Prolouge

19 2 1
                                    

Hindi ko inakalang makakaramdam din ako ng ganito.

Yung magkakagusto ka sa isang tao, kahit hindi mo alam kung gusto ka din.

Yung malalaman mo nalang na unti-unti ka nang nahuhulog sa kanya nang di mo namamalayan.

Yung maging dahilan sya ng pag-ngiti at pagtawa mo sa araw-araw.

Yung magselos kapag may kasama siyang iba.

Maging selfish, kasi gusto mo sa'yo lang sya.

Umasa. Umasa na magustuhan ka din niya, na mahalin ka din niya. Na tawagan ka niya kapag kailangan niya ng kausap, o mag reply sa mga text mo.

Umiyak. Umiyak dahil nasasaktan ka ng dahil sa kanya.

Sa di malamang dahilan, parang kidlat na bigla-bigla ko nalang naramdaman ang lahat ng yun. Nabulabog yung buhay ko, unti-unting lumalabas yung mga nakatagong emosyon ko.

Sa tingin ko dahil sa'yo, naramdaman kong buhay ako.

Masaya akong tumibok ang puso ko para sa'yo.

Hear My HeartbeatWhere stories live. Discover now