2 : The Heiress

8 2 3
                                    

Mr. Fredrick's POV

7:05 pm, masyadong madilim at nababalutan ng katahimikan ang buong paligid.

'Ang batang yun. Hindi ba siya natatakot?'

Napatingin ako sa nagiisang kwartong yun na may ilaw.

'Palagay ko, gising na siya sa mga oras na'to'

Isang malalim na paghinga ang agad kong pinakawalan kasunod ng paghakbang ko palapit malaking pinto ng mansyon.

Agad kong kinapa ang switch nang ilaw pero gaya ng inaasahan ko, hindi lahat ay nabuksan at ang iba ay patay sindi pa.
'Alam kong may katagalan na nang huling may manirahan dito pero sana man lang tinawagan niya ang isa sa amin ni Attorney para sa mga ganitong bagay.'

Iniayos ko ang aking salamin at sinimulan ko nang igala ang aking paningin sa buong paligid na agad din naman napahinto sa isang direksyon, ang kusina.

'Saan ka nga naman agad pupunta, pag kagising mo?'

Naabutan ko siyang nakaupo sa pinakagitnang bahagi ng mesa, magulo ang buhok at nakapikit pa habang naghihikab.

"Magandang umaga?" pabiro kong bati sa kanya

Nakatingin lang siya sa akin, nakatitig na parang bata. Ilang taon ko din siyang hindi nakita pero wala pa ring nagbago sa pangangatawan niya, ang timbang niya na mukhang nabawasan pa yata. Mas maputla na din ang kulay ng balat niya kaysa sa dati pero ganun pa din ang kulay ng buhok niya.

Napunta ang tingin ko sa isang baso ng gatas at sa cup noodles na nasa harap niya.

'At mukhang hindi pa din siya marunong magluto'

"Napakatalino mo pero bakit hindi mo kaya isunod na pag-aralan ang pagluluto" pag-agaw ko sa chopsticks na hawak niya bago niya pa maisubo ang noodles

"Mr. Fredrick" pikon niyang pagtawag sa akin dahil sa ginawa kong pagkuha sa pagkain niya

Sunod kong itinapon sa lababo ang noodles at kinuha ang sandwiches na ginawa ko kanina.

"Masama sa katawan ang madalas na pagkain ng noodles"
Inihain ko sa harap niya ang mga sandwiches.

"Ano bang gusto mong kainin? Ipagluluto kita."

"Fried rice " tipid niyang sagot dahilan para bahagya akong mapangiti

"Masusunod kamahalan"

Iniayos ko muli ang bow tie na suot ko at itinaas ng bahagya ang aking salamin. Nakangiti ko siyang pinanood habang inihahanda ko ang lulutuin ko.

Napalingon siya sa akin nang may pagtatanong na 'bakit?'

Alam na alam niya pa din kapag may nakatitig sa kanya.

"Wag mo akong pansinin, sige na magpatuloy ka na sa pagkain"

Habang nakatingin sa akin ay may kinuha siya sa bulsa niya at inilagay ito sa ibabaw ng mesa.
Pilit kong tinanaw mula sa kinatatayuan ko ang bagay na iyon subalit may katandaan na ako kaya bahagya na lang akong lumapit sa kanya.

"Some---someone, enters the house" may paninigurado niyang sabi

Kinuha ko ang bagay na inilagay niya sa mesa. Isang balat nang tsokolate.
Napatingin ako sa kanya na patuloy pa din sa pagkain niya ng sandwich.

"Hindi pa ba nabanggit sa iyo ni Attorney?"

Hinanap ko ang basurahan upang itapon ang basura nang mapansin ko ang isang maliit na kahon sa tabi nito.

"Simula bukas ay may mga makakasama ka na dito. Walong binata na mula sa mga kilalang pamilya at iba't ibang paaralan sa Maynila ang tinanggap ni Attorney para mangalaga sa mansion at para na din maging bantay sa'yo"

Napahinto siya sa pag-inom ng gatas at walang kagana ganang tumingin sa akin.
"Hindi na ho kailangan"

Hindi mababakas sa mukha niya kung anong emosyon ang nararamdaman niya, masyadong blangko gaya pa din nang dati.

"Talaga bang hindi na kailangan??" seryoso kong pagtatanong sa kanya kasabay nang paglagay ko ng kahon sa mesa

"Nung una, hindi ko makuha ang rason ni Attorney Rivas para kunin ang mga binatang iyon" Natawa ako nang bahagya "Mga lalaki.., walong mga lalaki" iiling iling kong dagdag
"Ano bang iniisip niya?, pagtatanong ko sa sarili ko pero ngayon..."
Binuksan ko ang kahon at isa isa kong inilabas ang mga nakalagay doon.

"Ngayon mas naintindihan ko nang mas may magagawa sila para bantayan at protektahan ka kaysa sa matandang tulad ko. Alam mo na, hindi na kaya nang katawan ko"

Nakatingin siya sa mga bagay na inilalabas ko sa kahong nakita ko.

"Nakakatanggap ka nanaman ulit ng mga ganito?,kailan pa? Bakit hindi mo man lang itinawag sa amin ni Attorney?"

Nakatitig lang siya sa huling bagay na inilabas ko. Pinagmamasdan ko lang kung paano siya bahagyang ngumiti.

"They been waiting for me" Tumingin siya sa mga mata ko "And I'm not that surprise. Anyways, its a welcome gift"

Muli kong tinignan ang mga laman ng kahon, rosas na itim, mga larawan ng iba't ibang putol na parte nang katawan ng tao. Mga itim na sobre ng sulat na naglalaman nang mga nakakatakot na pagbabanta. At ang huli ay ang kahon na may itim na laso, laman ang isang kutsilyo na may bahid ng dugo. Napunta muli sa kanya ang tingin ko.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at bumalik nang may dalang kung ano, eroplano?

"Look!, Mr. Fredrick. This one is interesting and I want to keep this one" seryoso niyang pagpapaalam sa akin habang iniikot niya ito sa harap ko habang inuusisa na para bang bago sa paningin niya ang isang iyon

Tinitigan ko itong mabuti, hindi lang ito basta basta laruang eroplano at hindi na din naman bago sa akin ang isang ito. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong Drone.

"Masyado nang matagal ang sampung taon na halos makalimutan ko na, at ngayon mukhang inaabangan talaga nila ang pagbabalik mo. Hindi ko alam kung anong iniisip nila para intayin ka pa, kahit na alam nila kung nasaan ka sa sampung taong nagdaan"

"Mr. Fredrick" pagtawag niya para makuha ang atensyon ko "Give them what they want. Position, properties, money?, it really doesn't matter to me." walang kaemo-emosyon niyang sagot sa akin

Ilang segundo din akong natahimik at napaisip. Paano nga kaya kung...

"Hindi." walang pag aalinlangan kong sagot "Ipinagkatiwala sa amin nang Lolo mo ang lahat ng ito at ikaw. Sa'yo niya iniwan ang lahat nang ito dahil may tiwala siya sa'yo at alam niyang kaya mo. Nangako kami ni Attorney Rivas na gagawin namin ang lahat para matulungan ka sa tungkulin mo. Huwag mo sanang baliwalain yun, hija, Mikee"

Pinanood ko lang siya sa kung paano siya magpanggap na parang wala siyang narinig sa mga sinabi ko. Nakatutok lang ang atensyon niya sa pagkain at sa pag inom ng gatas. Mayamaya ay tumayo na siya at dinala ang drone paalis.

"Mikee!...Hija!" pagtawag ko

Napahinto siya sa kalagitnaan ng hagdan at agad din namang lumingon sa akin.
"Masaya akong makita kang muli"

Bahagya siyang nag-bow bilang sagot sa akin.

Hear My HeartbeatWhere stories live. Discover now