"Love, wake up." A soft voice muttered.
Marahan kong idinilat ang mga mata at ngumiti.
"Good morning," I greeted.
"Good morning, fix yourself now. You'll visit your family right?"
Napabalikwas ako ng bangon at antok na umungol. Right! I promised my parents that I'll visit them. And this is the day they pick.
"Doon nalang tayo mag-almusal. Tinatamad akong magluto."
Tahimik na bumangon na ako sa kama at dumiretso sa banyo. Nanatili namang nakaupo doon si Gio, inaantay ako.
"Do you think I need to dress?" I asked him.
Umiling siya at ngumiti. "I think no, but it depends on you. Ikaw naman ang magsusuot."
I decided to just wear a simple shirt and pants. Sa bahay lang naman ako pupunta. Hindi naman kami lalabas doon.
Alam kong malaki ang tampo sa akin ng parents ko. And I'm feeling guilty. Alam ko naman na pwede akong lumapit sa kanila, pero ayoko. Gusto ko ako lang, ako ang tutulong sa sarili kong tumanggap. Ayoko ng dumepende sa kahit na sino, lalo na ngayong... unti-unti ko ng natatanggap.
Nilingon ko si Gio na nakaupo pa rin sa kama at nakatingin lang sa akin habang may maliit na ngiti sa labi. Tumaas ang dalawang kilay niya sa ginawa kong paglingon.
I stared at him like I'm doing this for the last time.
Kahit isang linggo na lang. Isang linggong kasama siya. Isang linggong may Gio. Isang linggong may asawa ako. Isang linggong kasama ko ang mahal ko.
Huling tawad na. Pangako. Bibitaw na ako para parehas na kaming makalaya.
"What are you thinking again? You're so close to crying." He uttered.
Kumurap-kurap ako at ngumiti. "Nothing, mi amor. I just love you...so damn much."
A sweet smile escape on his lips. Napangiti rin ako at medyo gumaan ang puso. Kailan kaya siya mawawalan ng laman, laman na sakit at lungkot? I wish, that day will come, but I also wish not to. Ayokong mawala siya sa sistema ko, sa puso ko at sa isip ko.
"Ma, Pa!" I greeted. Patakbong lumapit sa akin si Mama at yumakap.
"Coral, anak!" She exclaimed. A soft chuckle escape on my mouth. Papa nodded at me and smiled.
"Miss na miss mo naman ako mama, isang buwan lang naman akong nawala." Pabiro kong sabi.
Isang hampas sa braso ang natanggap ko galing sa kanya. I winced in pain and chuckled.
"Aray ko, ma!"
"Are you okay?" She softly asked. Maybe weighing my emotion.
Emosyong hindi na kailangan timabangin dahil alam na alam naman na kung ano ang mas mabigat.
I fake a smile and nodded. "I'm fine mama."
That's what I should be right? To be fine. Dahil wala namang mangyayari kung hindi ako magiging okay. Walang mababago.
"I thought you're with someone?" Takang tanong niya.
I smiled and look at Gio on my side. I shook my head and wave my hand to disagree.
"Wala po, ma. May biglaang lakad."
Nagaalangang tumango siya at iginaya ako papuntang kusina. Sabay-sabay kaming kumain ng agahan noon. Maraming tanong si mama at papa sa akin na madalas ay hindi ko sinasagot. I really don't want to talk about anything right now. Pinipigilan ko lang magbreakdown. Alam ko kasing kakaawaan na naman nila ako.
"You're staying at Gio's condo right? Why not live here with us again? Para naman hindi ka nalulungkot kapag uuwi at walang naabutan." Mama suggested.
I shook my head. "No, mama. Someone's waiting for me there."
Kumunot ang noo nilang dalawa, halatang nagtataka sa sinabi ko. Sinong hindi?
"You have someone already?" Papa asked.
"Matagal na akong mayroon no'n Papa. Ano ba kayo." I jokingly said.
"Coral," sabi ni Papa sa mababang boses.
"Sino po ang nagluto nito? Si mama? Ang sarap naman! The best pa rin talaga!" I said to change the topic.
Nagbuntong hininga sila at pilit na ngumiti. I can see some pity on their eyes. Ayoko niyan. Hindi ko kailangan ng awa. Kung mababago noon ang nakaraan tatanggapin ko. Pero hindi, kaya ayokong nakikita iyon!
"Ako ang nagluto. Puro paborito mo pa iyan. Ang laki ng ipinayat mo Coral. Kumakain ka pa ba?" Nagaalalang tanong ni Mama.
"Kumakain ako, Ma. Sexy lang talaga ako." I joked.
"Hindi sexy ang tawag diyan, tingting. Tingnan mo nga 'yang mga braso mo, parang kaunting sanggi lang mapuputol na."
"Grabe ka naman, Ma. Hindi naman!" I hissed.
They both laugh and look at me intently after.
"How are you catching up, after that..." Papa weakly asked.
"Work, doon ko tinutuon ang pansin ko." Mabilis kong sagot.
"You need to moved on to move forward Coral." Papa said.
I smile sadly. "How can I do that? If I can, e'di sana hindi ako nahihirapan ngayon."
"I know it's hard. But you need to, kahit slowly lang Coral." Sagot ni Mama.
I look down on my plate and smiled. Hanggang kailan ako ngingiti para itago lahat ng sakit na nararamdaman ko? Hanggang kailan ako magpapanggap? Hanggang kailan ako kakapit?
"Do that, Love." Gio whispered beside me.
Napapikit ako ng mariin, pilit na pinipigil ang mga luhang gustong kumawala. Gagawin ko naman iyon, kapag handa na ako.
Isang linggo nalang naman ang hinihingi ko. Pagkatapos no'n, bibitaw na ako. I'll try to move forward. Susubukan kong umahon sa pagkakalunod.
H'wag nila akong ipressure dahil hindi madali. Lahat sila pinipilit na gawin ko iyon. Hindi pa nga ako handa! Ano bang mahirap intindihin doon? Gagawin ko naman iyon kapag kaya ko na. Hindi nila kailangang paulit-ulit aabihin sa akim dahil mas lalo akong nasasakal. Mas lalong ayokong bumitaw dahil lahat sila pinipilit na bumitaw na ako. Mas lalong ayokong humakbang paunahan dahil lahat sila pinipilit akong gawin iyon.
Gusto kong gawin iyon ng kusa. Hindi dahil iyon ang tama. Hindi dahil iyon ang sinasabi nila. Hindi dahil iyon ang dapat. Gusto kong gawin iyon kasi handa na ako, handa na akong bitawan ang lahat, handa na akong humakbang ulit paunahan para sa panibagong buhay.
"Hindi mo naman na mibabalik ang buhay ni Gio, Coral. Kahit ilang taon kang magmukmok o magtago sa kahit saan hindi no'n maibabalik si Gio." Mama said that makes my heart broke into pieces.
Iyan. Iyan ang iniiwasan kong marinig. Buhay pa siya, buhay sa puso't-isip ko. Kahit ilang beses nilang ipamukha sa akin na wala ang asawa ko, hinding hindi ko iyon kaagad matatanggap.
"He's gone, Coral. But the world won't stop spinning because of that." Dagdag niya pa.
Oo nga. Hindi tumigil sa pag-ikot ang mundo sa pagkawala niya. Pero ako, ang mundo ko, tumigil na sa pag-ikot kasabay ng pagkawala niya.
YOU ARE READING
Mi Amor (Completed)
Historia Corta"Can you let me go now?" "Give me one day... just one day my love." Date Started : June, 21, 2020 Date Finished : June 24, 2020