko ang tingin at ngumuso. "Kahit nasa banyo ka lang. Kaya lagi kang magpapakita sa akin. Hmm? Ayokong nawawala ka sa mga mata ko. Kapag uuwi ako, sasagot ka agad. Kapag tinawag ko ang pangalan mo, lalapit ka hmm? Mangako ka!" Parang bata kong sabi.

Hindi siya sumagot at iginaya na lang ang ulo ko sa dibdib niya. I sighed and close my eyes tightly.

Of course, Coral. Hindi pwede. Lahat naman hindi pwede.

"Napagod ka ba? Kumain ka ba sa tamang oras? Baka maghapon kang tumutok sa computer huh?" Sunod - sunod na sabi niya.

Natatawang umiling ako at ngumuso. "Nakalimutan kong maglunch love, and of course, maghapon akong nakatutok sa computer. Kailangan iyon sa trabaho ko e."

"Kasama ba sa trabaho mo ang hindi pagkain ng lunch?" Nanliliit ang mata niyang tanong.

I shook my head and chuckled. "Hindi po. Sorry na. Nawala lang talaga sa isip ko." Paglalambing ko.

Hindi nawala ang simangot niya pero iginaya na ako sa kusina. Hindi ako bumitaw sa pagkakayakap kahit na patalikod na akong naglalakad. Hawak niya naman ako kaya hindi ako matutumba.

"Magluto ka na, I'll watch you."

Tumango ako at nakangusong humiwalay sa kanya.

"Mahal kita Gio."

Ngumiti siya at tumango. "I know that."

Umismid ako at nag-iwas ng tingin. Nagsimula na akong magluto ng kakainin namin habang siya ay pinapanood lang ang ginagawa ko.

Nahinto ako sa ginagawa ng magsimula siyang kumanta.

Open your eyes
And know your free to come alive
You'll gonna live it while you can
You only get one life

Look to the sky
Don't ever let it passed you by
You'll gonna live it while you can
You only get one life
One life

Nangilid ang luha ko habang nakikinig sa malamig niyang boses na kumakanta. If fate doesn't want us together, then I'll do whatever I can para magkasama kami hanggang huli. Hindi ako papayag na may malalayong isa.

Magkamatayan na.

Mi Amor (Completed) Where stories live. Discover now