"That's the smile I'm missing, Mi Amor."
Nahinto ako sa pagtawa at napatitig sa kanya. I'm missing yours, more than you missed mine.
Ngumiti ako at ikinawit ang dalawang braso sa leeg niya.
"What do you want to do now, mi amor?" I asked him.
"What you want."
What I want? I want him to stay with me. Kahit wala kaming gawin. Kahit dito lang kami sa condo. Kahit na titigan ko lang siya maghapon. Basta kasama ko siya.
My smile slowly faded but I immediately put it back.
"Let's watch some movies."
Umalis na ako sa pagkakakandong sa kanya at nagpamewang sa harapan niya.
"Anong papanoorin natin?" I asked.
Bihira kami manood ng movies, kahit noong nagde-date palang kami. Palagi kaming nasa labas, minsan naman nagpu-food tasting sa mga bago niyang putahe. He loves cooking, kaya madalas iyon ang ginagawa namin. He, cooking, me, eating. That's our routine. My favorite routine.
"Midnight Sun," he suggested.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
"Saan mo nalaman iyan?"
"I've heard it from your friends," he said, forehead are creased.
I smiled and nodded. "Okay. Let's go."
Sabay kaming umakyat sa kwarto. Agad kong binuksan ang laptop at kinonect 'yon sa TV bago hinanap sa netflix ang movie na sinasabi niya.
Matapos i-set iyon ay pabagsak akong dumapa sa kama. Gio sitted on my side. Nakapahinga ang isang kamay sa likod ko.
I can't stop sniffing after watching the movie. Damn! Why is it so heartbreaking? Wala bang araw na hindi ako iiyak?
"You're crying again," natatawang sabi ni Gio.
Padabog akong umupo sa kama at hinampaa ang braso niya.
"Sisihin mo iyang movie. Kainis." Parang bata kong sabi.
"I didn't know, kung alam ko lang na nakakaiyak iyan 'di sana hindi na lang iyan ang pinanood natin." Nakangiti niyang sabi. Halatang natatawa dahil sa mugto kong mata.
Hinarap niya ang katawan sa akin at marahang pinunasan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya. His face is now void with any emotions.
"Palagi ka nalang umiiyak. Palagi ko ring nakikita." Mahina niyang sabi.
"It's your fault." I weakly said.
"I know, love. I'm sorry."
"And you're always sorry." Balik kong sabi. He stared at my face like he's staring at a shattered jar. Totoo naman, basag na basag na ako. Maski ako, hindi ko na mabuo ang sarili.
"I am the one who's hurting you. I want to apologize."
"I don't need you apologies. I only need you." I fired back. Natigilan siya at hindi nakapagsalita.
I smiled bitterly and cupped his face. "Hindi mo naman kasalana iyon Gio. Walang may kasalanan, Walang may gusto. I'm sorry kung nahihirapan ka."
"Kung may nahihirapan sa ating dalawa dito, ikaw 'yon Coral."
I closed my eyes tightly and shook my head. "Ikaw, mi amor. Hindi naman dapat magiging mahirap ang lahat ng nangyayari kung madali kong tinanggap."
I felt his lips land on my temple. A small smile escaped on my lips. I love the feeling when we're this close. Ayoko ng humiwalay sa kanya. Dito nalang ako.
"What do you want to do now?" He softly asked.
Inangat ko ang tingin sa kanya at ngumuso. "I want to eat, ikaw ang magluluto... sana. Kaso hindi naman pwede."
A flashed of unknown emotion appeared on his eyes. I gently caressed his hair and kiss the tip of his nose.
"It's okay, tho. Namiss ko lang ang luto mo. Isang buwan ko na ring hindi natitikman."
"I'm sorry," he whispered.
I smiled. "It's fine. Really."
I just missed the taste of his food. Namimiss ko na lahat. Lahat lahat.
Humiga ako sa kamay at hinawakan ang kaamy niyang nakapatong sa hita niya. Inangat ko iyon at pinaglaruan sa ere. Natigil iyon sa wedding ring namin.
I smiled and played with it.
Ang unfair ng mundo. Gusto ko lang naman maging masaya, masaya sa piling niya, pero hindi manlang ako pinagbigyan. Hindi ako hinayaan maranasan manlang kahit isang taon, isang linggo o kahit isang araw na lang.
Mabait naman akong tao. Wala akong nagagawang mabigat na kasalanan. Pero bakit iyong pinakamahirap at masakit pa na parusa ang ipinataw sa akin. Do i deserve this?
"I love you," I unconciously said.
Humiga si Gio sa tabi ko at ipinulupot ang braso sa bewang ko.
"Mahal din kita, mahal na mahal."
Lumaki ang ngiti ko at patagilid na humiga para maharap siya. Pinaunan niya ang isang braso sa akin.
"You're crying again."
Namilog ang mata ko. Kinapa ko ang pisngi at natawa ng mahina nang maramdaman ang pamamasa noon.
"Ang iyakin ko kung ganoon," I joked.
"You are," nakangiti niyang sabi.
Wala, e. Iyon lang naman ang kaya kong gawin. Iyon lang ang pwede kong gawin.
"I really hate your crying face. When will your eyes stop crying?" Kunot na kunot ang noo niyang sabi.
"You ask Him," I said.
"If I can, I will. Pero hindi ko naman kaya."
Natawa ako at ngumuso. "Bibisita ako kila Mama, hindi ko lang sigurado kung kailan."
"Want me to come with you?"He offered.
"Sasama ka?" I excitedly asked.
Marahan siyang tumango at ngumiti. "Kung gusto mo."
"Gusto ko!" Impit kong sabi.
"Don't be to excited," he told me.
I smiled and raised a brow. "I'm not. Excited lang ako kasi kasama ka."
"You're a bad girl. Hindi mo ba namimiss ang pamilya mo?"
"Namimiss. I just want to be with you more often now. Makakasama ko naman sila kahit kailan ko gusto."
"You don't know what will happen tomorrow," paalala niya.
I know. Kaya nga heto ako, nasasaktan.
Hindi na ako sumagot at isiniksik nalang ang mukha sa dibdib niya. I hugged him tighter and sighed. Pwede bang ganito na lang kami? Ito lang naman ang hiling ko. Wala naman akong ibang hiniling sa buong buhay ko kundi ito. Bakit hindi ako pinapagbigyan?
"Ang dami-dami mong iniisip. Kaya palagi kang naiyak, e."
"Paano mo naman nasabi?"
"I'm your husband, you other half mi amor. Now asked me again." He challenged me.
I shook my head and laugh. "Suko na po ako, mi amor."
"Mahal kita," he sweetly whispered.
Mahal din kita.
![](https://img.wattpad.com/cover/230113196-288-k788538.jpg)
YOU ARE READING
Mi Amor (Completed)
Short Story"Can you let me go now?" "Give me one day... just one day my love." Date Started : June, 21, 2020 Date Finished : June 24, 2020